Foxter Powell 1.0, Foxter Evans 3.0, Foxter Lincoln 4.0, at ngayon naman Foxter Harvard 5.0. Nagbibilang lang ang Foxter. And guess what, mayroon pang Foxter Vinson 6.0.
Pero sa post na ito, Foxter Harvard 5.0 muna ang titignan natin.
Wala yata masyado sellers nito, pero buti na lang at may nakuhanan pa din tayo ng konting impormasyon tungkol sa specs ng bike na ito.

Ang nakita kong SRP nitong Foxter Harvard 5.0 ay nasa P11900-13500. Hindi ko lang alam sa ibang shops, kasi hindi naman nila nilalagay sa facebook post nila yung price.

Yung specs lang na nakita natin ang mapagbabatayan natin para sa review na ito.
Foxter Harvard 5.0 Specs
- Alloy Frame
- Hydraulic Brakes
- Shimano Altus Group
- Foxter Crank
- Alloy Fork
- 9 Speed
- Internal Cabling
- Alloy Hubs
- Alloy Pedals
- Cassette Type
- Kenda Tires 27.5X2.10

Alloy na yung frame nitong Foxter Harvard 5.o MTB. Maganda din yung porma ng frame. Naka-internal cabling na din kaya maganda. Malinis tignan, sa loob ng frame pinapadaan yung cable ng shifters. Pang 27.5 na wheelset ang Foxter na MTB na ito, hindi ko sigurado kung may iba pang sizes na mapagpipilian.

Yan lang din tatlong kulay na yan ang nakita ko sa net.
Foxter fork lang din, coil spring, hindi kasi mentioned na air suspension. Pero may lock-out, at alloy na daw.

Naka hydraulic brakes na itong Harvard 5.0. Shimano non-series yung ginamit, kaya maganda na.
Shimano Altus na daw ang group set nitong Foxter Harvard 5.0. Pero hindi naman lahat e, siguro yung shifters, front at rear derailleur lang. Kung groupset, dapat pati crank sana. Kaso, Foxter crank lang din ang nakalagay dito. Mukha namang ito yung alloy type na crank ni Foxter.

3×9 ang gearings ng MTB na ito. Hindi ko alam kung anong ratio ng cogs nito. Sabi, cassette type na daw. Maganda yun, mas okay yun. Siguro nga cassette na nga kasi 9-speed na e. Bolt type yung sa rotors at parehas na naka-quick release ang harap at likod na gulong.
Alloy na yung pedals, straight yung handlebars, at 2.10 ang lapad ng 27.5 na gulong nito. Kenda yung brand, hindi masyadong aggressive yung knob profile ng gulong kaya swak lang to pang long ride sa kalsada at mga off roads. Alloy na double wall na din yung rims.
Overall, maganda naman yung mga pyesa nitong Foxter Harvard 5.0. Maganda din yung frame, yung porma at pagka-internal cabling niya. Parang hawig lang yung porma ng frame sa porma ng MTB ko na Merida:
Wala ako masyadong masabi sa Foxter MTB na ito, sa tingin ko kasi ay hindi na din naman masamang choice ang MTB na ito dahil maganda naman yung mga pyesa. Kung may budget para dito, at swak naman yung size, at trip mo din yung kulay, hindi na masamang choice itong Foxter Harvard 5.0.
Leave a Reply