Trinx E-Bikes 2017


Meron palang mga e-bikes ang Trinx. Ngayon ko lang nalaman. Wala kasi ako nakikita nito sa facebook, siguro ay wala pa nito sa Pilipinas. Hindi ko din alam ang SRP ng mga ito, pero sa tingin ko medyo mataas ang price range nito kaya siguro hindi pa ito lumalapag sa mga Trinx distro sa Pinas.

E-Bikes

Ang mga e-bikes ay bike din pero may makina kaya pwedeng tumakbo pa din kahit hindi mo na i-pidal.

Heto ang line-up ng Trinx Smart E-Bikes:


HARRO 3.0

Colorways: Black with gray and white decals

Unang tingin pa lang naalala ko agad yung style ng geometry na kagaya sa mga Japan bikes na nakikita ko sa daan.

Siguro yun nga ang pinagbasehan ng design nitong e-bike na ito.

May rack pa sa likod na pwedeng lagyan ng bags, at meron ding full fenders kaya sa tingin ko, sakto ito pang commute, pwede din ipang-touring.

Naka-disc brakes na at may mukhang rigid fork pero may travel pala.

Heto yung full specs ng Harro 3.0:

FRAME

  • FRAME: 28″ / 17″ / 6061 Alloy / Smooth-Welding Technology
  • FORK: ZOOM 106D / Travel 25mm

28er pala ito, hindi 27.5er at hindi din 29er. Medyo alanganin ako sa wheel size na ito dahil hindi ganun ka-common. Normal ito sa mga classic bikes pero parang medyo mahirap maghanap ng parts pang 28 na size.

Yung frame size nya ay 17″ lang, walang ibang options. Pwede na din siguro, mga 5 feet plus ang height ng mga pwedeng gumamit, which is medyo common.

Alloy yung frame material na naka smooth-weld daw, edi walang welding marks sa joints, malinis tignan.

Yung fork nya ay Zoom brand, mukhang rigid fork sya pero meron palang travel na 25mm, nasa may bandang crown ng fork yung suspension mechanism nya.

COMPONENTS

  • E.DRIVE SYSTEM: VeloUP! Middel Motor System / 250W
  • BATTERY: Samsung 480Wh / Greenway case YJ98
  • DISPLAY: Color LCD
  • HEADSET: Neco H146 / φ44*φ44*φ30
  • HANDLE BAR: UNO HB-RB22 / 680mm
  • STEM: UNO AS-832 / 110mm,0~60°
  • SEATPOST: UNO SP-380 / Suspension
  • SEAT: Selle Royal LOOKIN BASIC A230HR

Wala ako masyado alam sa e-bike components, lalo sa makina nito at batteries kaya wala ako maicocomment dito.

Cockpit set na UNO, at hindi stock Trinx parts lang, medyo upgraded ng konti.

Dagdag mo pa yung saddle na Selle Royal Look In, medyo mamahalin itong saddle na ito.

DRIVETRAIN

  • REAR DERAILLEUR: Shimano XT RD-T8000-SGS / Shadow / 10 Speed
  • SHIFTERS: Shimano XT SL-T8000
  • BRAKES: Tektro HD-T530 / Disc 160mm
  • CRANKSET: Prowheel / 34T / 7075 Alloy
  • CHAIN: KMC X10eEPT
  • CASSETTE: Shimano CS-M771-10 / 11-36T

Tama lang siguro na hindi entry-level parts yung ilalagay sa ganitong klaseng bike kasi motorized sya.

Dahil XT parts sya, confirmed na medyo may kamahalan itong bike na ito, syempre e-bike din kaya mahal nga.

Trekking specific pala yung XT parts na nakalagay dito, confirmed na trekking bike din pala ito.

10-speed sa likod, kaso lang 36t lang yung pinakamalaking gear. Medyo mahirap i-ahon sa mga daan na sobrang tarik pero may motor naman sya so baka hindi ka din mahihirapan.

Single chainring lang sa harap na may 34t na Prowheel ang brand, favorite ng Trinx.

