Trinx XC3 MTB Review


Itong Trinx XC3 MTB ay madalas din itanong sa akin. Wala ito sa listing ng Trinx sa website nila, hindi ko alam kung bakit. Sa post na ito, susubukan natin suriin ang MTB na ito base sa mga specs na nakikita natin sa mga posts ng nagbebenta nito.

Nasa P13000 ang pinakamababang presyo na nakita ko dito sa Trinx XC3. Sa iba, mas mataas pa, pumapalo pa ng P14000 hanggang P14500. May nabasa pa ako na P12000 nga lang daw ang bigay nito sa Quiapo.

Siguro, kaya wala ito sa website ng Trinx, dahil medyo luma na ito. Hindi ko sigurado pero yun ang hinala ko.

Trinx XC3 Specs

Frame: Trinx Alloy Smooth Welding

Alloy na yung frame. Hindi pa nga lang internal cabling. 29ers ang MTB na ito. Size 29 yung gulong na kasya. Hindi ko alam kung may sizes pa ito na mapagpipilian.

Fork: SR Suntour XCM Alloy with Lock out

Itong fork naman, mas maganda siya kumpara sa unbranded na stock fork ng ibang bikes dahil Suntour fork na ito kahit na XCM lang siya. May lock out na din.

Crank: Shimano Altus

Yung crank naman ay Shimano Altus na. Nakakapanibago na makakita ng Shimano crank sa mga ganitong built bikes. Karaniwan kasi ay Prowheel na crank ang ginagamit o di kaya unbranded pa, mas pabor ako dito sa Altus na crank.

FD: Shimano Tourney 2014


Shimano Tourney yung front derailleur na ginamit. 3 by yung setup.

RD: Shimano Altus 2014

Sa likod naman, Shimano Altus yung rear derailleur.

Cogs: Shimano Altus 8 Speed

8 speed lang ang cogs nito.

Shifter: Shimano Altus 8 speed 2014

8 speed lang din yung shifter.

Brakes: Shimano Hydraulic Brakes

Shimano non series hydraulic brakes yung brakeset ng bike na ito. Okay yun.

Rims: Trinx Double wall alloy

Alloy din at double wall yung rims.

Tires: Kenda 29 x 2.10

Yung tires naman, Kenda na may 2.10 na lapad.

Verdict

Parang luma na talaga siya. Kasi dapat sa panahon ngayon, yung ganitong presyo ay may mas magandang setup. Kahit 9-speed na Altus man lang. Okay yung fork niya, mas maganda sa iba. Pero yung mga bago ngayon kasi, air fork na kahit na Trinx branded lang. Mas magaan at malambot ang play nun. Yung frame naman, medyo luma pa yung design, sa ngayon mga nakainternal cabling na dapat yan at may mas maangas na porma.

Madami pang iba dyan na mapagpipilian na may mas magandang specs sa halos kalapit lang na presyo. Payong kapadyak, wag ito.

Credits sa LJ Bike Shop para sa image na ginamit sa post na ito.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Renz Emir Pablo December 21, 2017
      • Ian Albert December 29, 2017
        • Renz Emir Pablo January 5, 2018
    2. rogie December 21, 2017
      • Ian Albert December 29, 2017
    3. Renz Emir Pablo January 6, 2018
      • Ian Albert January 7, 2018
    4. Jeff Medina April 5, 2018
    5. Michael April 30, 2018
      • Ian Albert April 30, 2018
    6. Venjo June 29, 2018
      • Ian Albert July 1, 2018
    7. YAH YAH January 10, 2019
      • Ian Albert January 23, 2019

    Add Your Comment