Foxter FT-303 2018 Review


May bago na namang sumulpot na Foxter MTB. Itong Foxter FT-303, kung titignan sa “naming” ng mga modelo ng Foxter, malamang ay upgraded version ng Foxter FT-301 MTB. Nacurious ako dito sa modelong ito ng Foxter kaya susuriin natin itong mabuti sa review na ito.

Foxter FT-303 Specs

Medyo wala tayong mas detalyadong impormasyon sa specs nitong FT-303. Sa agarang tingin, halos kagaya lang naman din ng Foxter FT301. Bakit kaya mas mahal? Naka-hydraulic na ba?

Hindi pa naman naka-hydraulic brakes ang FT303. Wala talagang kinaiba sa 301 bukod sa gulong na naging Kenda na.

Ang SRP ng 301 ngayon ay pumapalo na lamang sa P6500-7000 depende sa shop na makukuhanan mo. Ayon sa Ryanbikes, ang SRP ng FT303 ay P8900, medyo malaki din ang diperensya sa FT301.

  • Frame: Alloy
  • Fork: Foxter
  • Shifters: Shimano Rapidfire 8 speed
  • Front Derailleur: Shimano Tourney
  • Rear Derailleur: Shimano Tourney 8 speed
  • Crankset: Prowheel
  • Bottom Bracket: Sealed
  • Rims: Foxter double wall
  • Tyres: Kenda

Yung frame material nitong FT303 ay alloy, kaya may kagaanan ito kung ikukumpara sa bike na steel ang batalya. Hindi ko sigurado kung may iba pang size ang MTB na ito bukod sa size 16 na swak para sa mga may height na 5’4″ siguro hanggang 5’8″ ay medyo okay pa.

27.5 din ang gulong nitong FT303. Naiba lang yung brand ng gulong, naging mas kilalang brand lang ng gulong: Kenda. Base sa knob pattern ng gulong, parang nasa balanse ito ng pang trail at pang kalsada na gamit. Same pa din ng components na Tourney TX ang drivetrain ng FT303 kagaya ng sa 301. 3×8 pa din ang gears na available.

Ito ang isa ko pang napansin na naiba, ang style ng drop outs. Hindi ko alam kung ano ang naimprove sa frame ng FT303, nagbago yung style ng drop outs. Wala akong masyadong kaalaman sa sa standpoint ng pag gawa at pag design ng bike frame kaya hindi ko masasabi kung mas matibay ba o di kaya naman mas magaan ang ganitong disenyo ng drop outs para sa MTB.

 

Nagbago na din yung crank sa FT303. Prowheel na ang tatak ng crank at hindi na generic Foxter crank. Alloy ang crank arm nito sigurado ako dahil ganitong ganito din yung nakalagay sa Trinx M500.


Kable pa din ang bumabatak sa disc brake ng FT303 MTB. Hindi pa siya hydraulic disc brake, na sa diperensya nya sa presyo sa FT301, ay maiuupgrade mo na yung FT301 sa hydraulic disc brake kahit non-series na Shimano Hydraulic Brakes lang.

Yung fork naman parang ganun pa din, may lock-out din kagaya ng sa 301. Di ko sigurado kung naiba yung fork, kung naging mas magaan ba, pero kasi generic na Foxter fork pa din kasi siya kaya wala akong ideya sa performance nito.

Sa cockpit setup, same pa din na straight handlebar at maganda pa din yung saddle. Yung handlegrip lang naiba ng naka-design pero same pa din ng material at walang lock-on.

Narito ang mga colorways na available sa Foxter FT303:

Foxter FT303 Black/Red

Foxter FT303 Blue

Foxter FT303 Green

Foxter FT303 Red

*image credits sa Ryanbikes

Dahil wala naman masyadong pagkakaiba ang FT301 at FT303 na Foxter MTB, sa tingin ko ay hindi naman ganun kasulit yung mga binago sa FT301 para dun sa halos P2000 na pagkakaiba nila sa presyo. Kung naghahanap ka ng panalong budget bike na 27.5 MTB, mas mabuti pa na yung Foxter FT301 na lang at iupgrade na lang ang mga piyesa nito.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Angelo November 17, 2017
      • Ian Albert November 18, 2017
    2. JohnArjay December 3, 2017
      • Ian Albert December 11, 2017
    3. Paul December 15, 2017
      • Ian Albert December 18, 2017
    4. angelo estrella December 16, 2017
      • Ian Albert December 18, 2017
    5. Kris March 19, 2018
      • Ian Albert March 23, 2018

    Add Your Comment