WHEELS

  • HUB(FRONT): NOVATEC D471SBT-SC
  • HUB(REAR): NOVATEC D472TSBT-SC
  • RIMS: WEINMANN Provence
  • TIRES: Schwalbe Energizer Plus HS427 / 28″*1.75″

Novatec ang hubs, kilala at subok na sa performance, medyo tunog mayaman ito.

Di ko kilala yung rims pero yung tires ay pang e-bike specific pala talaga. Medyo may kamahalan din ang Schwalbe tires, buti hindi CST lang sinalpak ni Trinx dito.

Parang 700c itong bike na ito, kung ganun binabawi ko na na mahirap maghanap ng pyesa nito. Madali lang makakapagpalit ng rims, tires at tubes kung ganun.


EAGGO 2.0

Colorways: Matte white with green and black decals

Ito ang maganda ang porma. Kung yung Harro 3.0 medyo old-skul ang dating, ito naman XC na hardtail ang porma na pwede ipang-trail.

Ang linis pa tignan ng pagkakapintura, hindi din halata na e-bike sa unang tingin.

Specs ng Eaggo 2.0:

FRAME

  • FRAME: 29″ / 18″ / 6061 Alloy /Smooth-Welding Technology
  • FORK: Suntour XCR / Travel 100mm

29er, sure MTB siya. 18″ nga lang ang size, kaya nasa Large na ito, medyo pang malaking tao ito sasakto para maging kumportable sakyan.

XCR fork ang nakalagay, medyo above sa generic fork na nilalagay ni Trinx sa mga MTB nya, di nga lang nabanggit kung air na ba ito o coil type pa din na XCR.

COMPONENTS

  • E.DRIVE SYSTEM: VeloUP! Rear Hub Motor System / 250W
  • BATTERY: Samsung 480Wh / Reention case ID-1 / Length 440mm
  • DISPLAY: LCD
  • HEADSET: Neco H156 / φ44*φ55*φ30
  • HANDLE BAR: FSA HB-XC-191L / 685mm
  • STEM: FSA ST-OS-102 / 100mm,-12°
  • SEAT: Fizik GOBI M5

Kaya pala malinis tignan ito at hindi halatang e-bike ay dahil nasa rear hub ang motor system nito.

FSA ang cockpit set, medyo may kamahalan yun, mas mahal sa UNO ng malaking diperensya sa presyo, at yung saddle na Fi’zi:k ay hindi din biro ang presyo.

DRIVETRAIN

  • CHAIN: KMC X10eEPT
  • REAR DERAILLEUR: Shimano DEORE RD-M610-SGS / Shadow / 10 Speed
  • SHIFTERS: Shimano DEORE SL-M610
  • BRAKES: Tektro HD-735 / Disc 180mm / Front – 4 piston, Rear – 2 piston
  • CRANKSET: Prowheel / 38T / 7075 Alloy
  • CASSETTE: Shimano CS-HG500-10 / 11-42T

Sana ginawa na lang din XT parts ito, pero yung Deore na parts ay pwede na din. 10-speed na may 42t cogs, pang trail nga ang setup.

As usual Prowheel crank pa din, medyo may kabigatan nga lang ang 38t na chainring, pero di naman magiging issue dahil nga may motor din naman.

WHEELS

  • HUB(FRONT): NOVATEC D471SBT-SC
  • HUB(REAR): AKM Motor 250W 36V
  • RIMS: WEINMANN XM280
  • TIRES: MAXXIS Pace 60Tpi / 29″*2.10″

Yung hubs nya sa rear ang de-motor. Maxxis na yung tires, Pace kaya medyo okay pa sa trail at swabe sa kalsada din.


EAGGO 3.0

Colorways: Matte black with blue and orange decals

Kagaya lang to ng Eaggo 2.0 pero yung motor nya ay nasa may bandang crank kaya halatang e-bike na siya. Mas high-end na din yung parts nya, kaya guaranteed na mas mahal ito.


Ito yung specs ng Eaggo 3.0:

FRAME

  • FRAME: 29″ / 18″ / 6061 Alloy /
  • FORK: Rockshox REBA RL / Travel 100mm

Same size, 18″ lang. Large ang katumbas.

Rockshox yung fork, medyo nasa high-end bracket na ang fork na ito.

