Marcus M50 Review

by

in

Nung una kong makitang lumabas ang brand na Marcus, una talagang sumagi sa isip ko na halos hawig sya ng Keith na MTB. Same style ng paint job, at pangalan din ng lalaki pareho. Medyo hindi ako bumilib sa Marcus na MTB dahil may kataasan ang presyo nito at gumaya lang ng design ng frame sa Keith.

Ito ang Marcus M300, ganda ng style diba. Hydraulic brakes, 9-speed, at internal cabling yung frame. SRP nito naglalaro sa P13K pataas.

photo credits: Tulang Bikes

Ito naman yung MTB na binuo sa Keith Monster na frame. Ang SRP ng Keith Monster frame ay nasa P22K naglalaro.

photo credits: Charly Camposano Corona‎ – KEITH BIKES PHILIPPINES

Hawig na hawig diba?

Anyways, ang titignan naman talaga natin sa review na ito ay yung Marcus M50. Nung nai-search ko ito, medyo natuwa ako dahil hindi na siya kopya sa Keith.

photo credits: FJ Bikes

Di ko naman masyadong minamasama yung pagkopya nila sa Keith, maganda naman talaga yung colorways at design ng Keith, sabi nga “kung mangongopya ka, copy from the best na”, pero para sakin mas maganda pa din kung imamarket nila ang bikes nila na may sarili nilang style.

Isa sa ikinagulat ko ay ang mababa na SRP nitong Marcus M50, P7600 lang sya sa Stan at P8k naman sa iba. Maari mong sabihin na normal price lang siya ng mga desenteng budget MTB’s, pero naka hydraulic brakes na itong Marcus M50. San ka pa.

Kaya lang nung tinitigan ko ng matagal ang Marcus M50, naalala ko naman Foxter FT301. Medyo may hawig sila sa style ng paint job, medyo lang naman.

Walang official site ang Marcus bikes, wala akong official reference sa specs ng MTB na ito bukod sa mga pictures at details na pinost ng mga nagbebenta nito.

Marcus M50 Specs

Frame

Alloy yung frame ng Marcus M50. Square ang style ng tubings. 27.5 ang kasya na gulong. Hindi ko sigurado kung may iba pang size bukod sa 16.5″.

Fork

Yung fork naman, may lock-out na at preload adjuster. Di ko akalain na ganito na yung fork nito knowing na mura pa din sya kahit naka hydraulic na.

Drivetrain and Brakeset

Naka Shimano non-series hydraulic brakes na itong Marcus M50. May 3×8-speed na Altus shifter na din. Ito palang nasa P2k+ na agad ang presyo kung bibili ka ng ganitong pyesa.

Tourney naman yung FD at RD. Yung cogs nga lang nakita ko, SUNRUN ang tatak. Yung triple crankset naman nya, di ko sigurado kung alloy na ba o bakal.

Wala tayong info sa teeth ng crankset at cogs ng sprockets.

Update: 12-34t pala ang range ng cogs nito. KMC daw yung chain.

Wheelset

Chaoyang yung tires, at double-wall alloy yung rims. Yung hubs naka quick-release na. Sure ako thread type hubs ito. Yung width ng tires di ko makita kung ano, pero judging from the pattern ng tires mukhang swak naman ito for both road and light trails or off-road riding.

Update: 2.0 ang tire width ng Chaoyang tyres na nakakabit dito, kaya pala medyo may kalapadan sya sa pictures. Common sa budget bikes kasi na 1.95 lang yung width ng gulong.

Other components

Yung stem ay alloy, yung handlebar naman steel pa. Yung seatpost siguro ay steel din dahil medyo old-school ang style. Yung saddle medyo maganda ang porma dahil slim profile.

Verdict

Ano kaya ang naging compromise ng bike na ito, bakit ang mura nya kahit naka hydraulic brakes na siya?

Kung yung tires at cogs lang naman ang medyo iba sa mga budget bikes tulad ng Trinx M500 o Foxter FT301, mukhang sulit na ito.

Kasi parang parehas sila ni Foxter FT301 talaga, same 27.5 at yung mga pyesa din. Kaya lang si Foxter FT301 ay P7k ang price, ito naman si Marcus M50 ay P7.4k. Sa halagang P400 nakapagupgrade ka na sa hydraulic brakes at bagong shifters.

Yung mga nakikita ko kasi na ibang murang naka-hydraulic brakes mula sa ibang brands, like Phoenix MTB, minsan steel frame pa lang, or alloy nga pero ang drive train, walang Shimano, puro SUNRUN. Meron pa ako nakita dati, may sticker na SUNRUN pero pag tinanggal mo naman mababasa mo ang nakalagay na tatak ay “Shinoma”. Nasa P8k pa lumalaro yung mga ganitong MTB, kasi naka hydraulic brakes na.

Kung makakabili ka ng Marcus M50 sa presyong P7400, sulit na siya sa palagay ko.


Comments

36 responses to “Marcus M50 Review”

  1. Sir baka pwede kang magkaroon ng review sa comodo bike mabibili sya sa ryan bikes ito po sana balak kong bilin salamat po

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      nakita ko yan, mura nga din, hindi ko lang masyado tinignan yung specs pero sige, subukan natin gawan ng review.

  2. sir, may alam po ba kayong giant mtb under 15k?

    1. or under 28k?

      1. Ian Albert Avatar
        Ian Albert

        kung under 28k naman yung mga higher na giant ATX din na may mas magandang pyesa or sa Talon series ang mabibili mo. kung ganyan kalaki budget mo madami ka mapagpipilian kahit pa ibang brand like merida or cannondale.

    2. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wala yatang under 15k na magandang giant mtb, kasi pag price na under 15k mga kids bike na lang yun ng giant e. yung pinakamura nila ATX ay nasa 17k ata ang SRP.

  3. saan po available ang ganitong bike?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      meron dino sa stan13bikes, bike bike bike, at bike south

  4. pareview din po un totem bikes? thankyou poo

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      nakita ko na yung mga totem bikes joie, pero sa mga mura nila na bikes pansin ko mga naka gripshift na shifter lang. maganda yung porma ng mga high end bikes nila. itry ko nalang gumawa ng totem bike reviews kapag may nakita uli ako ng personal na totem bike, wala kasi silang website na magagamit natin as reference.

      1. thank you po 🙂

  5. Pa review naman sir ng foxter ft305 2018.thanks?

    1. Pa review naman sir ng foxter ft306 2018.thanks!

      1. Ian Albert Avatar
        Ian Albert

        sige del, gawan din natin yan.

  6. Sir. san mas matipid eto or foxter ft 301 pero upgrade to hydraulic brakes?

    1. meron ka bang rerecommend na hydraulic na rin pero less than 10k.?

      1. Ian Albert Avatar
        Ian Albert

        bukod dito, yung foxter at trinx mtb lang na below 8k tapos iupgrade mo lang sa hydraulic brakes at palit din shifters.

    2. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      mas matipid ito juris kumpara kung iuupgrade mo yung foxter ft301, presyo pa lang nito, stock pa lang sya ng foxter.

  7. Sir pa advice naman.. bumili ako ng marcus m50, medyo maganda na, swak sa budget at the same time maganda na specs nito.. gusto ko lng kasi palitan ang hub kasi parang ordinary masyado.. anong magandang hub na ipalit ko? Ung mura lng na sealed bearing.. thank you.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Kung budget mo mAx nasa 1k lang, Shimano na hubs ang ipalit mo, tahimik lang yun pero kampante ka na matibay. Di nga lang sealed pa, madali naman i-service, pang matagalan na din. Pero kung sealed bearing na hubs naman ang gusto mo, nasa 2,5k pataas ang budget mo dapat doon. Origin8 na hubs o di kaya Chosen, kapag yan naman, yan yung maiingay na hubs.

      1. Sir tanong ko uli kung freewheel ba itong marcus m50 or casette type? Tnx uli

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          ang freewheel mAx ay pwedeng cassette or thread type, hehe, di ko sure pero sa tingin ko dahil sa price nya, mukhang hindi pa sya cassette type

          1. Ah ok.. hehe salamat sir.

          2. Ian Albert Avatar
            Ian Albert

            Walang anuman po.

  8. WOW ANG GANDA NG BLOG NA ITO. KEEP IT UP:)

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      thank you JP

  9. Dale Faustino Avatar
    Dale Faustino

    As I see, tinipid ang bikes sa mga sumusunod na parts:
    Tyres
    Cogs
    Seatpost/Saddle
    Cranks
    Chain
    At yung walang ka-kwenta-kwentang HB grip.
    Enough to compromise for the non series hydro brakes.

  10. Ps review naman po sa MARCUS defender M150.. ^_^
    meron sa Motion bike concept Cebu.. di ko alam saan meron iba nag bebenta.. thanks sir..

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      subukan ko gumawa ng review nyan

  11. Lodi pwede kaya e2 gawing cyclecross or gravel bike set-up?mg rigid fork aq tas 650b na cycle cross tire..kaya lang ang sti na claris ba pwd sa mechanical diskbrake?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede yan, sa totoo lang yung mga sti karaniwan pang mechanical brakes lang talaga.

  12. Jian Allen Roque Avatar
    Jian Allen Roque

    Sir ian san po ninyo nakita ung 7,400 na marcus m50?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      di ko na tanda, sa fb ko lang yan na search e

  13. ren-ren Avatar
    ren-ren

    Boss ian..baka pwede naman pareviewnadin ng MARCUS M350.. eto po ung gamit ko now 2 months ko n xa nagagamit..thank you po.Godbless

  14. Sir pa review naman ng mga gt avalanche 2.0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *