Dati nung una ko makita ang Phantom brand na bikes, sabi nila “powered by Trinx” daw ito. Hindi ko sigurado kung ano ang ibig sabihin nun, kung totoo kaya na sa Trinx din galing ang mga Phantom bikes. May isang shop ako na napuntahan dati, distributor sila ng Trinx bikes at meron din sila ng mga Phantom bikes.
Pero dahil may nag-request na i-review natin ang Phantom Quest 27.5 MTB, susubukan natin ngayon suriin ang specs nitong bike na ito base sa mga posts ng mga sellers online. Wala kasing website ang Phantom bikes.
Mayroon na ding bagong version itong bike na to, Phantom Quest 27.5 2018. Nakita ko din yung mga naunang labas nitong Phantom Quest 27.5, yung hindi pa 2018 version. Medyo may kamahalan, at hindi ganun kaganda ang specs.
Pero itong bagong version ng Phantom Quest 27.5, ang SRP nya sa LJ Bikes ay P8,990. Sa kanila ko lang nakita yung bagong version nitong Phantom Quest, at ito na din ang pinakamura.
Frame
Alloy na yung frame ng Phantom Quest 27.5. Siguro ay isa lang din ang size nito, baka size 17″. Swak na din para sa height ng karamihan. 27.5 yung gulong na kasya sa kanya. Disc brakes na din ang preno.
Bukod sa Black/Green at Gray/Blue na kulay, hindi ko alam kung may iba pang colorways itong bagong version.
Fork
May lock-out yung fork. Kulay black yung stanchions. Medyo iba sa common na nakikita natin sa budget bikes, pero parang kulay lang din naman yung naiba. Coil spring lang ito at steel siguro. Pwede na din kasi may lock-out na.
Cockpit Set
Sa cockpit naman, straight yung handle bar, medyo mataas ang rise dahil madami pang spacers at hindi sinagad ang putol ng steerer tube ng fork. May bar end grips na din na malaki ang naitutulong para sa ibat ibang posisyon ng kamay. More comfort kasi more position at meron ding mahahawakan kapag gustong mag-output ng higher effort sa climbs.
Yung saddle medyo slim profile, maganda din hindi kagaya ng mga generic saddles. Yung seatpost lang medyo makaluma ang style. Quick release na yung seat clamp.
Drive Train
Kaya medyo mas mahal ito sa mga budget bikes ay dahil naka hydraulic disc brakes na ito. Non-series Shimano hydraulic brakes ang nakalagay dito at 8-speed Shimano Altus naman sa shifters.
Tourney ang FD at RD. 8-speed ang cogs pero di ko alam ang teeth, siguro ay 11-32t.
Yung crank naman ay 3-by na Prowheel, kagaya ng sa Trinx M500. 22-32-42 siguro ang sizes ng bawat chain rings nito, pero sure ako na alloy na din yung crank arms.
Wheelset
27.5 yung gulong, sweetspot ng 26er at 29er for long rides or trails. No idea sa hubs and rims pero sa tingin ko parang kagaya lang siguro yun ng nasa Trinx. Di ko sure kung thread type yung hubs yung nakalagay pero yung rim sa tingin ko ay alloy naman na. Ang gulong naman ay Kenda brand, medyo kilalang brand at yung knob patterns ay mostly balanced para sa rides sa off-road at paved na kalsada.
Verdict
Halos wala din kinaiba masyado sa Foxter FT-301 na same 27.5 budget MTB bukod sa naka-hydraulic brakes na ito. Sa price difference nito, pwede mo din maupgrade yung FT301 sa hydraulic brakes at 3×8 na shifters. Parang mas makakatipid ka pa sa Foxter dahil yung mga parts na pagpapalitan mo ay pwede mo pa maibenta.
Pero ayun nga, kung ayaw mo mahassle at gusto mo na agad ng naka-hydraulic brakes na MTB, pwede na din itong Phantom Quest 27.5 dahil maganda din naman ang mga pyesa na nakakabit dito para sa isang budget MTB.
photo credits: LJ Bike Shop
Leave a Reply