Ito talaga yung bago ng Foxter na nakakabigla. Foxter Road Bike!
Dahil siguro nag-click yung Foxter MTB na una nilang nilabas, ngayon naglabas naman sila ng bago: Foxter FT402 Road Bike. Unang tingin pa lang, mapapa-wow ka na dahil astig ang porma at expect mo na na pang budget road bike ang presyo niya.
SRP ng Foxter FT402 Road Bike ay P11,200 sa Ryanbikes. Mura na ito dahil naka STI na itong road bike na ito. Yung mga budget road bikes kasi na below P10k ang price tag, ay hindi pa naka STI.
Tingin muna tayo sa quick specs ng Foxter FT402 Road Bike:
- Frame: Alloy
- Fork: Foxter
- Shifters: Shimano
- Front Derailleur: Shimano Tourney
- Rear Derailleur: Shimano Tourney
- Crankset: Prowheel
- Bottom Bracket: Sealed
- Rims: Foxter 700C
Alloy na yung frameset so expect natin magaan siya compared sa steel road bikes, at syempre mas magaan din siya sa alloy MTB’s at same price point or even compared sa weight ng Foxter MTB’s at stock.
Hindi ako pro sa pag-analyze sa geometry pero base sa mga nababasa ko sa internet, yung ganyang geometry ng Foxter FT402 Road Bike ay:
- stand-over clearance – yung clearance para di tumama yung top-tube sa maselang parte ng katawan kapag nakatayo ka ng hindi nakasakay sa bike. Siguro isa na din dahilan na para mas madaling i-fit sa mas nakakaraming riders kaya ginawang ganito yung top-tube, regardless sa height. Wala pa akong info kung may sizes ba itong model na ito ng Foxter.
- mahabang head tube para sa comfortable na riding. Sakto pang long rides.
- mas maliit na triangles, mas matibay at mas magaan in theory.
Medyo similar pa nga siya sa ibang bikes ng ibang well-known brands. Makikita mo similarities.
Naka STI na din, ibig sabihin yung shifters at bake levers magkasama na. Hindi kagaya ng ibang mas murang budget road bikes na yung shifters ay nakahiwalay pa. Mas swabe ang shifting dito at mas feel mo ang pagiging roadie. Shimano Tourney STI yung nakakabit na may 2×7 gears. May display din para malaman mo kung anong gear ang current na gamit mo.
Maganda yung upuan niya, minimalist at yung design profile nya na pang road talaga. Medyo parang kakaiba nga lang yung pagkakakabit ng STI nya sa drops, pero pwede naman ito maadjust pa. Kung maliit kang rider at maiksi ang reach mo, isang worthy upgrade na palitan mo sa stock setup na ito ang dropbars nya, mas ok yung dropbar na shallow bend at di kahabaan na reach; in short compact drop bars.
700x23c ang wheelset nya, naka presta valve na din ang inner tubes. Alloy rims. Straight yung fork, kaya pogi tingnan.
Prowheel crank, alloy yung crank arm. Pang road talaga yung crankset. Tourney fd na 2x. Not sure kung ano ang crank teeth, pero parang standard.
Sa likod naman, Tourney rd na 7x. Di ko lang sure kung anong cogs, maybe 11-25t siya,
Ito pa yung iba pang kulay ng Foxter FT402 Road Bikes:
Ganda diba? Pwede na pang beginner.
(c) Ryanbikes para sa photos
Comment ka dito kung meron kang Foxter FT402 Road Bike.
Leave a Reply