Trinx Q1000 Review

Ang Trinx Q1000 na ang top of the line 29er model sa Quest lineup ni Trinx.

Mas mataas ang specs nito kumpara sa Trinx Q500 at sa Trinx Q800.

Mas mataas din ang presyo nito. Yung nakikita ko sa facebook, nasa P18k ang bentahan nitong Trinx Q1000. Kapresyo na ng Giant ATX, pero malaking lamang naman sa specs si Trinx Q1000.

Trinx Q1000 Specs

FRAME

  • FRAME: 29″*16″/18″ Alloy Special-Shaped Tubes
  • FORK: Suntour SF16 XCT Alloy Suspension Travel:100mm

May choice ka pa din sa size kung medium (size 16) o large (size 18) sa Trinx Q1000.

Same geometry lang din at style ng tubings, internal cabling na din, bale colorway lang naiba.

Suntour XCT din yung fork, same sa Q800.

COMPONENTS

  • PEDAL: Alloy
  • SADDLE: Supra Sport
  • HANDLEBAR: Uno Alloy Flat

Sa cockpit set naman naiba na dahil hindi generic Trinx parts lang.

Ayon sa website ng Trinx, Supra Sport yung saddle ng Trinx Q1000. Kung totoo iyon, medyo bongga na dahil kung Selle Royal Supra Sport saddle ito, ay nasa P2.5k (straight convert sa peso) ang online price ng ganitong saddle .

Yung handlebar at seatpost din ay Uno na, hindi generic Trinx handlebar lang. Flat bar ito, sakto pang XC ang porma.

DRIVETRAIN

  • SHIFTER: Shimano Deore SL-M610
  • FD: Shimano Altus FD-M370
  • RD: Shimano Deore RD-M610
  • CHAIN: KMC Z99
  • BRAKE: Shimano M365

Shimano Deore na yung shifters na 3×10 speed, mas  maganda kaysa sa Altus o Alivio. Kaya lang yung FD nya ay Altus pa din, sana ginawang Deore na lang din. Yung RD nya ay Deore na din, hindi lang naka specify kung Shadow RD na ito, mas maganda kasi yun pang trail dahil hindi masyado hahampas ang chain kapag nalulubak sa trails.

Yung brake set naman ay non-series hydraulic disc brakes pa din pero ibang version dahil M365 ito. Ito yung version na hindi bakal yung levers. Madalas kasi na kalawangin yung brake levers sa non-series na Shimano hydraulic brakes (M315).

WHEELS

  • CASSETTE: Shimano CS-HG50-10 11-36T
  • RIM: Weinmann Alloy Double Wall
  • TYRE: Maxxis 29″*2.10″ 27TPI
  • CHAINWHEEL: Prowheel 22/32/44T*170L
  • HUB: Novatec Alloy Double Sealed Bearing

Deore cogs yung nakakabit na 10-speed at may 36t na pinakamalaking gear sa likod.

Maxxis Sphinx ang gulong, mas maganda kaysa sa Kenda at CST tires ng lower models. Di masyado aggressive yung knobs ng tires na ito kaya swak lang din pang trails at kalsada na rides.

Yung crank nga lang Prowheel pa din pero parang ibang modelo na.

Yung hubs naman ay naka Novatec na na sealed bearing.

Mas sulit ba ito kumpara sa Q500 at Q800?

Kung ako ang tatanungin, parehas lang ang masasabi ko tulad ng sinabi ko noon sa Q800.

Dahil kung may budget ako na P18k para sa mountain bike at gusto ko ng magandang pyesa, 10 speed at Deore na; mas pipiliin ko na lang na bilihin yung Q500 at i-upgrade yung pyesa nito sa Deore na groupset.

Maibebenta mo pa naman yung mga pinagpalitan. Baka may sukli ka pa kung upgrade kit lang ang bibilihin mo.

Pero kung ayun nga, ayaw mo ng hassle at gusto mo yung sasakyan na lang, o di kaya yung kulay na gusto mo ay nandito sa Q1000; walang pipigil sa iyo na piliin ito. Maganda na din naman ang mga pyesa.

Available ang Trinx Q1000 sa mga kulay na:

  • Black with Grey Red decals
  • Matt Black with Grey Blue decals
  • Matt Grey with Green Orange decals

Comments

39 responses to “Trinx Q1000 Review”

  1. yung q1000 ba tapered naba? tapus bolt type naba hub nya?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      parang hindi pa sya tapered sir, pero yung hubs nya bolt type.

  2. paps? anu ito? tapered naba sya? hindi pa sya center lock yung hubs?

