Atomic Sunfire-Z 2018 (26) Review

by

in

Mura din pala itong Atomic Sunfire-Z na mountain bike. 26er siya, susubukan natin bigyan ng review base sa mga specs na alam natin. Kung binabalak mo bilihin ang modelo ng bike na ito, basahin mo muna itong post na ito.

Atomic Sunfire-Z Specs

Ito yung specs na provided ng Ryanbikes.

  • Frame: Alloy
  • Fork: Atomic w/ Lockout
  • Shifter: Shiming 7 Speed
  • FD: Shimano TZ
  • RD: Shimano TZ
  • Crank: Atomic
  • Rim: Atomic

Pero kung susuriin mong mabuti, may mali sa mga specs na yan.

Yung frame, ok dahil alloy na. Hindi ko alam kung may mga sizes pa ito na pwedeng mapagpilian pero baka yung common na size 17 lang din. Sa mga kulay, madami ka mapagpipilian na kulay. Hindi din nalalayo ang itsura nito sa style ng frame ng Trinx Majestic series na flat yung taas na portion ng top-tube, tapos sa ilalim nito, nandun yung mga cable stoppers ng derailleurs at ng rear disc brake.

Mas ok yung fork nito kung ikukumpara mo doon sa Skyline Super. Di hamak na mas mataba ang stanchions, at may lock-out na din yung suspension.

Sa shifters, surprise, hindi siya Shimano. Shiming ang nakatatak. Imitasyon ng Shimano, common ko ito nakikita sa mga mumurahing MTB na bakal pa ang batalya. Sirain kasi ito e, kumpara sa tunay na Shimano na mas matibay at mas maganda ang performance kahit na sabihin mo na nasa pinaka basic lang ito na pyesa kasi nga combo shifter pa siya.

3×7 ang setup nitong Atomic Sunfire-Z. Kaso lang sa rd at fd, medyo sablay ulit, Shiming din ang brand ng mga pyesa na ito na sa unang tingin aakalain mong Shimano kung hindi mo titignan na mabuti.

 

Yung crank arm nito, garantisado bakal pa. Yung handlebar din siguro, baka pati yung seatpost na din.

Parang ayaw ko pa nga maniwala na alloy na yung frame nito e, unless ma-test natin ng magnet.

Yung likod na hubs, hindi pa naka quick release.

Atomic Sunfire-Z Price

P6000 ang price na nakita ko dito sa Atomic Sunfire-Z mountain bike. Mura diba, pero maganda nga ba?

Verdict

Parang hindi sulit bilihin e. Ok din naman ang mga Atomic branded na bikes, pansin ko madami din gumagamit noon. Pero itong Atomic Sunfire-Z, medyo sablay para sa akin. Kung sa presyong 6k, mag Trinx na lang ako, sigurado pa ako na Shimano ang parts. Dagdag na lang ng konti, may mas magandang pyesa pa.

Ang hindi ko kasi gusto dito, akala mo nakamura ka na, pero agad agad din naman na papalya yung mga pyesa na nakalagay, mas mapapagastos ka lang lalo. Kung idinagdag mo na lang sana yun sa budget mo para sa mas ok na bike.

Ang hatol ko dito sa bike na ito: “payong kapadyak, iba na lang bilihin ninyo”.

[alert-note]Images via Ryanbikes[/alert-note]


Comments

13 responses to “Atomic Sunfire-Z 2018 (26) Review”

  1. Andrew Avatar
    Andrew

    Pa review nung atomic icarus 27.5 kuya ian

    1. Ou nga po please. Pabike check po ng Atomic Icarus 27.5. Thanks in advance

  2. Sir Pwde ba syang palitan ng Shimano set? Salamat.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwedeng pwede

  3. Nag sisi ako ito binili ko 🙁 huhuhu.

  4. Ano pong size ng bottom bracket niya? Salamat

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi ko din alam e, pero yung mga karaniwan na mabibili lang tingin ko dyan

  5. Paul Cabanos Avatar
    Paul Cabanos

    Ano Po size Ng handlebar nya please reply asap

  6. Jay Ayalin Valencia Avatar
    Jay Ayalin Valencia

    Idol Ian..yes ako ulit..haha..
    Bike check mo naman atomic pacifico ko..
    Thank you and more blessings to come🚴🚴🚴

  7. Paulie Avatar
    Paulie

    Sir may nagbebenta 10500, eto po specs.
    26er
    Maxxis pace non foldable
    Shimano hollowtech non series removable chain ring
    Ragusa mech brakes levers
    Ltwoo shifters
    8 speed hg cogs
    Ltwoo a3 rd
    Ragusa 800 mm hb
    Wake seat pose
    Fire eye seat
    Shimano centerlock non series hub
    Clifton rim
    Stock:
    Stem
    Headset
    Fork

    1. Paulie Avatar
      Paulie

      Sunfire-Z po

  8. Bro bibili ako ng bike pero tight budget. Ang choices ko is atomic brand new P6,300 or second hand na Giant (Hindi pa disc brakes) P7,500. What could you suggest sir ?

    1. secondhand giant basta legit
      pero ayos na din atomic bnew kasi modern basta hindi bakal ang frame

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *