Ryder Shark MTB Specs
Parehas lang yata ng specs ang 27.5 at 29er variants nitong Ryder Shark MTB models. Sa size ng gulong lang syempre nagkaiba.
- Alloy Ryder Tapered Frame
- Ryder Suspension Fork
- Ryder OS Cockpit
- Shimano Hydraulic brakes
- Shimano Crankset
- Shimano Shifter 3×7
- Shimano RD & FD
- Shimano Cogs
- Ryder Wheelset Alloy Double Wall

Alloy na yung frame ng Ryder Shark MTB. Hindi ko alam kung may sizes na mapagpipilian. Madami din palang kulay na available dito. Hindi pa naka-internal cabling, pero ang nakakagulat dito, tapered na yung head tube. Karaniwan kasi kapag tapered head tube, makikita mo yun sa mga high-end bikes na. Mas matibay daw kasi kapag tapered ang head tube, yan ang sabi sabi.

Yung fork naman, Ryder suspension fork. Walang mention na may lock-out, at kapag tinitgnan ko sa picture parang wala ngang lock-out. Kulay black yung stanchions at may rubber ring na indicator ng travel.
May rise naman yung handlebar, maganda din yung pyesa sa cockpit, alloy naman na siguro yun.

Naka-Shimano hydraulic disc brakes na itong Ryder Shark MTB. Okay yun na Shimano brand ang ginamit nilang hydro brakes.

Sa groupset naman, puro Shimano parts na din naman. Kahit na Tourney lang yata. Medyo sablay lang para sa akin na 7-speed lang pala itong Ryder Shark. Hindi ko alam kung 7-speed lang din yung shifters, wala kasing picture na nagpapakita. Okay yung crank dahil Shimano brand yung napili nilang ilagay.

Sa wheelset naman, alloy double wall rim lang ang alam natin. Pero maari nating i-assume na thread type pa yung hubs nito. Mukha namang quick-release na sa harap at likod. Bolt type din yung rotors.

May side stand na kasama yung bike.
Ryder Shark MTB Price

Magkaiba ng price ang Ryder Shark na 29er sa Ryder Shark na 27.5
Mas mahal yung 29er dahil P9500 ang SRP nito, samantalang P9000 lang yung 27.5
Verdict
Maganda ba ang Ryder Shark MTB?

Heto ang ilang bagay na nagustuhan ko dito sa Ryder Shark MTB:
- Naka hydraulic disc brakes na at Shimano brand pa
- Tapered na yung head tube ng frame
- Shimano yung crankset at yung karamihan sa mga parts

Heto naman ang di ko nagustuhan:
- 7-speed lang siya
- walang lock-out yung fork (ata?)
Kayo na ang bahala humusga. Kung trip nyo din naman yung kulay, at may swak na size para sa inyo, go for it kung hindi naman big deal sa inyo na 7-speed lang siya, at walang lock-out yung fork.
Leave a Reply