  3. sir saang bike shop available itong trinx
    Q1000?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sa mga bike shops sa quiapo or cartimar sure ako meron nyan may nakita ako nung last na mag ikot ikot ako.

  4. Kristoffer Calvin Avatar
    Kristoffer Calvin

    Sir sana po ireview nyo yung phantom charles jerry 3.0. Curious ako dun sa charles jerry kasi di naman sya lumalabas sa google. Tapos nanghihinayang ako kasi bnigay sakin umabot ng 11k e pinapalitan ko lang ng generic stem at pedal. Yung trinx q800 nakita ko dun s kabilang shop 10500 lang. Salamat po.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      saang shop yan? hinanap ko sa google yung phantom charles jerry 3.0. Nasa 8k ang price nya, mura na sa naka hydraulic brakes na 8-speed, kaya lang 26er sya, di ko alam bakit umabot ng 11k yan kung generic stem at pedal lang naman ang pinalit, dapat nasa 500 lang ang dagdag dyan kung generic parts lang.

  5. Sir may 2018 version nba ng q1000
    Tnx

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wala pang update yung trinx website, puro 2017 pa lang andun.

  6. Ramonski Avatar
    Ramonski

    Sir ian, meron ba nito na airfork katulad sa site ng trinx?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sa Trinx Quest series, wala e, puro XCT fork lang talaga. Yung air fork ng trinx puro nasa X-treme series.

  7. Sir ian, ano po bang mga pinagkaiba nito sa q800?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      i will make a comparison of those two bikes soon

  8. nikko salonga Avatar
    nikko salonga

    Sir Newbie ako sa Mountain bike.
    best bike for me po?
    29er sana na meduim frame.

    Trinx/Foxter/Rhino etc.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      go with trinx 😀

      tapos depende sa budget mo,
      low budget q500 or m189

  9. Justine Avatar
    Justine

    Magkano price nito sir ngayon sa quiapo o cartimar?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi ko lang sure, di ko natatanong

  10. Justine Avatar
    Justine

    Ano sir mas magandang quality b700 or q1000?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      parehas lang yan maganda, mas mahal lang q1000 kaya mas mataas specs kumpara sa b700

  11. Sir ian nka ta naba ung q1000 or quick release pa din po?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi ko sure pero parang qr lang din

  12. Renel Angelo Magtiza Avatar
    Renel Angelo Magtiza

    Hi sir Ian, ask ko lang po kung magkano yung deore group set?? Saka yung maxxis sphinx? Para sa Trinx Q500

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      deore groupset nasa 13.5k alam ko presyuhan nyan. yung maxxis sphinx naman nasa 1k plus isa nyan kung folding

  13. Anu po ba Kua ian yung tapered?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      yung style ng head tube, yung pinagkakabitan ng fork sa bike, kapag mas malaki yung butas sa ilalim, ibig sabihin nun tapered

  14. Reggie ferraren Avatar
    Reggie ferraren

    Kuya pa advice naman may budget akong 15k… Ano po ba ang pinakamagandag mabibili ko ng MTB.. GAGAWIN KO LANG NAMAN PANG EXERCISE AT SMAA SAMA SA BARKADA

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Trinx X1 Elite o kaya Trinx X1 Quest
      maganda din Trinx M1000 Elite
      yung Keysto na 3×11 speed maganda na din

  15. Dominic Avatar
    Dominic

    san po ba pwedeng magandang bumilli ng Trinx X1 Elite online ganyan kasi hanap ko kaso wala akong makita sa location namin

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      search mo lang sa fb para magka idea ka

  16. Paps san po ba ako makakabili niyan?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wala na po ata nabibili na Q1000 ngayon

      1. meron po yan sa main branch LJ Bikes magpapa order ako ngyon. naka sale ng 10k untill november 30.daming sale sa page nila.ask ko lang erp IAn pwde ba sa akin ang medium 29er? 5’11 kasi ako baka maliit sa akin yon 200 KL pa naman ako. TIA!

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          meron pa pala neto, kala ko ubos na talaga lahat. kung sa 10k, sobrang sulit na yung q1000. swerte ng makakabili. Pwede yan sayo bro, kahit medium lang.

  17. Sir meron bang trinx x9 dito sa pinas at magkano?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wala po ata, trinx x1 at x7 lang ang lumabas sa Pinas

  18. HERNANDO ADONA Avatar
    HERNANDO ADONA

    SIR, MY AVAILBLE PA PO BA N TRINX QUEST Q1000 NGAYON…SAN PO AKO PWD MG ORDER?MINDANAO AREA PO KASI AKO.

  19. YURI CUREG Avatar
    YURI CUREG

    Kuya Ian Yung trinx x1 ba may 29er?…at MAGKANO PO yun?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *