Keysto, nung una ko makita ang brand na ito ng mga mountain bikes, nasa budget range siya ng P5000 pababa. Hindi ko masyadong pinapansin noon dahil sa presyong yun, naisip ko na agad na baka hindi pa Shimano ang mga pyesa kaya mura, o di kaya bakal pa ang batalya kaya ganon kababa ang presyo nya.
Ngayon, may lumabas na pala na high-end itong Keysto bikes. Keysto Elite ang tawag, merong 29er at meron ding 27.5 na version. Parang parehas lang ng overall specs, sa wheel size lang nagkaiba, at medyo may diperensya din ng konti sa presyo.
Subukan natin gawan ng review itong Keysto Elite MTB, pero opinyon ko lang ang isusulat ko dito. Wala kasi tayong actual bike na pwede i-review e.
Keysto Elite Specs
- Frame: 16 Ultralight Alloy Frame
- RD: Ax Ltwoo 11 Speed
- FD: Ax Ltwoo 3X
- Shifter: 3 X 11 Ax Ltwoo
- Brake: X Spark Hydraulic
- Tires: Kenda
- Fork: Keysto With Lockout
- Crank: Mpe Prowheel Alloy 3X
- Rim: Double Wall Alloy Rim
Parehas lang talaga yung specs ng 27.5 at 29er na Keysto Elite MTB. Sa wheel size lang nagkaiba.
Alloy na yung frame nitong Keysto Elite. Internal cabling na din, maganda ang porma, maganda din ang pagkakapintura. Simple lang, pero may dating. Hindi ko sigurado kung tapered ba yung head tube o hindi, parang tapered kasi sa picture e. Kung tapered man ito, mas maganda ito.
Size 16, hindi ko alam kung may iba pang size. “Ultralight” daw yung batalya, hindi ko alam kung anong ibig sabihin nila doon, kung sobrang gaan nga ba talaga nito o marketing lang.
Yung fork naman, Keysto branded lang, pero may lock-out na din kaya okay na din.
Naka LTWOO parts itong Keysto Elite. Una natin nabalitaan itong LTWOO parts sa mga 2018 models ng bike ni Trinx. Base sa experience ko na pag gamit ng LTWOO parts, okay naman ang performance nito pag dating sa bilis ng response kapag maglilipat ng gearings.
Sa low-end na LTWOO pa yung nasubukan ko, ewan ko lang dito sa medyo mas high-end na LTWOO. Baka mas maganda pa. Nakakapanibago nga lang kung nasanay ka sa Shimano, dahil SRAM ang pinag gayahan nitong LTWOO.
3×11 ang setup nitong Keysto Elite. LTWOO ang fd, rd, at shifters. Naka hydraulic brakes na din itong Keysto Elite MTB, X-spark brand nga lang ng preno, kagaya sa Trinx C782.
Alloy na yung crank, at Prowheel brand. Prowheel X-ten, tatlo ang plato 42-32-24. Sa likod, 11-speed na cogs na may range na 11-36T.
Kenda tires na, kaya maganda na din yung tires na nakalagay. Medyo malapad na din, base sa picture. Yung saddle, seatpost, at handlebar ay mukhang magandang klase na din. May rise yung handlebar at haba na 730mm.
Keysto Elite MTB Price
Ang nakita kong price nitong Keysto Elite ay P13500 sa 27.5 at P13800 naman sa 29er.
Verdict
Maganda ba ang Keysto Elite MTB?
Medyo mahirap sagutin.
Ito ang mga nagustuhan ko dito sa Keysto Elite MTB:
- maganda yung frame, alloy, internal cabling, at maganda ang porma, maayos ang pintura
- 11-speed na
- Kenda tires na
Ito naman ang hindi ko nagustuhan dito sa Keysto Elite MTB:
- hindi Shimano yung brakes
- 11-36T lang yung stock cogs
Sa totoo lang mga kapdyak, hindi ko alam ang magiging husga ko dito sa Keysto Elite. Gusto ko siya bigyan ng chance, baka kasi maganda nga, kaya ayaw ko sabihin na wag ito ang bilihin ninyo.
Unang una, sa pyesa nya na 11-speed LTWOO, kung maganda ba, hindi ko din alam kasi hindi ko pa naman nasusubukan magamit ng pangmatagalan. Kung kaya i-upgrade yung cogs nito sa mas malaking cogs pa tulad ng 11-42 o pataas, mas maganda.
Sayang nga lang at hindi pa Shimano ang inilagay na stock brakes nitong MTB na ito.
Hindi na din siguro masama, sa presyo na naglalaro sa 13k, wala kang mahahanap na bike na naka 11-speed na. Pero maganda, subukan mo pa din tumingin sa ibang bikes na di nalalayo ang presyo dito sa Keysto Elite. Sa pag-search ko nito sa fb, parang konti lang naman ang merong model nito na binebenta e.
Leave a Reply