Trinx Q800 vs Trinx X7

Trinx Q800 o Trinx X7? Yan ang madalas itanong dito sa site.

Subukan na natin pagkumparahin yung specs nila, side by side, para matapos na ang usapan.

Trinx Q800

May separate review na tayo nitong Trinx Q800. 29er ito na MTB, pang above P10k na budget.

Trinx X7

Meron din tayong separate post nitong Trinx X7. 26er ito na MTB, pang above P10k budget din.

Pagkumparahin natin side by side yung specs nila, pero bago ang lahat, price muna:

 Price Trinx Q800 P13800
 source: Stan13bike  Trinx X7  P1600

Sa may Stan13bike ako madalas tumingin ng price ng bikes. Parang sa kanila na kasi yung pinakamurang price pagdating sa mga online listings, buti na lang may listing sila nitong dalawang bike na ito. Kitang kita naman na mas mura ang Trinx Q800.

P2200 din yung diperensya nila sa presyo, para sa karamihan, sa tingin ko malaking bagay na yung P2200 na yun na matitipid. Kung presyo lang, panalo ang Trinx Q800.

Trinx Q800: 1

Trinx X7: 0

Sunod naman natin tignan yung frames nila.

 Frame Trinx Q800 29″*16″/18″ Alloy Special-Shaped Tubes
 Trinx X7 26″*15″/17″ Alloy Tri-Butted Smooth Welding

Porma: Sa tingin ko parehas lang sila maganda ang porma. Iba na kasi ito kumpara sa Majestic series ng Trinx din na para sa mga mas mababang budget. Parehas naka-internal cabling, alloy at hindi din nagkakalayo ng tindig.

Parehas lang din may sizes na mapagpipilian. Parang balanse lang din ng bawat isa kasi covered nila ang sizes ng MTB na 15, 16, 17, at 18.

29er ang Q800, 26er naman ang X7. Hanggat maari ito talaga ang ayaw ko e, yung pagkukumparahin ang dalawang bike na magkaiba ng wheel size. Pero para sa kapakanan ng comparison post na ito, sabihin na lang natin na hindi mahalaga kung alin ang wheel size na trip ng bibili.

Itong Trinx X7 ay may Triple-Butted na Smooth Welding. Sa Q800, hindi mentioned na ganun din ang pagkakagawa. Mas maganda ang triple butted, mas matibay kasi at mas magaan kumpara kung double butted lang. Wheel size aside, mas maganda ang frame ng X7 dahil triple butted na ito.

Trinx Q800: 1

Trinx X7: 1

Yung fork naman. Pareho lang may lock out at pareho lang din na 100mm ang travel. Kaso lang Suntour yung brand ng fork sa Q800, pero pinaka low tier naman kasi XCT lang. Coil spring din. Samantalang sa X7 naman, Trinx branded nga lang yung fork, pero Air suspension type naman.

 Fork Trinx Q800 Suntour SF16 XCT Alloy Suspension Travel:100mm
 Trinx X7 Trinx Air Lock-Out Travel:100mm

Mas maganda ang laro ng Air suspension, mas magaan din. Kung ako ang papapiliin dito, sa fork na ako ng X7.

Trinx Q800: 1

Trinx X7: 2

Pagdating sa drive train, obvious naman din na mas mataas na klase yung nasa X7. 3×10 speed kasi, samantalang 3×9 speed naman yung nasa Q800.

 Shifter, FD, RD Trinx Q800 Altus 9-speed
 Trinx X7 Deore 10-speed

Kung sa pakiramdaman ng shifting, siguro minimal lang ang diperensya nila. Pero parehas lang naman sila naka 11-36T na range ng cogs. Ang kagandahan lang kung naka Deore M610 na, na kagaya ng sa X7, pwedeng pwede ka mag upgrade sa cogs na 11-40T o 11-42T para sa mga mala-pader na ahon.

Trinx Q800: 1

Trinx X7: 3

Parehas lang sila ng crank, parehas lang din ng brakes. Parehas lang din na sealed bearing na yung cassette-type hubs, kahit na magkaiba pa ng brand. CST nga lang yung tires ng Q800, samantalang Maxxis naman sa X7. Mas maganda din yung saddle ng X7. The rest halos parehas na.

Simple lang ang conclusion dito. Kung nagbabalak ka bumili ng bike, at lagpas P10k ang budget mo at itong dalawang ito ang pinagpipilian mo:

Hanggang saan ang budget mo?

Anong mas trip mo, 29er o 26er?

Medyo mahirap ito na choice, kasi mas maganda talaga ang pyesa ng X7, kaya lang 26er lang siya. Hindi mo din sya pwedeng gawin na 29er dahil limited ka lang sa manipis na gulong para magkasya sa clearance ng frame niya. Pero pwede, yung pang cyclocross na tires, tipong 700x35c.

Sulit ba yung dagdag na P2200? Sa tingin ko, oo dahil naging Deore yung pyesa, naging air yung fork, at naging triple butted yung frame. Hindi mo magagawa yang lahat na yan sa Q800 kahit magkaron ng P2200 kung sakali pagtagal. Kulang yun.

Kung kaya ng budget ang P16000 para sa MTB, maganda na din ang X7. Pwede mo pa naman itong gawing 29er kaya lang mas manipis ang gulong. Pero kung plano mo talaga 29er na ipang-trail mo madalas, mas okay pa din yung Trinx Quest, kasi malapad na 29er na gulong talaga mailalagay mo sa kanya. Maiuupgrade mo pa naman ito sa future, kahit nga yung Trinx Q500 nga okay na yun e, parehas lang naman ng frame.


Comments

37 responses to “Trinx Q800 vs Trinx X7”

  1. Ask ko lang po yung yung quest 800 naka tapered head tube??? Saka kung mag uupgrade ako ng cassette para pwede mag 11 speed sa quest 800 pwede ba yun

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi ko din masabe kung tapered ba o hindi, mukhang tapered kasi sa picture e, hindi kasi straight pero baka design lang pero non-tapered pa din.
      oo pwedeng pwede yan dahil cassette type naman na yung hubs

      1. joshua ajalon Avatar
        joshua ajalon

        Ano po mas ok trinx b700 o trinx q800

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          wag na kayo maghanap ng b700 at q800 dahil phase out na ito, doon na kayo sa Trinx X1 Elite

  2. Ronald D. Avatar
    Ronald D.

    Salamat sir sa request sa pag review ng Q800 at X7 at at pag kumpara sa dalwa ngaun may idea na ako kung alin talaga ang bibilhin ko..talagang inantay ko talaga muna mabasa ung post niyo about dito bago ako mag decide na bumili..salamat po ulit..

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      walang anuman kapadyak, pasensya na kung matagal ako mag post medyo busy din kasi e.

  3. NEWBIKER Avatar
    NEWBIKER

    Q800 or Q500 then upgrade to alivio groupset ano po mas sulit?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sa q500 ako na lalagyan ng alivio,

      1. dreambike Avatar
        dreambike

        sir kahit po ba magkaiba yung shock nila mas sulit pa din ba yung q500?

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          for me yes, very minimal lang difference nyan, XCT lang kasi fork nung sa Q800.

  4. Sir pa review nman ng simplon 9.0 blizzard.tnx

  5. Renz Emir Pablo Avatar
    Renz Emir Pablo

    Sir comparison review naman ng trinx m520 at foxter 301+ tnx po

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ilista ko yan

  6. John Mark Avatar
    John Mark

    sir review po ng trinx m520 vs foxter 301 + tnx po

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      up next

  7. Idol, request ko sana review for Simplon storm 7 (http://ljbikes.com/product/simplon-storm-7-0-27-5-alivio-parts-mountain-bike/) at kung ano maire-recommend mong 27.5 mtb sa ganun price range -P15,500. Tnx

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      noted on that, but I would suggest go for trinx b700

  8. Arvin Rufon Avatar
    Arvin Rufon

    Sir tanong lang 5’8 height ko tapos medyo heavy ako. Road lang naman lage binabike ko. Alin po mas ok kaya? Yun x7 na 26er o q800 ma 29er? Thanks po sir.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      29er ka na paps

  9. gud am sir ian ano b mrecomend nio sken na mtb,16k budget,,,tia

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      dipende po kung gusto nyo 27.5 or 29er

      1. khit 26er or 27.5er sir ian,basta po swak sa 16k ung pinakaok sir?

  10. amaru Avatar
    amaru

    Sir Ian tanong ko lng anu ba model ng trinx ung nka Deore na 27.5 na..salamat sir

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Trinx B1200

      1. amaru Avatar
        amaru

        sir Ian salamat lubusin ko na kung papailitan ko ng deore ung level lng ok lng ba un di na ksama ang disc?mga magakno kaya para staright deore na sha.Newbie po eh hehe..salamat

        1. amaru Avatar
          amaru

          kung X7 pala sir sa tanung ko above.thanks malaking tulog ang blog na ito,God Bless Sir Ian

          1. Ian Albert Avatar
            Ian Albert

            mag X1 ka na lang kung papalitan mo din naman ng straight Deore kasi specs lang din naman pinagkaiba ng X1 sa X7, mas mura pa X1. ang groupset ng Deore ay 13.5k sa pagkaka alam ko

  11. Nikko Avatar
    Nikko

    Sir naka m520 ako , kung magpapalit po ako between q500 or q800 ano po suggestion nyo? nsa 10k lang po sana , balak ko kasi mag trinx x1 or other x series pero masyado malayo sa 10km Thanks po

  12. newbie Avatar
    newbie

    Hi Sir Ian, may balita ka po ba kung llabas na dito sa pinas ung Trinx X7 Elite.maganda kc sana kc nka 27.5 na.salamat

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      june ata or july

  13. Sir saan po kaya ako makakahanap na trinx Q800 na ang frame size pusana 18 large ang liit po kc ng 16 para skin 5.9 po kc ako

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      yan ang di ko lang din masasabi kung saan meron o kung meron ba na dinala sa Pinas na big sizes yang mga Trinx bikes. pero tingin ko pwede pa yan sayo, size 15 nga na 29er gamit ko e haha. 5’8″ height ko, no issues naman ako.

  14. Rom rom Avatar
    Rom rom

    Sir Ian, naka trinx X7 ako.Plan ko po palitan ng pang cyclocross tire 700×35c . Pati po ba Rim at spokes/wheelset ng X7 ay kasama sa mga papalitan? Thanks

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      depende sa x7 kung 26er yan, need mo magpalit ng rim at spokes na pang 29er para malagyan mo yun ng 700x35c na tires.

  15. Good day Sir Ian! Comparison po ng Trinx X1 Elite 27.5 at Trinx X7 26er. Same price nalang po kasi sila ngayon at di ako makapagdecide kung alin ba mas okay? Sana sir matulungan nyo ako. Salamat Sir!

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sa pyesa mas maganda yung X7 kasi Deore parts na ito. kung ok lang sayo na 26er, X7 na. Pero kung naisip mo na mas gusto mo ang 27.5, doon ka sa X1 Elite, iupgrade mo na lang ito sa future

  16. Hi Boss Ian Albert nasa magkano po kaya yung “Trinx X7 Elite”

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      17k ata

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *