Foxter Princeton 2.0 Specs
- Alloy frame
Alloy na yung frame nitong Foxter Princeton 2.0 kaya maganda na din. Sa sizes naman, hindi ko alam may iba pang sizes, at kung anong size ba available itong Princeton 2.0. Siguro size 17, wala kasing mention sa internet.
- 3×8 Shimano drivetrain
3×8 ang gearing. Shimano drivetrain daw pero sa tingin ko, FD, RD, at shifters lang naman ang Shimano. Which is not bad na din. Combo shifters ang shifter nito, magkasama na yung brake at shifters kasi naka-mechanical brakes pa lang naman itong MTB na ito.
- Lockout fork
Yung fork, may lock-out, kaya okay na din. Hindi ko masasabi kung maganda ba ang play nito, but since its a budget bike, we cannot expect too much sa performance ng suspension fork na nakakabit dito sa Princeton 2.0.
- Mechanical disc brakes
Naka-mechanical disc brake itong Princeton 2.0.
- 27.5 wheelset
27.5 ang size ng gulong nitong Foxter Princeton 2.0 – kagaya lang din ng karamihan sa mga Foxter MTB. Parang nagfocus yata sila sa 27.5 na MTB.
- Foxter Alloy Double Wall Rim
Alloy yung rims, na double wall which is good na din.
- Foxter Hubs
Yung hubs naman, I am not sure kung quick release na both front and rear. Di kasi kita sa mga pictures sa internet. Di ko din alam kung thread type pa din ba o cassette type na ang hubs nito, pero mataas ang chance na thread type pa din dahil sa price point nya.
- CST Tires
CST ang brand ng tires, 1.95 siguro ang tire width. Hindi masyadong aggressive ang pattern ng knobs sa tire, as always sa 1.95, kaya sakto lang gamitin para sa sementadong kalsada at mga tuyong off-roads.
- Foxter Saddle
- Foxter Alloy Stem
- Foxter Alloy Handle Bar
- Foxter Alloy Seatpost
Yung other components, Foxter branded na mukhang maganda naman. Yung crank nga lang nya, mukhang bakal pa, kagaya ng sa FT301.
Foxter Princeton 2.0 Price
P7500 ang price na nakita ko dito sa Foxter Princeton 2.0.
Verdict
Hindi na din masama sa P7500. Sa totoo lang nakakalito din itong Foxter series na ito. Kasi halos pare pareho lang naman ng specs. Medyo mahirap tukuyin kung ano nga ba ang kaibahan nito sa iba. Pero yung specs nitong Princeton 2.0 para sa price nyang P7500 ay tama lang. 27.5 na 8-speed, pwede na. Shimano parts na din naman at may lock-out na yung fork.
Kung trip mo mga kulay, go for it na. Parang Foxter FT301 lang din naman kasi, pero di ko lang sure kung wala na dito yung mga issues sa FT301.
Leave a Reply