Ito ang madalas na tanong ng mga nagbabalak na bumili ng budget road bike. Alin ba ang mas maganda sa dalawa? Alin ang mas sulit?
Halos di kasi nagkakalayo ang presyo nitong budget rb’s na ito na nasa P10k average lamang.
[alert-note]Disclaimer: Hindi ko pa personal na nakita o natest ang dalawang road bikes na pinagkukumpara sa post na ito. Maaring may maling detalye ako na mabanggit. Pagkukumparahin lamang natin ang Trinx Tempo 2 at Foxter FT 402 road bikes base sa specs nila at sa mga available na info sa internet.[/alert-note]
Colorways
Una sa lahat, kulay muna. Kasi sa pagpili ng bike, mahalaga din na yung gusto nating kulay ang makukuha natin. Panget naman yung kumuha ka ng bike tapos hindi mo pala gusto yung kulay, paano mo sya mamahalin kung una pa lang pala hindi mo na sya gusto diba?
Sa Foxter FT402, available na kulay ay: Black, Blue, Red at Orange. Simple lang ang style, kulay lang at mga logo text na.
Sa Trinx Tempo 2.0 naman: Matt Black/White Blue, Matt Black/White Green, White/Grey Red. Simple lang din.
Parehas lang maganda, kaya lang yung Trinx Tempo 2, black and white lang ang kulay na pagpipilian mo. Maiiba lang sa accents. Sa Foxter 402 naman, iba iba talaga sila ng kulay.
- Winner: Personal preference lang ang magdedecide nito, kung ano ang mas trip ng biker na sasakay.
Frameset
Magkaiba ng style ng frame ang Tempo 2.0 at FT402. Magkaiba din ng geometry. Hindi ko lang masasabi kung alin ang mas maganda dahil hindi ko pa naman natetesting masakyan ang alin man sa dalawang ito. Kaya hindi ako sigurado kung pang anong riding style yung bawat isa.
Alloy parehas yung frame nitong dalawa. Parehas din na hi-ten steel yung fork.
Sa Tempo 2.0, merong available size na 460mm/500mm/540mm na pwedeng pagpilian kumporme sa height ng rider. Importante kasi sa road bike na tama yung size ng frame sa rider. Kaya bago ka bumili ng road bike, siguraduhin mo muna na tama yung size nito para sayo.
Sa Foxter, hindi ko lang sigurado kung may sizes din ito.
- Winner: Personal preference lang ulit kasi magkaiba ng style ng frame. Parehas lang na alloy yung batalya at bakal yung fork. Kung walang sizes na mapagpipilian sa Foxter, Trinx ang panalo para sa akin dito.
Specs
Halos parehas lang din pala sila ng specs.
Parehas na Shimano Tourney at naka 2×7 STI na din.
Parehas na Prowheel crank.
Wala lang website ang Foxter para sana makita natin ang complete details ng specs ng FT402 road bike kaya hindi ko alam kung parehas lang din ba sila ng cogs, chain at brake calipers.
Mukhang parehas lang naman sila ng specs.
- Winner: Tabla. Parehas naka STI na e.
Wheelset
Parehas 700c na standard sa road bikes ang gulong ng dalawa. Pero sabi nila, mas mabigat daw yung sa Trinx Tempo 2.0. Kung titignan mo nga naman, mukhang mas mabigat nga yung sa Tempo 2.0 dahil medyo deep ang rims nito.
Pero parang magkaiba sila ng holes kaya baka wala din masyado diperensya sa weight ang rimset nila. Magkaiba din ng lacing pattern sa spokes.
Yung sa Trinx Tempo 2.0, alloy na yung hubs. Wala tayo info sa hubs ni Foxter FT402.
Sa Tempo 2.0 naka 25c na tires ang nakalagay, samantalang 23c naman sa FT402.
- Winner: Trinx Tempo 2.0 – para sa akin Tempo 2.0 ang mas lamang dito, mas gusto ko yung 25c na tires, dahil sabi nga “wider tires are faster”, medyo mas may tolerance sa lubak na din, at yung pagkaka-lace ng spokes sa front wheel.
Other components
Sa dropbar nila, mukhang parehas lang ng bend e. Medyo awkward nga lang yung stock na pwesto ng STI sa Foxter.
Sa saddle naman parehas lang din na bagay talaga pang road bike.
Ang Tempo 1.0 ay may stand, hindi ko lang sigurado kung wala na sa Tempo 2.0. Di daw kasi bagay sa road bike ang may stand, oo pwede mo nga matanggal yung stand pero yung kabitan ng stand sa frame, nandun pa din. Yung Foxter FT402, confirmed na walang stand.
Conclusion
Halos parehas lang sila ng price at specs, may konting konting pagkakaiba lang.
Pero ngayong nareview ko na parehas yung specs nila, kung ako ang papapiliin: sa Trinx Tempo 2.0 ako.
Mas okay para sa akin yung wheelset ng Tempo 2.0 kesa sa wheelset ng FT402.
Kung parehas may stock sa tindahan at parehas lang din ng alok na presyo, sa Trinx Tempo 2.0 ako.
Kung mas mura ang bigay sa Foxter FT402, maari ko pa siya i-consider.
- Winner: Trinx Tempo 2.0 – kung bibili ako ng budget road bike para sa sarili ko, ito ang pipiliin ko. Kung may tropa ako na humingi ng advice ko tungkol sa budget road bike na maganda nyang bilihin, ito ang isusuggest ko.
Leave a Reply