Trinx Tempo 3.0 Review


Isa itong Trinx Tempo sa mga sikat na choices para sa budget road bike. Itong Trinx Tempo 3.0 na ang may pinakamataas na SRP at specs sa lahat ng road bike na nasa Tempo series.

Medyo kailangan kasi ng mas mataas na budget sa road bike kumpara sa mountain bike. Kung gusto mo kasi ng murang road bike na medyo okey yung pyesa, budget mo dapat ay nasa P10k pataas.

Ang SRP nitong Trinx Tempo 3.0 sa Mr bike ay P14000. Sa tingin ko ay mas mababa pa ang presyo nitong Trinx Tempo 3.0 sa iba, kaya lang wala akong makitang “for sale” post mula sa ibang bike shops nitong Tempo 3.

Trinx Tempo 3.0 Specs

FRAME

  • FRAME: 700C*460mm/500mm/540mm Alloy Special-Shaped Tubes
  • FORK: Trinx Alloy

Alloy na yung frame and fork nitong Tempo 3. Ang kagandahan pa dito, may choices ka sa mga size. Importante kasi lalo na sa road bike kung tama yung size at fit ng bike sayo para less risk sa injury at body pain dulot ng pagpadyak.

Size 46cm, 50cm, at 54cm na frame sizes ang pwedeng pagpilian sa Trinx Tempo 3. Para sa may height na 5’0″ pababa sakto yung size 46. Yung size 50 naman para sa 5’1″ hanggang 5’6″ siguro ay swak pa din. Yung size 54 naman, pwedeng pwede sa mga may height na 6’0″ pababa. Maliit na siguro ang size 54 sa mga matatangkad na 6 footer pataas.

COMPONENTS

  • PEDAL: Wellgo Alloy Sport
  • SADDLE: Trinx Sport
  • HANDLEBAR: Trinx Alloy Road

Alloy na ang pedal, pero kung seryoso ka sa pag gamit ng road bike, malamang papalitan mo din ito ng cleats pedal. Mas okay na din naman itong alloy na pedal, Wellgo pa ang tatak, pang sanay kesa sa generic na plastic pedals lang.

Yung saddle naman ay slim-type din, bagay talaga pang road bike.

Alloy na din yung drop bar kaya magaan. Mukhang compact naman yata at shallow bend ang drop bar na nakalagay sa Tempo 3, mas preferred ko kasi yung ganitong porma ng drop bar. Mas kumportable gamitin.

DRIVETRAIN

  • SHIFTER: Shimano Claris ST-R2000
  • FD: Shimano Claris FD-R2000
  • RD: Shimano Claris RD-R2000
  • CHAIN: KMC Z72
  • BRAKE: Winzip Alloy

Kaya madaming nagagandahan sa budget road bike na ito ay dahil naka Shimano Claris R2000 na ang STI, FD at RD nito. Common kasi sa mga budget road bikes na hindi pa naka-STI ang shifters, thumb shifters lang.

Naka internal cabling na din ang STI na ito, kaya mas malinis tignan ang cockpit setup dahil maitatago mo na yung mga kable sa ilalim ng bar tapes.

Hindi lang yun, maganda din ang porma nitong Claris R2000 dahil parang nai-base na din sya sa aesthetics ng mga higher-end Shimano road groupsets.

2×8 ang gearings ng R2000 na nasa Trinx Tempo 3.0.

Yung brake naman, iba. Winzip ang brand, alloy na yung material. Mukhang ordinary brake calipers lang.

WHEELS

  • CASSETTE: Shimano CS-HG508 12-25T
  • RIM: Trinx Alloy Double Wall
  • TYRE: CST 700C*25C 27TPI
  • CHAINWHEEL: Prowheel 42/52T*170L
  • HUB: Fastace Alloy Double Sealed Bearing

Cassette type na ang 8-speed na cogs na nakalagay sa Tempo 3. Sora pala itong cogs na ito na 12-25t. Mas mataas na groupset ang Sora kesa sa Claris.

Yung rims naman, ay parang generic alloy rims lang pero medyo deep ng konti. CST ang brand ng tires na nakalagay at 25c naman ang lapad.

Prowheel pa din ang crank, as usual, common sa budget bikes hindi lang kay Trinx. 52/42 ang size ng plato, medyo mataas ang gear index nito. Kung lakas ko ang pagbabasehan, para sakin mabibigatan ako padyakin ito sa mga mtatarik na ahon.

Fastace ang brand ng hubs, hindi ako pamilyar sa brand pero sealed bearing na daw. Maganda yun dahil mas tatagal ang hubs. May tunog siguro ito kahit konti kapag nag freewheel. Cassette type na ito dahil yung sprocket ay cassette din. Naka-quick release na din yung hubs.

Verdict

Kung ang presyo ng Trinx Tempo 3.0 ay papatak lang sa P14k pababa, tulad kung nasa P12-13k lamang ito; mukhang good choice na din naman para sa nagkakainteres na mag road bike pero limited lang ang budget.

Naka latest Claris na din na STI, FD at RD kaya hindi na lugi.

Ang posible mo na lang palitan dito ay yung crank kung mabigat masyado sayo, o yung brake calipers kung matripan mo iupgrade. Pwede din yung pedal kung gusto na mag-cleats. Pero kahit wala ka na iupgrade sa mga pyesa nito, malayo na din ang mararating mo sa mga rides ng tropa nyo gamit ang Trinx Tempo 3.0.


  • 97
  •  
  •  
  •  
    97
    Shares
    1. RollyThePogi October 18, 2017
      • Ian Albert October 19, 2017
    2. Russel November 21, 2017
      • Ian Albert November 24, 2017
    3. Russel November 21, 2017
      • Ian Albert November 24, 2017
    4. josef December 2, 2017
      • Ian Albert December 11, 2017
    5. Niel Hans Virtucio December 3, 2017
      • Ian Albert December 11, 2017
    6. Francis David January 5, 2018
      • Ian Albert January 5, 2018
        • Daren April 25, 2018
          • Ian Albert April 25, 2018
    7. Francis David January 5, 2018
      • Ian Albert January 5, 2018
    8. Francis David January 6, 2018
      • Daren April 25, 2018
    9. Ralph Lauren February 19, 2018
    10. Arnel May 6, 2018
      • Ian Albert May 6, 2018
    11. Danielle Damit May 19, 2018
      • Ian Albert May 19, 2018
    12. KC May 27, 2018
    13. AF August 8, 2018
      • Ian Albert August 19, 2018
    14. Sam Liam September 12, 2018
      • Ian Albert September 17, 2018
    15. Aj labesores October 22, 2018
      • Ian Albert October 24, 2018
      • Ian Albert October 24, 2018
    16. Milo Manlambus October 24, 2018
    17. Chance Cachuela November 3, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
    18. Celso Mutia December 19, 2018
    19. Erik M March 12, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019

    Add Your Comment