Pinewood XC100 2018

Madami din akong hindi alam na mga bike models, sa inyo ko lang din nalalaman mga kapadyak. Tulad nitong Pinewood XC100 na kung hindi pa nai-request sa akin, hindi ko pa malalaman na nag-eexist pala.

Subukan natin gawan ng review base sa mga pyesa nito.

Pinewood XC100 2018 Specs

Specs muna:

  • Frame: Alloy 15.5 internal cable
  • Fork: manual lock out
  • Handlebar: oversize 31.8
  • Stem: pinewood 31.8 alloy
  • FD: Shimano tourney
  • RD: Shimano altus
  • Cogs: Shimano
  • Shifter: Shimano rapid fire 8s
  • Tires: wanda 27.5x 1.95
  • Brakes: dual disc brake

Alloy na yung frame nitong Pinewood XC100 mountain bike. Mayroong size 15.5, good for small to medium size yun. Perfect para sa mga di naman masyadong katangkaran. Hindi ko lang sure kung may iba pang size options para sa MTB na ito. Naka-internal cabling na din yung frame kaya maganda na din, malinis tignan. Simple lang ang colorway, one color lang at print na lang ng logo decals ang pagkakatira sa batalya. Madami ka ding kulay na mapagpipilian.

May suspension fork din ang Pinewood XC100 MTB, may lock out na din. Okay yung may lock-out para pwede mo i-lock yung suspension kapag gusto mo. Basic stock fork nga lang yata ito, dahil Pinewood branded lang din.

via Mr bike

Shimano Tourney yung front derailleur. Shimano Altus naman sa rear derailleur. 3×8-speed ang setup nitong MTB na to. 8-speed na Shimano combo-shifter ang shifters nitong bike na ito. Hindi pa ito naka-hydraulic disc brakes, budget bike lang kasi.

Hindi ko lang sigurado yung crank, kung anong brand, at kung alloy na ba yung crank arms.

Wanda yung brand ng tires. 27.5 ang size ng wheelset nitong MTB na ito. 1.95″ yung lapad ng gulong, swak lang pang long ride sa kalsada at off-roads.

Pinewood XC100 Price

P7,500 ang nakita kong price nitong Pinewood XC100 MTB. Budget MTB siya, na sakto lang para sa mga nagbabalak bumili ng MTB pero low-budget lang.

Verdict

Maganda ba ang Pinewood XC100?

Ang una ko kaagad naisip, siguro pantapat ito sa mga kagaya ng Foxter FT301. 27.5 din at Shimano parts din, 3×8 speed, naka disc brake at may lock-out yung fork.

Ang mga nagustuhan ko dito sa Pinewood XC100 ay:

  • naka internal cabling na yung frame
  • Shimano parts, at naka Altus na yung rear mech
  • alloy na din yung ibang mga pyesa

Para sa akin, makatarungan naman ang presyo nya. Same price lang ng Foxter FT301 e, pero ito naka-internal cabling na at Altus pa yung rear derailleur.

Kung trip mo itong bike na ito at swak naman sayo ang size, hindi na din ito masamang choice, budget bike lang naman ito pero okay na din yung mga pyesa.


Comments

24 responses to “Pinewood XC100 2018”

  1. michael023 Avatar
    michael023

    sir plan ko bumili ng mtb 10k budget..ano po b mgndang brand ggmitin ko servc sa work.yung d mahirap iupgrade and hydro brakes na din..tnx po

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      tignan mo yung Trinx C700 baka mapusuan mo

  2. Sir ian pwede po request ng review sa blackcomb maverick 29er or 27.5 sana po sir ma grant salamat

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wala akong makitang info about sa bike na yan kapadyak

  3. Kapadyak na albert, naka foxter ft301 ako dati pero binenta ko na kasi gusto ko talaga ng 29er. Ano ba marereco mo sa mga budget 29er? May nakita ako trinx q189. Naka hydro brakes na pero 7 speed lang. Yun m520 naman 8 speed pero mech brakes. Magkano kaya magagastos ko kapag nag q189 ako tapos papalitan ko ng 9speed? O mas ok na m520 tapos ipa hydro ko na? O baka may alam kang ibang model, any brand na naka hydro na at max budget 10k?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      mas malaki magagastos mo sa q189. ang dami mo kailangan palitan, para sa akin mas ok yung m520 tapos bilihan mo na lang ng hydro brakes. ok din yung q500, ipa hydro mo na lang.

  4. christian ramos Avatar
    christian ramos

    Sir pa request naman i review mo naman ung Pinewood troy xc200

  5. christian ramos Avatar
    christian ramos

    Sir pa request naman po na i review nyo po ung pinewood troy xc200

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sige gawan din natin yan

  6. salamat Sir Ian sa review na to. pinagpipilian ko kasi ung foxter ft301, trinx m500 at itong pinewood xc100. mukang ito na ung pinakasulit sa tatlo. tama po ba? halos pare-parehas kasi silang tatlo eh.

  7. Sir Ian, mas sulit ba ito compared sa foxter ft301 at trinx m500? halos magkakapareho kasi sila eh. salamat.

  8. Sir Ian, mas sulit ba ito compared sa current prices ng foxter ft301 at trinx m500? halos magkapareho lang kasi ung mga specs eh, salamat!

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      parang mas sulit nga. kung trip mo ang kulay, not a bad choice na din.

      1. salamat po. pasensya na nag-lag kasi kaya naka-ilang send ako ng comment ko.

  9. Sir ok lang po ba yung marcus platoon m250? thank you po in advance !

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      gawan natin ng review yan

  10. Earvin G. Dimaun Avatar
    Earvin G. Dimaun

    Pinewood Treviso 9.8 naman po Sir.

  11. John Aaron Salvacion Avatar
    John Aaron Salvacion

    Sir Ian? Lugi po ba ako kung makikipag swap ako sa Pinewood XC100 sa bike ko na Foxter ft.301. Or panalo na po ba ako dun? Salamat Sir Ian

  12. Naka pinewood po ako ok un bike simple lang pero may dating compare sa ibang bike nakatago na kasi ang cable sa frame kaya malinis tignan.

  13. Cassette Type na rin ba Ito?

  14. John abille Avatar
    John abille

    Hero 6.1 naman sir ian

  15. John Arman Engay Avatar
    John Arman Engay

    Sir bibili sana ako ng bike pero wala akong idea about bikes. Ano brand suggest niyo ang magkanong budget ang acceptable for starter like me. thanks.

  16. tjbyron Avatar
    tjbyron

    anung type po yung stock na ottom bracket niyan?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *