Pinewood 29er MTB Review

29er, internal cabling, 8-speed

Hindi ko alam kung saan ba galing itong Pinewood na brand ng MTB. Nakakapagtaka lang din kasi madami dami na din ang nagtatanong sa akin ng tungkol dito sa Pinewood 29er mountain bike.

Nasa P7,700 ang price na nakikita ko sa MTB na ito.

Wala kasing nagpopost ng complete specs nito kaya hindi ko din sigurado yung bawat specs.

via Master’s Bikeshop

Ang alam lang natin ay:

  • 29er – 29er yung wheelset niya. Siguro ay 29er version ito nung Pinewood XC100 na 27.5 naman.
  • Alloy frame – alloy na yung batalya kaya okay na din. May ibat-ibang kulay din na mapagpipilian.
  • Size 15.5 at size 17 – may sizes pala ito na mapagpipilian. Okay yung 15.5 para sa mga hindi katangkaran na mga bikers.
  • Internal cabling – naka-internal cabling na, sa loob ng top-tube dumadaan yung kable ng shifters. Malinis tignan, ganitong style na din yung makikita mo sa mga mas mahal na bikes.
  • 3×8 speed – tatlo yung plato ng chainring sa unahan at walo naman sa cogs sa likod.
  • Altus parts – Shimano Altus parts daw. Pero hindi ako maniwala. Combo-shifter lang naman itong bike na ito kaya hindi naman Altus yung shifter. Yung rear derailleur lang yata ang Shimano Altus dito, mataas lang ng konti sa Tourney yun. Yung front derailleur, di ko alam kung ano.
  • Mechanical Disc Brakes – naka-mechanical disc brakes na itong MTB na ito. Sa presyo nya na P7,700 tama lang na hindi mag-expect na nakahydraulic brakes na ito.
  • Suspension fork with lock-out – may lock out na yung fork kaya okay na din. Coil spring pa ito.

Yung stock na gulong, medyo parang pang trail ang dating. Hindi lang natin alam ang brand.


via KJ Honey

Pansin ko lang, bakit kaya puro naka non-drive side yung mga pictures nitong bike na to ang nakikita ko. Ayaw ba nila ipakita yung crank at front derailleur? Hmmm. 🤔

Kung ako lang ang nagbebenta ng bike, ililista ko lahat ng tamang impormasyon sa bawat specs nito para alam agad ng gusto bumili. Pwera na lang kung may ayaw akong malaman ng bibili sa specs nito. Ganun yung tingin ko dito sa Pinewood 29er.

via Lharyl Bike Shop

Mura naman siya, okay na din dahil alloy frame na, 3×8 speed na, may lock-out yung fork at Shimano na yung pyesa. Sa halagang P7,700 maganda na din dahil naka-internal cabling pa yung frame.

Kung naiko-consider mo itong Pinewood na 29er, pwede na din siya pero subukan mo pa din tumingin sa ibang budget 29er. Ang ilan pang 29er na sa tingin ko ay okay na bilihin ay yung Trinx M520 at yung Trinx Q500.

via Lharyl Bike Shop

Update sa Pinewood XC100 29er specs:

  • Frame: Alloy 15.5 Internal Cable
  • Fork: Manual Lock Out
  • Handlebar: Oversize 31.8
  • Stem: Pinewood 31.8 Alloy
  • FD: Shimano Tourney
  • RD: Shimano Altus
  • Cogs: Shimano
  • Shifter: Shimano Rapid Fire 8S
  • Tires: Wanda 29 x 1.95
  • Brakes: Dual Disc Brake

Specs kopya sa Mr bike.

Featured image grabbed from John Mark Cruz.


  • 70
  •  
  •  
  •  
    70
    Shares
    1. Nai yaj March 8, 2018
      • Nai yaj March 8, 2018
      • Ian Albert March 13, 2018
        • Nai Yaj March 16, 2018
          • Nai Yaj March 16, 2018
            • Nai Yaj March 16, 2018
            • Ian Albert March 16, 2018
            • Ian Albert March 16, 2018
    2. Orley March 9, 2018
      • Ian Albert March 13, 2018
        • Orley March 16, 2018
          • Ian Albert March 16, 2018
    3. anjealou masalunga March 9, 2018
      • Ian Albert March 13, 2018
    4. Justine March 11, 2018
      • Ian Albert March 13, 2018
    5. EIRON March 12, 2018
      • Ian Albert March 13, 2018
        • EIRON March 15, 2018
    6. NutricionAvanzada March 13, 2018
      • Ian Albert March 13, 2018
    7. Ronaldo March 13, 2018
      • Ian Albert March 13, 2018
    8. Ronald D. March 15, 2018
      • Ian Albert March 16, 2018
    9. Justine March 19, 2018
      • Ian Albert March 23, 2018
    10. pogsrivera April 3, 2018
      • Ian Albert April 11, 2018
    11. Paul1622 April 13, 2018
    12. Nino May 4, 2018
      • Ian Albert May 4, 2018
    13. Sherwin November 16, 2018
      • Ian Albert November 20, 2018
    14. Edsel December 12, 2018
      • Ian Albert December 20, 2018
    15. JD March 11, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019

    Add Your Comment