Ang Trinx Q-series or Quest series ay ang mga 29er na bikes ni Trinx. Itong Trinx Q500 ay ang pinaka-affordable na 29er ni Trinx. Nakakita ako nito sa Quiapo at napansin kong ito naman ang mas ipinupush ibenta ng mga shops sa mga naghahanap ng budget bikes.
Nacurious ako kaya tinignan ko ang specs nitong bike na ito.
Trinx Q500 Specs:
FRAME
- FRAME:ย 29″*16″/18″ Alloy Special-Shaped Tubes
- FORK:ย Trinx Alloy Hydraulic Lock-Out Travel:100mm
29er yung MTB na ito. May size na 16 at 18. Kung 5’7″ ka pababa, sakto na yung size 16 sayo, pero kung mas matangkad ka pa, dun ka na sa size 18 na large size.
Iba na din yung geometry, kung medyo square-ish yung tubings ng sa Majestic series, ito naman may pagkabilog na at may arc yung top-tube. Maganda yung porma, para sa akin.
Internal cabling na din, meaning sa loob na ng frame dumadaan yung cable ng shifters, kaya mas malinis tignan.
Trinx fork na may lock-out yung fork na nakakabit. Generic fork lang ito ni Trinx pero pwede na din pang beginner. May kabigatan nga lang. Yung lock-out nakakatulong sa mga ahon dahil pwede mo i-lock yung play ng suspension para mas efficient kung umaahon.
COMPONENTS
- PEDAL:ย Alloy
- SADDLE:ย Trinx Sport
- HANDLEBAR:ย Trinx Small Rise
Mas maganda na yung seatpost at saddle. Slim profile yung saddle, at adjustable yung seatpost.
May rise na yung handlebar. Hindi na sya straight tulad ng nasa Majestic series.
Mas kumportable sa balikat ang may rise na handlebars. Swabe i-pang long ride at trail.
DRIVETRAIN
- SHIFTER:ย Shimano ST-EF500
- FD:ย Shimano FD-TY500
- RD:ย Shimano Altus RD-M310
- CHAIN:ย KMC
- BRAKE:ย Alloy Mechanical Disc
Combo shifter ang nakakabit, pero Shimano. 3×8 ang gearing at Altus na yung rear mech. Hindi na Tourney lang tulad ng sa Majestic series. Mas mataas na klase itong Altus.
Mechanical lang yung disc brakes.
WHEELS
- CASSETTE:ย Hi-Ten Steel 13-32T
- RIM:ย Alloy Double Wall
- TYRE:ย Kenda 29″*2.10″ 22TPI
- CHAINWHEEL:ย Prowheel 22/32/42T*170L
- HUB:ย Trinx Sealed Bearing
Kenda tires na din ang nakakabit, hindi na CST lang. Mukhang good pang trail at kalsada, sakto lang for XC.
Yung crank, alloy na yung arm.
Sealed bearing na din yung hubs, which is good kasi mas panatag ka na tatagal yung hubs.
Trinx Q500 Price
P8500 ang presyo ng Trinx Q500. Sa presyong ito, masasabi kong panalo na itong choice lalo kung 29er ang trip mo na bike. Pwede pa siguro matawaran yung presyong P8500, depende sa store.
Kung naghahanap ka ng 29er na bike na pang low-budget, mairerekomenda ko talaga itong Trinx Q500. Dati kasi kung gusto mo ng 29er na Trinx, nasa lagpas P10k dapat ang budget mo. Buti naman naisipan na ng Trinx maglabas ng 29er na budget-friendly.
Trinx Q500 Colors
Ang Trinx Q500 ay available sa mga colorways na:
- Black with White Red decals
- Grey with Grey Blue decals
- Green with White Orange decals – di ko alam bakit green ito ayon sa website ng Trinx, siguro dahil medyo mala-Celeste Green siya.
- Green with Grey Green decals – di ko din alam bakit green ito ayon sa Trinx website, malinaw naman na yellow ito.
Astig ng mga kulay diba. Salamat sa stan13bike para sa mga reference photos.
Leave a Reply