Yung mga tropa mo may ride sila kada weekend, ikaw na lang ba ang hindi nakakasama pero gusto mo na din sumama?
O kakabili mo lang ng bike pero di mo pa alam kung ano pa ba ang iba mo pang kailangan bilihin?
Newbie biker? Ang post na ito ay para sa yo.
Bike
Syempre una sa lahat, dapat may bike ka. Maganda kung sarili mo talaga. MTB o Road Bike man, depende na lang sa kung ano mas ginagamit ng mga tropa mo kasi may mga lugar na hassle sumama ang naka Road Bike, pero kung MTB naman walang problema. Kung puro road lang naman ang ruta ng tropa at lahat sila naka road bike, MTB o RB man, pwede yan.
Kung bago ka pa lang bibili ng bike at ang plano mo ay hanggat maaari ay mura lang, sa MTB lang sasakto ang mababang budget. Pag road bike kasi, yung pinaka mura non ay medyo mahal na din kumpara sa mountain bike.
Pero wala naman talaga sa bike yan, kahit anong bike pa yan basta tumatakbo ng maayos, safe at may preno, pwede yan sumama sa mga long ride ng tropa.
Eto naman yung mga accessories:
Helmet
Importante ang helmet, mas mabuti ng ligtas kesa mag sisi sa huli. Kahit anong bike helmet pa yan basta hindi pa sira, at nagagamit ng maayos, pwede yan.
- Presyo ng helmet: nasa P250 ang pinakamura, hanggang higit isang libo pataas pa.
Yung mumurahing helmet, okay lang yan gamitin basta kumportable ang fit sa ulo. Merong mahal na helmet na libo ang presyo, maganda din, sa porma at sa fit, pero parehas lang naman sila ng purpose. Styro na magliligtas sa ulo mo sa sandaling mangyari ang di inaasahan.
Bukod sa bike, pwedeng kahit wala ka na nung iba wag lang ito para maenjoy mo ang pag padyak. Priority mo dapat ito.
Hydration Bottle
Lagayan mo ng tubig, hindi pwedeng hindi ka mauuhaw pag pumadyak na kayo lalo kung malayuan. Hindi naman laging may tindahan na mabibilihan ng tubig o maiinom sa ruta ninyo, mas maganda pa din yung meron kang baon.
- Presyo: P80 pinakamura, may P100, at may iba pa na mas mahal pa. Kelangan mo din ng bottle cage, o yung kinakabit sa bike para may paglagyan ka nitong bote.
>> Buy Hydration Bottle Online
Mas okay yung pang bike-specific talaga na lagayan ng tubig dahil pwede kang makainom ng madali habang pumapadyak.
Bike Tools
Dapat meron ka din nito para in-case may kailangan ka na kalikutin sa bike mo, magagawa mo. Pati kung may ride at in case of emergency na masiraan ka tapos wala kang kasabay na meron nito, may pang kalikot ka sa bike mo.
- Presyo ng multi-tools: P100-250
Eto yung set ng mga allen/hex keys. Mas okay din yung merong chain tool.
Idagdag mo na din yung hand pump at patch kit para kung maflat-an ka tapos walang vulcanizing shop e hindi ka magtutulak.
- Presyo ng hand pump: P150 pinakamura, patch kit: P40
Mag saddle bag ka na din para may lagayan ka ng tools at extra inner tube na nasa ilalim ng upuan ng bike. Hindi mo na aalalahanin ibulsa pa.
- Presyo ng saddle bag: P150 pataas.
Bike Lights
Kung sakaling ginagabi ang mga rides nyo, o gabi talaga ang trip nyo na rides e dapat lang meron kayong ilaw. Flash light sa harap ay pwede na, common sa bikers yung police light, maliit lang kasi pero malakas, maliwanag at malaki ang sakop ng ilaw nito.
- Presyo ng flashlight: P250 may battery na rechargeable at charger ng kasama pati kabitan sa bike. Meron pang ibang front light para sa bike pero mas mahal at ito na yung sulit sa presyo.
Blinker at tail light pa para visible pa din sa daan.
- Presyo ng blinker: P60 dalawang piraso kaso ito yung de baterya na hugis piso. Mas okay yung rechargeable na tig P100-200. May ibat ibang mode at kulay pa.
Shades
Salamin. Proteksyon sa mata sa sikat ng araw. May time din na sobrang init at masakit sa mata kaya mabuting meron nito. Nakaktulong din itong makaiwas puwing sa alikabok na sanhi ng ibang sasakyan sa kalsada para hindi ka mapapapikit sa puwing, ligtas ka pa.
- Presyo: P50 yung ordinary lang pwede na, pero kung gusto mo ng pormang pang-bikers talaga P100 para sa jawbreaker na peke. Orig na salamin: P1000 pataas.
Bike Bell o Busina
Kung kumportable ka naman manigaw ng tao sa daan o magaling ka sumipol e hindi mo na kailangan nito. Pang tawag ng atensyon ng pedestrian sa daan na baka mabangga mo dahil hindi nakatingin sa direksyon mo, o pwede ding pang bati ng ibang bikers na makakasalubong mo.
- Presyo ng bell: P50-P100. Presyo ng busina: P100-400.
Outfit
Kahit ano naman talaga pwedeng pwede mo isuot, walang pipigil sayo wag ka lang nakahubad. Kaya lang meron talagang biker’s outfit na mas nararapat isuot.
Wag cotton na pang itaas dahil hindi agad nawawala yung pawis. Maganda yung drifit na style ng tela kahit t-shirt lang. Mura lang naman yung mga cycling jersey din, may bulsa pa sa likod.
- Presyo ng cycling jersey: P150-1000
Sa pang-ibaba naman, pwede na ang short na kumportable kang ipadyak kung naka MTB ka. Normal na porma ito ng mga naka MTB. Pwede din naka cycling shorts lang yung may padding. Wag lang mag maong na pantalon o shorts.
- Presyo ng cycling shorts na may padding: P200 pataas
Headkerchief o Scarf
Bandana, Balaclava, ikaw bahala kung anong gusto mong itawag. Common na makikita mo sa mga naka MTB, pang takip sa bibig o sa mukha. Bukod sa kumportable ito sa dahil nakakasangga din ng init, pwede mo din itong mask para sa pollution. Pwede din ilagay sa ulo para pang sipsip sa pawis habang nakahelmet at hindi tumulo sa mukha.
- Presyo ng scarf: P50
Arm at leg sleeves/warmer
Kung ayaw mo magkaron ng biker’s tan, o umitim ang braso mo at legs, gumamit ka nito.
- Presyo nito: nasa P50-200 ang pares depende sa quality kung tatagal o pang ilang gamitan lang.
Gloves
Para hindi umitim ang kamay, at para na din hindi madulas sa handle grip kung pawisan na, bawas kalyo na din.
- Presyo ng gloves: P100 pataas
Sapatos
Mas ok kung nakasapatos. Kahit anong rubber shoes e okay na, pero may dalawang sapatos na sakto sa pang bike talaga.
Yung flat ang swelas para sa flat na pidal at yung cleats shoes na para sa cleats pedal; ito yung sapatos na kumakabit sa pidal.
Pera
Syempre dapat may dala kang pera para naman hindi ka aasa sa tropa mo para sa pangkain mo. Baka hindi ka na nila yayain kung palagi kang buraot sa mga kasama mo dahil wala kang dalang pera.
May nakalimutan pa ba tayo? Sa tingin ko makakaride ka na nyan ng matiwasay kahit long ride pa yan o unliahon. May kasabihan nga tayo: “Wala sa accessories yan, nasa tuhod yan.” Well, hindi din. Pwede namang wala ng mga yan pero yung benepisyo talaga ng may ganyang mga gamit sa pagpadyak e may malaki at mabuting epekto naman.
Akala mo tapos na gastos mo nung bumili ka ng bike ano? Dyan ka nagkakamali dahil pwede ka pang dapuan ng sakit na upgraditis.
Enjoy and ride safe lagi kapadyak!
How about a hand pump??
kasama po sa bike tools. hehe.
hello sir ask ko lang po if anong magandang unahin if mag uupgrade ka po ng bike
Bosing good morning saan ba mganda mag rides sa road or sa trail bundok wag lang downhill i mean nabasa ko info mo very informative salamat sa dito boss keep sharing god bless new bees
depende yan sa trip ng tropa, masarap din mag long ride sa road pag may bagong lugar kayong pupuntahan, enjoy din naman mag trail sa bundok yung tipong tutulakin nyo yung sobrang ahon pati yung mga bulusok na medyo alanganin, ang kagandahan pag bundok kayo maganda ang views, walang pollution sa mga sasakyan. kailangan lang naka mtb kayong lahat para mag enjoy lahat.
good evening sir! may review po kayo sa voyager 26er mountain bike?
27.5 pa lang https://www.unliahon.com/voyager-race-edition-mtb-27-5-review/
pero tip ko sayo, wag ka mamurahan sa voyager na 26er na naka hydraulic brakes na. nakakita ako nun, hindi pa shimano ang ibang pyesa nun
hello, ask ko lang po kung ano po magandang bike bilhin? balak po kasi bumili ng bike. yung mura lang po sana di lalagpas ng 5k tas yung quality is okay naman din po. ty sa reply! god bless po.
check this video kapadyak baka makatulong sa yo https://www.youtube.com/watch?v=0qEYhoDEBvs
Advice naman po sana sa mga nakacombo shifters at 7speed lang at mechanical brakes. Guide naman po kung ano uunahing iupgrade. TIA
hydraulic brakes na, tapos shifter palit din.
pero kung kaya upgrade ng buong groupset, mas maganda. at least Alivio lang.
Ask ko po regarding pagpalit ng fork.. nka specialized xc fsr comp ako pero gusto Ko palitan fork Ko n my 100mm travel s 150-160 mm travel . Tingin m mccra geometry ng bike??
masisira yung head tube ng bike mo dyan