Merida Cyclocross 300 (2018) Review

MTB o Road Bike? Cyclocross!

Nagsimula ako sa mountain bike (Ride with my MTB here) at isang araw ay pinasakay ako ng kakilala ko sa kanyang road bike, iba ang pakiramdam kapag sinakyan, mabilis, magaan. Kaya ako naman itong biglang napaisip na bumili din ng ganitong klaseng bisikleta.

Napansin kong manipis at makinis ang gulong ng isang road bike. Napaisip ako, “Paano kung malubak ang daan, o kaya bigla kang mapadaan sa isang pothole?” Naghanap ako kung may road bike bang hindi ganito ang gulong (super newbie pa ako ng time na ‘to sa mundo ng bisikleta, HAHA!) At nakita ko ang tinatawag na Cyclocross bike na pwede ring tawaging Gravel bike (medyo interchangeable, kaiba lang din sila sa geometry ng frame). Bisikletang pormang road bike na ang gulong ay pwede sa tagtagan (medyo, HAHA!).

Ang napili kong Cyclocross bike na pasok sa budget ay ang Merida Cyclocross 300.

Specifications

FRAME/FORK

  • CYCLO CROSS LITE
  • Frame sizes: XS(47) S(50) S/M(52) M/L(54) L(56) XL(59)
  • Frame Color: Petrol Blue (Shiny yellow/Teal) –no other colors
  • Fork: Lightweight Aluminum Fork with Disc Mounts

GROUPSET

  • Shimano Tiagra 4700 (STI,FD,RD,Cassette
  • Cassette: 11-32t (10 speed)
  • RD: Long cage
  • Crankset: Chainwheel FSA Omega 50-34t
  • Chain: KMC 10s

Shimano Tiagra Drivetrain

WHEELSET

  • Hubs: Alloy, Sealed Bearing, Quick Release
  • Rims: MERIDA Comp, 22mm profile
  • Tires: Maxxis All Terrane 33c Folding (tubeless ready)
  • Spokes: Black, Stainless

BRAKES

  • Tektro Spyre mechanical disc, 160mm rotors

MISC.

  • Stem: MERIDA Expert, 3d forged, 6061 AL, Oversize clamp, -5 degree
  • Handlebar: MERIDA Expert double butted 6061 AL, compact drop, oversize clamp
  • Headset: MERIDA M2331
  • Seat Post: MERIDA Road Comp 12mm, 27.2mm offset
  • Saddle: MERIDA Sport
  • Pedal: Not included upon purchase (bili ka na lang, hehe)
  • Weight: 10.69 kg (not bad at all)

PRICE

  • PHP 35,000 (SRP)

Review

Mahigit 7 months na sa akin itong bike ko. Walang problema pagdating sa mga rides (hindi na ‘ko naiiwan, YES!)

Pagdating sa pagpadyak, wala akong naging problema, smooth s’ya at tiyak na mabilis ang acceleration mo dahil sa 50t larger chainring ng bike.

Sa shifting, kasama ang Tiagra STI, wala din akong naging problema, madali mag-shift at walang kung ano mang problema (siguraduhing ipa-tono bago mag-ride, malaking bagay ito)

Superb ang gulong, nakadaan na ako sa bato batong daan, sa putik, sumakto sa pothole, okay pa rin, never akong naflat-an (pati nung naka MTB pa ako, ‘di pa rin ako naflat-an, thank God! Hehe)

Pagdating sa comfort ng ride, siguraduhin ding tama ang sukat ng frame ng bike mo sa’yo. Ang height ko ay 5’7 at ang size ng frame ng bike ko ay small. Ayusin din ang saddle height. Sa simula, masakit pa sa likod pero it takes time to get used to pagdating sa bike na naka-drop bar, ang postura mo ay iba pagdating dito kumpara sa MTB.

Nabuhat ko ‘sya kahit mahangin, HAHA!

Medyo mahirap maghanap ng shop na may stock nito, sinuyod ko ang Quiapo at Cartimar, wala. Nabili ko s’ya sa PowerCycles Alabang.

Upgraditis (NAKU PU!) – Updated na!

Syempre sino ba namang siklista ang hindi magkakaroon nitong sakit na ito.

Sa sobrang pagmamahal ko sa bisikleta ko, in-upgrade ko s’ya ng bongga.

UPGRADED SPECS:

GROUPSET

  • Shimano Ultegra R8000 (STI,FD,RD) XT M8000 (Cassette)
  • FD (with braze-on adapter)
  • Long cage RD
  • Cassette: 11-40t 11speed
  • Chain: KMC 11speed
  • Crankset: Ultegra R8000 50-34t

PEDAL


TIRES

  • Continental Cyclocross Race 700x35c

SADDLE

  • Fabric Scoop Sport Shallow

Super laki ng difference sa shitfing from Tiagra to Ultegra, napakasmooth as in. Madaling pindutin ang shifter at wala akong naging problema (ito uli, make sure naitono ng maayos).

11-40t setup

Sa ahunan, walang problema! Pero minsan sa sobrang tarik ng inaahon mo, magugulat ka na lang, ‘di ka na makakakambyo. Haha! Pero iba talaga sa pakiramdam ang Ultegra kapag pinapadyak na, napaka smooth!

Keep your bike clean

Sa pedal, since baliktaran s’ya, you can go clipped in o hindi. Bagay na bagay kung bibili ka lang ng suka, toyo o betsin sa malayong tindahan.

Sa gulong naman, pinalitan ko yung Maxxis All Terrane ko, sa ‘di malamang rason, na-deform s’ya at kapag ginagamit ramdam yung pag-wiggle though aligned naman. Wala akong naging problema dito sa Continental, sa road man o sa trail.

Pagdating sa saddle, ang masasabi ko lang, mas malambot yung stock saddle ni Merida pero mas komportable itong Fabric.

Verdict

Definitely worth your money for the price. Lalo sa groupset, ang Tiagra 10s ay panalong panalo, disc brake pa at syempre dala dala mo ang pangalan ng MERIDA. Woop! Woop!

EXTRA PICS FOR Y’ALL

Pic 1

Pic 2

Pic 3

Pic 4


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. DarrenJose May 12, 2018
      • Ian Albert May 12, 2018
        • DarrenJose May 12, 2018
        • Rhod April 6, 2019
    2. libao May 12, 2018
      • Ian Albert May 12, 2018
    3. DarrenJose May 15, 2018
    4. Alvin May 21, 2018
    5. sardis May 27, 2018
      • Ian Albert May 29, 2018
    6. Neil Aquino May 29, 2018
      • Ian Albert May 29, 2018
    7. Roaddddddddd June 1, 2018
    8. earlvin June 9, 2018
      • Ian Albert June 10, 2018
    9. Dante Tafalla July 19, 2018
      • Ian Albert July 20, 2018
    10. john July 24, 2018
      • Ian Albert July 25, 2018
    11. Jeric paredes October 13, 2018
      • Ian Albert October 18, 2018
    12. Jomari Aragones November 5, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
    13. Jomari Aragones November 9, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
    14. Jherald Tiongco December 23, 2018
    15. dennis December 29, 2018
    16. Lionell February 22, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    17. Dann June 21, 2019
    18. Reginald Bollosa December 27, 2019
    19. Tupe July 24, 2020

    Add Your Comment