Trinx H1000 Review

โ€”

by

in

Ang Trinx H1000 o Trinx Honor H1000 ay isa sa mga medyo mahal na MTB ni Trinx. Ito ay may 27.5 na wheelset, Deore na grupo naka 2×10, at may SRP na P24500. Medyo mataas na ang presyo nito at sa ganitong budget ay makakabili ka na din ng ibang bigating brands na di na din nalalayo ang pyesa.

Pero, carbon kasi ang batalya nitong Trinx H1000. Hindi lang batalya, pero pati yung ibang pyesa ay ginawang carbon na din. Karaniwan, sa ibang brands, sa presyo ng buong bike na ito, ay frame pa lang na carbon ang mabibili mo. Sulit na nga ba ang Trinx H1000? Alamin natin pagkatapos natin masuri ang specs nito.

Trinx H1000 Specs

FRAME

  • FRAME: 27.5″*16″ T700 Carbon
  • FORK: Trinx Air Suspension Lock-Out Travel:100mm

Carbon na ang batalya nitong Trinx H1000. I-expect mo na mas magaan pa ito kesa sa alloy na batalya. Kaya lang size 16″ lang ang size na meron siya. 27.5 din ang gulong na pasok sa batalya na ito. Nakainternal cabling na din at para sa akin, maganda ang pagkakatira ng pinta sa bike na ito. Dalawa lang ang kulay na mapagpipilian mo, red o blue (Matt Black/Bright Red; Matt Black/Bright Blue). Tapered pa yung head tube.

Yung fork naman nya, Trinx branded nga lang na air fork. Okay na din dahil air fork na. Mas magaan iyon kumpara sa coil spring na fork. May lock out na din at remote lock-out pa, kaya no need na bumitaw sa handlebar kapag kailangan mo galawin yung lock-out. Terno din yung kulay ng fork sa buong batalya. Kulay orange ang stanchions at nasa likod ang arko.

COMPONENTS

  • PEDAL: Alloy
  • SADDLE: SR
  • HANDLEBAR: Trinx Carbon Compent

Alloy na yung pedal. Yung saddle naman, magandang klase na dahil Selle Royal na ang brand. Yung Handlebar naman ay carbon na, pati daw yung seatpost ay carbon na din. Dahil dito, nakadagdag pa yun ng gaan. Hindi ko lang alam ang quality ng Trinx Carbon Comp na handlebar, dahil base sa experience ko ng China made na carbon handlebar, meron yung flex. Hindi ko sure kung normal lang ba talaga yun sa carbon, pero hindi ako panatag kapag may flex lalo na kung madalas sa malubak mo nilalaro yung MTB.

DRIVETRAIN

  • SHIFTER: Shimano Deore SL-M610
  • FD: Shimano Deore FD-M618
  • RD: Shimano Deore RD-M610
  • CHAIN: KMC Z10
  • BRAKE: Shimano M315 Hydraulic Disc

Shimano Deore na ang mga pyesa na nandito sa H1000. 10-speed na Deore, kaya lang hindi lahat Deore. Mas mataas ang Deore kaysa sa Alivio. FD, RD, at shifters nga lang ang Deore dito sa MTB na to.

Yung brakeset ay Shimano Non Series hydraulic brakes lang.

WHEELS

  • CASSETTE: Shimano CS-HG50-10 10-36T
  • RIM: Alloy Double Wall
  • TYRE: CST 27.5″*2.10″ 60TPI
  • CHAINWHEEL: Prowheel 22/36T*170L
  • HUB: Novatec Alloy Double Sealed Bearing

11-36T ang cogs, mas maganda sana kung sinagad na na 11-40t para pang bundok talaga. Alloy na yung rim at double-wall na din. Mas magaan yun at mas matibay kaysa kung single wall lang na rim. Yung gulong naman ay CST brand pa din, 2.10″ ang lapad, Yung hubs naman, Novatec na sealed bearing naman, maganda na din.

Verdict

Parang masabi lang na Deore yung pyesa ano, pero hindi na din masama kasi carbon na din at nakakasigurado ka na magaan ang bike na ito. Wala nga lang tayong tiyak na impormasyon patungkol sa bigat ng bike na ito.

Kung may budget ka para sa bisekleta na ito, at trip mo din naman yung itsura at kulay niya, hindi na din masama ito. Sa iba pa nga, mas mahal ang carbon na built bikes nila. Presyo na ng buo nito, ay frame pa lang ng iba. Mayroon ako nadinig dati na ibang brand naman, yung buong carbon na bike nila ay nasa P35K pero yung pyesa Altus pa lang.

Ako, akin lang ha, bilang personal ko na damdamin sa mga carbon bikes, hindi pa din ako handa sa carbon na MTB. May kaba pa din ako, takot na baka hindi kayanin ang abuso ng mabato o malubak na daan na normal lang sa padyak ng mga naka MTB.

Kung may pera ka at trip mo talaga itong carbon ng Trinx na ito, at gusto mo din ng magaan na bike, sakto na itong Trinx H1000 na ito. Sakto na kung sakto sayo ang size na 16 dahil yun lang ang size na meron dito.


Comments

38 responses to “Trinx H1000 Review”

  1. So nag review ka ng isang produkto nang di mo personal na nagamit?! Binase mo ang buong article sa specs na makikita online?

  2. Giovanni Avatar
    Giovanni

    Boss, ano ba ang kaibahan ng Trinx H1000 at Trinx V1000? Alin sa dalawa ang mas mai-recommend mo? Salamat po.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      mas gusto ko yung h1000 kasi 27.5 na ang wheel size nun

  3. Bakit bro,lahat ba ng gumagawa ng review eh personal na nagamit na nya?its base on the specs not the actual usage..mga nagrreview ba ng celfone at mga high end cars sa tingin mo ba personal nilang nagamit?Respect bro!!!

  4. Joel padz Avatar
    Joel padz

    Puede bang ma upgrade ang cassette sa trinx h1000 to 11-40 or 42 by merely changing the original cogs which is 11-36?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede, but still, you need to add length to the chain, and kung hindi kaya ng stock RD yung 11-42, you might need an extender para ma clear nya yung 42t cog

  5. John christian Avatar
    John christian

    Papiii. Hallowtech ba bottom bracket netong h1000?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      oo paps

      1. Paps kasya ba jan 2.4 na gulong. Maxxis highroller. Nauna ko kc nabili gulong eh. Salamat

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          kasya yan

  6. WAKKY Avatar
    WAKKY

    Kaya po bang iupgrade yung fork neto sa epixon stealth?

    1. joaquin Avatar
      joaquin

      same plan ๐Ÿ™‚

  7. WAKKY Avatar
    WAKKY

    Saang store po available ang H1000?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      try nyo po sa LJ

  8. James Avatar
    James

    may bayad ba pag-icchecki bagage mo sa airplane??

  9. Sir Ian pareview naman ng Trinx x7 pro. Salamat paps

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      subukan natin gumawa nyan

  10. Bike ko h1000 ganda.. at tibay cya wag kayo mag alala bumili ng h1000. Hindi kayo masisi kong na bili nyo cya. Super gaan at pwde nyo cya pa mapagaan kong upgrande nyo.. dapat e balance nyo rin katawan nyo sa h1000 kong magaan kayo wag nyo na e pagaan pa tama lang dapat sa katawan nyo…

    1. ilang po weight NG bike nayan?

  11. Nasa 12kg pala weight nito nag tanong ako sa stan13bike

  12. Dante Hornilla Avatar
    Dante Hornilla

    Wala pong bayad kapag i thru baggage mo sa airplane basta i declare mo lng na sporting goods… as long as hindi ma over baggage ang mga dala dalahan mo..qatar airways bound to doha…

  13. Dante Hornilla Avatar
    Dante Hornilla

    Meron po ba sa trinx ng carbon frame din na pang 29rs?tia

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      parang wala yata

  14. Sir Ian pareview naman ng Trinx H1200. Salamat ๐Ÿ˜€

  15. sir pareview nman ng trinx xc3 2018. salamattt

  16. Jose Maria Coquia Avatar
    Jose Maria Coquia

    Sulit ang presyo ng h1000 pwde dn ipangsabayan s ahunan

  17. Bro, kung ikaw papipiliin sa dalawa, anong mas gusto mo; H1000 o B1200?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      B1200
      deore brakes na kasi
      pero yung h1000, is also a decent choice, you get a lighter bike, in the future gusto ko din magkaroon ng carbon bike

  18. Idol ian anong trinx ang marerecomend mo sakin na 29er na kapresyp nyan. 29er nasmall kasi hanap ko at naka deore na rin sana. Salamat

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wala naman na iba mapagpipilian bukod sa trinx b1200 kaso yun 27.5 e, pero kung makahanap ka ng trinx q1000, yun na siguro, pero mahirap na ata, ang pwede mo na lang choice ay yung trinx x7 quest, mas mura ng konti

  19. boss, tanng lng naka h1000 kc ak., ehh wala akong alam about sa fork baka kc mali mabili ko through online diko magamit..

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      27.5
      tapered
      quick release

  20. Sir ian pareview nmn ng trinx H1200

  21. Adrian david Avatar
    Adrian david

    Ano bang mas maganda h1000 o b1200?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pareho maganda, preference na lang kung carbon or alloy

  22. Rolando America Avatar
    Rolando America

    Pwede po bang palitan yung chainwheel at chain ng Trinxh1000 27.5 at ano na man po ang magandang size ng chainwheel at chain?

  23. Raymund De Veluz Avatar
    Raymund De Veluz

    Idol pwede pareview ng giant iride rocker 1. Tnx

  24. John Gabriel Adra Avatar
    John Gabriel Adra

    kuya ian kaya ba ng fork nito yung 29erx2.10 na wheels ?? may nagbigay kase sake ng fork nitong h1000 kaso naka 29×2.10 whelset ako eh . Salama poooo :))

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *