Trinx Q189

As requested, gagawan natin ng review post itong Trinx Q189 na mountain bike.

Hindi naman bago itong Trinx Q189, last year pa, meron na nito sa bike markets natin dito sa Pilipinas. Wala nga lang siya sa listing ng Trinx website.

Hindi ko alam masyado ang specs, kaya hindi na din natin masyadong papahabain.

Doon sa nakita ko sa isang seller, ito ang specs na naipost nila:

  • Frame: Alloy Special Tubing 16″
  • Fork: Trinx Manual Lockout
  • Handlebar: Trinx Alloy Straight
  • Chain: Kmc
  • Crank: Shimano
  • Rd: Shimano Altus
  • Cogs: Shimano 7 S
  • Shifter: Shimano Altus
  • Tires:Kenda 29 X 2.0
  • Brakes Spark Hydraulic Dual Dicsbrake
  • Hub Joytech
  • Rim Doublewall Alloy

Hindi ako maniwala na yan talaga ang specs ng Trinx Q189. Sa picture pa lang, kitang kita mo na na ZOOM yung brand ng fork at hindi Shimano yung crank. Siguro nagkamali lang, siguro specs ng ibang bike yan, kaya hindi yan ang specs na susundin natin para sa bike na ito.

Heto ang konting specs ng Trinx Q189 na sa tingin ko ay mas tama:

  • Frame: Trinx Alloy Size 16
  • Fork: Zoom Suspension Fork
  • Shifter: Shimano SL-M310 Hydraulic Brake
  • Fd: Shimano TZ-30
  • Rd: Shimano TZ-50

Okay dahil alloy yung frame. Size 16, di natin sigurado kung may ibang sizes pa. Parang kagaya ng batalya sa Majestic series ni Trinx na hindi rounded ang tubes. Hindi internally routed ang tubing.

ZOOM yung brand ng suspension fork. Okay din naman ang brand na ito, hindi nga lang masyadong kilala kumpara sa Suntour pero madami dami na din silang mga fork na ibat ibang klase din sa market. Sa tingin ko ay mas okay naman itong fork na ito kumpara sa stock na Trinx rebranded fork lang. Coil type na suspension fork lang ito, at parang may lock-out na din naman.

Naka hydraulic brakes na itong Trinx Q189. Sa price nya ngayon, mura na din ito para sa nakaydraulic brakes na Shimano brand ang nakakabit.

Yun ay kung Shimano nga ba talaga ang brakes nakakabit. Yung product code kasi na SL-M310 ay para sa shifters ng Shimano na under sa Acera groupset.

Tourney yung front at rear derailleurs, okay na din.

Ewan ko kung ilang speed itong bike na ito. Wala na din kasi akong nakitang ibang pictures e.

Trinx Q189 Price

P8900 ang price na pinakamababa na nakita ko para dito sa Trinx Q189.

Verdict

Skip na agad tayo dun sa “maganda ba ang Trinx Q189”?

Mahirap masabi e, hindi ko 100% alam yung mga tamang specs.

Dahil dyan, medyo hindi ako pabor dito sa Trinx Q189. Hindi ko mai-rekomenda ng buong buo kaya kung naghahanap ka ng budget bike na 29er, subukan mo din tignan yung Ryder Shark 29er, Phantom Eclipse 29er, Trinx M520, o di kaya yung Trinx Q500.


Comments

21 responses to “Trinx Q189”

  1. ILovebike Avatar
    ILovebike

    Paki compare naman po yung Cannondale Trail 7 at Trinx B1200 salamat!

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      kung specs titignan mas maganda ang mga pyesa na nakalagay sa trinx b1200

  2. KamoteRider Avatar
    KamoteRider

    Newbie question lang po Sir.

    Kung iuupgrade ko po yang Q189 to 9 or 10 speed.. Anu anu po yung dapat ko palitan?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      eto mga need mo palitan at bilihin:

      • shifters
      • chain
      • rear derailleur
      • cogs
      • hubs
      1. KamoteRider Avatar
        KamoteRider

        Thank you so much sa tips Idol.. limited lang kasi budget kaya di ko kaya mag buong groupset.

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          ok lang yan, enjoy lang muna kapadyak

          1. Q189 user Avatar
            Q189 user

            Good Day sir! Pano po kpag ung Hubs ko ay atomic 32 holes di ko alam ung series. kaya po ba ung sa 1X11s na setup? thanks

          2. Ian Albert Avatar
            Ian Albert

            hindi ko lang alam kung 11-speed ready yung hubs mo

      2. John daniel esita Avatar
        John daniel esita

        Sir pwede po ba magtanong? Uhmm yung Q189 po kasi ay hindi naka casette type so mapapagastos pa po pag inupgrade sya ng 9-10 speed uhm pwede po ba iupgrade or yung Q189 at gawing cassete type para po dinadagdagan na lang

  3. michael Avatar
    michael

    Comment Text*ano pong mas maganda sir ian trinx M800 or trinx q500

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      mag trinx q500 ka na lang para 29er na

  4. Q189 cyclist Avatar
    Q189 cyclist

    Sir pwede po magtanong kasi po yung Q189 iba po yung tatak ng Fd tsaka Rd nya pinakalumang set na po yung pinakashifters nya rin po ask ko lang po kung ano po bang magandang tatak ang pwedeng bilhin na Fd tsaka Rd at kung mura rin po ba ito?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      basta shimano o ltwoo pwede na yun sa budget bikes, pero kung iba, yun ang medyo iwasan mo kasi medyo low quality na kasi pag iba like kung shiming, sihmano, ganyan

  5. Q189 cyclist Avatar
    Q189 cyclist

    Alin po ba ang maganda sa tatlo trixn m500, trixnq189 or m520 at alin po ang mas kakaunti ang iuupgrade

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pinakasulit dyan yung trinx m520, hydraulic brakes na lang bibilihin mo na upgrade, pwedeng pwede na

  6. Q189 cyclist Avatar
    Q189 cyclist

    Alin po ba ang maganda sa tatlo trixn m500, trixnq189 or m520 at ano po ang mas kakaunti ang iuupgrade

  7. Neil Seno Avatar
    Neil Seno

    my m189 is now upgraded yung fork na lang hindi

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ano ng setup mo ngayon?

  8. Nautical 14 Avatar
    Nautical 14

    Pakicompare po lincoln 4.0 saka po itong q189

  9. RonaldRab Avatar
    RonaldRab

    Néma döbbent csend. Mercedes-AMG GT-C Roadster vs. Can-Am (LapTiming ep. 92)

  10. Christian Avatar
    Christian

    Sir ian pwede po b i droper post ang trinx q189? Saka ano po size nya then sa fork din po pwede kaya sya i remote thanks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *