Comodo High-Grade 2017 (27.5) Review

โ€”

by

in

Ang haba naman ng pangalan nitong MTB na ito. Comodo High-Grade ang pangalan ng 27.5 na MTB na ito. Hindi masyadong sikat ang Comodo na brand, at sa Ryanbikes ko lang ito nakikita talaga. Pero dahil may nagrequest na silipin natin ang specs ng MTB na ito, susubukan natin gawan ng review base sa specs na makikita natin.

Ayon sa Ryanbikes, P7000 ang SRP nitong Comodo 27.5 MTB. Yung price na yun, mas mura pa siya sa Foxter FT301 ng konti kung tutuusin. May additional cash discount pa daw sa cash buyers, sabi ng Ryanbikes.

Ito naman yung specs na nakita natin sa internet:

Comodo High Grade 27.5 Specs:

  • Frame: High-Grade Alloy
  • Fork: Comodo Top Custom Butted
  • Shifters: Shimano Rapidfire 8 speed
  • Front Derailleur: Shimano Tourney
  • Rear Derailleur: Shimano Toruney 8 speed
  • Brakes: Mechanical Bengal
  • Crankset: Comodo
  • Bottom Bracket: Sealed
  • Rims: Aeroic double wall
  • Tyres: Comodo 27. 5

Alloy yung batalya, parang kagaya lang din ng sa mga frame ng Trinx Majestic series yung style na flattened yung tubings ng top tube at yung ilalim din ng down tube. Sa kulay naman, parang style ng Giant bikes ang naalala ko.

Yung fork naman, Comodo branded lang din pero may lock out na.

Sa drivetrain naman, yung shifters ay Shimano combo-shifters, yung fd at rd ay tourney na 8 speed. Bale 3×8 ang gearings nitong Comodo MTB na to. Buti naman at Shimano parts yung ginamit dito.

Sa brakeset naman, hindi pa ito naka-hydraulic, mechanical brakes pa din. Bengal ang maker ng brakes, hindi ko kilala pero nung nai-search ko, meron silang website at matagal na pala silang gumagawa ng OEM brake calipers.

Yung crankset naman, hindi Prowheel, Comodo rebrand ulit. Hindi ito nakakalas for sure, gaya lang din ng mga nasa budget MTBs. Wala akong clue kung alloy na ba yung crank arm nito at kung ano ilan ang teeth ng mga chainrings.ย Sealed na daw yung bottom bracket.

Yung rims naman ay Aeroic brand. Meron ako nito, alloy ito at medyo mas makapal ang rim width nito kumpara sa ibang rims na nakita ko na di branded. Sabi sa decals ng Aeroic rims, made by Mountainpeak siya. Hindi pa din naman established brand angย Mountainpeak, wala lang nabanggit ko lang.

Sa hubs, wala tayong info pero huhulaan ko. Baka kagaya ito ng hubs na nasa Trinx Majestic. Thread type, pero quick release naman. Bolt-type naman yung para sa kabitan ng rotors.

Yung tyres naman, Comodo uli. Base sa pics parang mas aggressive yung knob patterns at parang best used in trails sya.

Dun naman sa ibang details: straight yung handlebar, walang bar end grips, maganda yung saddle (parang ginaya yung Fizik), may stand, at yung pedal parang alloy na.

Verdict

Overall, parang wala naman sya kinaiba sa Foxter FT301 na parehas lang din sila na 27.5. Parehas lang ang porma at sa mga basic specs, parehas lang din. Sa SRP din, pasok na pasok sa bilang budget MTB.

Maganda naman na yung pyesa nya pang beginner at sa price, hindi na talo.

Kung trip mo yung porma at kulay ng frame ng Comodo High Grade 27.5 MTB, pwede na ito.

Ito pa yung ibang kulay ng Comodo 27.5 MTB:

[alert-note]Image credits sa Ryanbikes.[/alert-note]


Comments

29 responses to “Comodo High-Grade 2017 (27.5) Review”

  1. Hi Ian! Pa review naman po ng Trinx Big 7 700 Iโ€™m planning to buy sana kaso di ko pa nakikita mga reviews sa bike non pa help naman ๐Ÿ™‚

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sure sige, inext ko yan ๐Ÿ™‚

  2. Hi po idol pa review nman po ng voyager race edition MTB.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Chris, dalawa yung lumalabas pag nagsearch sa google, yung 27.5 ba o yung 26?

      1. 27.5 kuya ian

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          Ok sige, subukan ko Chris

  3. Pagawa ng review sa foxter 304 thanks

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      yes athena, upcoming na yan

  4. Pa review naman ng Sunpeed Rule and Btwin 100 RB

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Subukan ko Prae.

      1. Boss pa review po comodo hacker 2018 di aq sure sa brand

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          sige i-pending natin yan.

  5. JohnArjay Avatar
    JohnArjay

    Kuya ask ko lang Ano Maganda sa Dalwa eto or yung foxter 301 At Pwede po ba tong pang trail or something planning to buy po๐Ÿ˜

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      foxter 301 ka, wala masyado feedback ng actual users dito sa comodo e.

  6. JohnArjay Avatar
    JohnArjay

    At kuya saan po ba makakabili ng mga bike?

    1. JohnArjay Avatar
      JohnArjay

      Katulad po ng ganito ?

    2. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sa ryanbikes ko lang nakikita yung ganyang model ng bike.

  7. jhuliana shaira Avatar
    jhuliana shaira

    tumaas na po srp nyan.
    now its 14k na sa pag kakaalam ko fix price nayun

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      nagmahal pa pala

  8. Oscar Edwin Mina Avatar
    Oscar Edwin Mina

    Good day Sir;
    Pwede pa review po ang Simplon Storm 9.0

    Thank you in advance

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      noted na po, pero meron ako ginawang video na about sa simplon storm 9.0 https://www.youtube.com/watch?v=tgazmLilzA0

  9. sir pa review nmn po ung trix Q1000 balak ko kc bumili pag uwi ko ng pinas…maraming salamat po more power…

  10. comodo hacker at comodo stage ata yung 14k sir. pa review nmn nung dalawa na bike eto sir.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      subukan ko gawan ng review yan.

  11. Ian anong mas maganda comodo reptile o Yung comodo high grade

  12. Jim Mongalo Avatar
    Jim Mongalo

    Good day! Boss Ian patulong naman, ano po ba mga choices na beginner bike budget is P8k-14k. Thanks in advance!

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Trinx X1 Elite

  13. Rowel james handoc Avatar
    Rowel james handoc

    Hi sir pa review po ang aeroic athena salamat po

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *