Isa na namang bagong MTB ng Foxter, itong Foxter Lincoln FT 4.0. Kasunod lang yata ito nung Foxter Evans 3.0 e. Hindi din nagkakalayo ang presyo, mas mahal lang ng P500 ang Lincoln 4.0.
Ano ba ang pinagkaiba nitong dalawa? Suriin natin sa review na ito.
Pinakamura na nakita kong presyo nitong Foxter Lincoln 4.0 ay sa Budget Bikes. P9500 lang sa kanila. Sa iba kasi ay lagpas na ng P10k at halos umabot pa sa P11k.
Heto yung specs ng Lincoln 4.0.
Foxter Lincoln 4.0 Specs
Frame: Foxter Alloy
Alloy din yung frame. Iba na din sa mga mas mura pa na MTB ng Foxter yung porma ng frame. Iba din yung style nito kumpara sa Evans 3.0. Mas may kurba yung top tube. Hindi ko kabisado yung mga benepisyo ng ibat ibang geometry ng bikes, pero para sa akin maangas ang porma nito.
Internal cabling pa din at maganda ang mga kulay na available. Hindi ko lang sigurado kung may iba pa itong size bukod sa size 17.
Fork: Foxter w/ lock out
Sa fork naman, Foxter fork pa din na may lock out. Coil spring type na shock, mataba yung tubings ng stanchions.
Brake: Shimano 315 Hydraulic
Shimano non-series hydraulic brakes naman yung brakeset. Kahit na non-series lang ng Shimano yung brakeset, ay okay na ito kaysa naman kung brakeset lang ng hindi kilalang brand ang ginamit.
FD: Shimano Tourney
RD: Shimano Tourney 8speed
Shimano Tourney lang yung FD at RD. Kahit na pinakamababa yun sa mga pyesa ng Shimano ay wala namang issue sa components na ito, maayos naman ang performance.
Handlebar: Foxter Alloy 680mm
680mm pala yung haba ng handlebar nito. Buti naman at alloy na. Straight din kaya swak na XC ang pormahan.
Stem: Foxter Alloy 80mm
80mm naman yung haba ng stem nito. May kaunting angle na pwede mo isetup pataas o pababa.
Seatclamp: Q/R Alloy
Quick release na yung seat clamp at alloy na din.
Saddle: Foxter
Yung saddle naman ay Foxter branded pero mukhang maganda ang porma at pagkakagawa.
Crank: Foxter Triple Alloy
Ito yung naiba sa Evans, Alloy na yung crank nitong Lincoln. Mas magaan, at mas maganda. Hindi kakalawangin.
Freewheel: 8speed Silver
Hindi ko alam kung anung cogs ang ginamit dito, kulay silver.
Hub: Front and Rear alloy Q/R
Quick release na yung front and rear hubs. Alloy, pero hindi natin alam kung thread type pa din ba o cassette type na yung hubs nitong Foxter Lincoln 4.0
Cable: Jagwire
Jagwire daw yung cable na ginamit sa bike na ito, bongga kung ganun at least hindi generic cable at cable housing.
Rim: Foxter Alloy Double Wall
Double wall at alloy na yung rims. Maganda yun, kapag double wall kasi mas matibay at mas magaan.
Tire: Kenda 27.5×2.1
Yung tires naman, Kenda na. Mas malapad na din kasi 2.1 na yung sukat. Yung sa Evans 1.95 lang. Mas bagay sa trail itong gulong na ito.
Verdict
Akala ko wala masyadong bago dito sa Lincoln 4.0. Pero tulad ng unang hinala ko sa Evans 3.0, mali na naman ako. Kung nabasa nyo yung review ko sa Evans 3.0, recommended ko siya para sa mga may budget na P9000 at gusto ng naka hydraulic na setup.
Itong Lincoln 4.0 naman, tutal P500 lang ang idadagdag mo, edi dito ka na lang.
Iba ang style ng frame, parang mas maganda yung ganitong porma e. Tapos alloy na crank, mas maganda ang gulong (Kenda na na mas malapad), Jagwire na din ang mga kable.
Kung trip mo yung mga kulay ng Foxter Lincoln 4.0, na Neon ang dating gaya ng Foxter FT301, at kaya mo naman isagad ang budget mo sa P9500. Panalo ka na dito.
Ito pala yung ibat ibang kulay ng Foxter Lincoln 4.0
Credits sa Budget Bikes at FJ Bikes para sa mga images na ginamit sa post na ito.
Leave a Reply