COMPONENTS

  • BATTERY: Samsung 480Wh / Reention case ID-1 / Length 440mm
  • E.DRIVE SYSTEM: VeloUP! Middel Motor System / 250W
  • DISPLAY: Color LCD
  • HEADSET: Neco H385 / φ44*φ52*φ39.8
  • HANDLE BAR: FSA HB-XC-191L / 685mm
  • STEM: FSA ST-OS-102 / 100mm,-12°
  • SEATPOST: FSA SP-XC-190
  • SEAT: Fizik GOBI M5

FSA cockpit parts at Fizik saddle din. Yung motor lang naiba, naging kagaya ng sa Harro.

DRIVETRAIN

  • REAR DERAILLEUR: Shimano XT RD-M8000-GS / Shadow Plus / 11 Speed
  • SHIFTERS: Shimano SLX SL-M7000
  • BRAKES: Tektro HD-735 / Disc 180mm / Front – 4 piston, Rear – 2 piston
  • CRANKSET: Prowheel / 34T / 7075 Alloy
  • CHAIN: KMC X11eEPT
  • CASSETTE: Shimano CS-M8000-11 / 11-46T

Dito pala ginawang XT na yung parts, kaya lang mixed sya with SLX. Mas mataas pa din na pyesa kumpara sa Deore.

Mas malaki yung biggest cog dahil 46t na. As usual prowheel crank pa din na single, pero 34t naman, mas maliit. Certified pang trail itong setup na ito.

WHEELS

  • HUB(FRONT): DT Swiss H1700
  • HUB(REAR): DT Swiss H1700
  • RIMS: DT Swiss M1700
  • TIRES: MAXXIS Ikon 120Tpi / 29″*2.20″

Dito ako nagulat, DT Swiss na wheelset ba naman, bast DT Swiss kasi, matic mahal yun. Maxxis Ikon yung tires nya, maganda both sa trails at kalsada.


EAGGO 3.2

Colorways: Matte black with yellow and purple decals

Hindi pa pala tapos itong Eaggo, meron pang model na 3.2. Hula ko mas maganda lang ang specs nito kumpara dun sa 3.0.

FRAME

  • FORK: Rockshot REBA RL / Travel 100mm
  • FRAME: 29″ / 18″ / 6061 Alloy / Smooth-Welding Technology

Same lang ng Eaggo 2.0, walang naiba. Kulay lang.

COMPONENTS

  • DISPLAY: Shimano SC-E8000
  • E.DRIVE SYSTEM: Shimano STEPS E8000 / 250W
  • BATTERY: Shimano BT-E8010 / 500Wh
  • HEADSET: Neco H385 / φ44*φ52*φ39.8
  • REAR DERAILLEUR: Shimano XT RD-M8000-GS / Shadow Plus / 11 Speed
  • HANDLE BAR: FSA HB-XC-191L / 685mm
  • STEM: FSA ST-OS-102 / 100mm,-12°
  • SEATPOST: FSA SP-XC-190
  • SEAT: Fizik GOBI M5

Yung makina, LCD display at battery nya, Shimano na din.

DRIVETRAIN

  • SHIFTERS: Shimano XT SL-M8000
  • BRAKES: Shimano XT BR-M8000 / Disc 180mm
  • CRANKSET: Shimano FC-E8050 / 34T
  • CHAIN: KMC X11eEPT
  • CASSETTE: Shimano CS-M8000-11 / 11-46T

XT parts na lahat pati brakeset, which is good kasi hindi na ordinary lang na Tektro Auriga tulad ng iba. Pati crank XT na din.

WHEELS

  • HUB(FRONT): DT Swiss H1700
  • HUB(REAR): DT Swiss H1700
  • RIMS: DT Swiss H1700
  • TIRES: Continental Mountain King / 29″*2.40″

Mas lumapad yung gulong nya, at naging Continental na yung brand.

So far sa tingin ko ito na ang pinakamahal sa lahat ng e-bike na nakafeature sa post na ito. All-in todohan na sa specs e.


GOTTO 2.0

Colorways: White with green and gold decals

Parang kagaya lang ng Harro pero mas mababa yung specs.

Parang pang babae yung setup dahil sa naka-slant pababa na top-tube, may racks at fenders din sakto pang commute o trekking.

Ito yung specs:

FRAME

  • FRAME: 28″ / 17″ / 6061 Alloy /Smooth-Welding Technology
  • FORK: Suntour NRX / Travel 75mm

COMPONENTS

  • E.DRIVE SYSTEM: VeloUP! Rear Hub Motor System / 250W
  • BATTERY: Samsung 480Wh / Reention case ID-1-Mini / Length 504mm
  • DISPLAY: LCD
  • HEADSET: Neco H146 / φ44*φ44*φ30
  • HANDLE BAR: UNO HB-RB22 / 680mm
  • STEM: UNO AS-832 / 110mm,0~60°
  • SEATPOST: UNO SP-380 / Suspension
  • SEAT: Selle Royal LOOKIN BASIC A230HR

DRIVETRAIN

  • REAR DERAILLEUR: Shimano RD-T6000 / 10 Speed
  • SHIFTERS: Shimano SL-T6000
  • BRAKES: Shimano M315 / Disc 160mm
  • CRANKSET: Prowheel / 38T / 7075 Alloy
  • CHAIN: KMC X10eEPT
  • CASSETTES: UGEK CS-M6010 / 11-36T

WHEELS

  • HUB(FRONT): NOVATEC D471SBT-SC
  • HUB(REAR): AKM Motor 250W 36V
  • RIMS: WEINMANN Provence
  • TIRES: Schwalbe Energizer Plus HS427 / 28″*1.75″

SELLA 3.2

Colorway: Gray with black and gray decals

Ganun din, parang sa Japan bike din binase.

Ang kaibahan nito ay nasa loob ng rear hub ang gearing.

Medyo high-end pa din ang ibang mga pyesa.

FRAME

  • FRAME: 28″ / 17″ / 6061 Alloy /Smooth-Welding Technology
  • FORK: Rockshox Paragon Gold RL / Travel 65mm

COMPONENTS

  • E.DRIVE SYSTEM: Shimano STEPS E6000 / 250W
  • BATTERY: Shimano BT-E6000 / 418Wh
  • DISPLAY: Shimano SC-E6010
  • HEADSET: Neco H146 / φ44*φ44*φ30
  • HANDLE BAR: UNO HB-RB22 / 680mm
  • STEM: UNO AS-831 / 110mm,0~60°
  • SEATPOST: UNO SP-380 / Suspension
  • SEAT: Selle Italia NET BASE

DRIVETRAIN

  • REAR DERAILLEUR: Shimano ALFINE SG-S7001-11 / Internal Hub Gear / 11 Speed
  • SHIFTERS: Shimano ALFINE SL-S700
  • BRAKES: Shimano ALFINE BR-S700 / Disk 160mm
  • CRANKSET: Shimano FC-E6000 / 38T
  • CHAIN: KMC X9eEPT
  • CASSETTE: Shimano ALFINE CS-S500 / 18T

WHEELS

  • HUB(FRONT): Shimano LX HB-T675
  • HUB(REAR): (Internal Hub Gear)
  • RIMS: WEINMANN XP24
  • TIRES: Schwalbe Energizer Plus HS427 / 28″*1.75″

Wala talaga akong alam sa e-bikes pa. Wala pa ako experience sa mga ito kaya hindi ko alam kung okay ba yung makina nya, kung gaano kalakas. Pati yung battery, hindi sinabi ni Trinx kung gaano itatagal nung battery nya.

Siguro kaya wala pa ito sa Pilipinas ay dahil hindi pa ganun kataas ang demand sa mga ganitong klaseng bike sa Pilipinas.

Karamihan sa mga bike fairs, tulad ng kagaganap lang na Euro Bike Show 2017, madaming e-bikes doon na nai-showcase. Siguro ito yung nakikita nila na magiging patok sa future, ang mga e-bikes.

Wala din tayong ideya sa presyo nitong mga Trinx E-Bikes. Medyo lumelevel-up na si Trinx, dahil dati akala ko budget bikes lang si Trinx, pati pala high-end bikes nilalabas na din nila.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Joemel Silapan February 28, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019

    Add Your Comment