Simplon Storm 6.1 2018 (27.5) Review

by

in

Subukan natin gawan ng review itong Simplon Storm 6.1 base sa specs nya. 27.5 MTB ito na naka Altus na ang mga pyesa.

Simplon Storm 6.1 Specs

  • Frame: 27.5 Medium Frame
  • Fork: Simplon Lockout Fork
  • RD: Shimano Altus (9Speed)
  • Shifter: Altus 9 Speed
  • Brakes: Shimano Hydraulic Brakes
  • Crank: Prowheel
  • Bottom Bracket: Sealed
  • Rim: Aeroic double wall rim
  • Saddle: Simplon
  • Tyres: Kenda tires

Alloy na yung frame nitong Simplon Storm 6.1. Naka internal cabling na din. Maganda ang porma, pati yung mga kulay na pwede mo mapag pilian. Hindi ko lan sigurado kung may sizes pa ang model na ito bukod sa medium.

Simplon branded lang yung suspension fork, pero maganda kasi may lock-out na din. Kulay black ang stanchions.

Shimano Altus parts na ang nakakabit dito sa Simplon Storm 6.1. 3×9 speed ang setup. Altus ang shifter pati ang rear derailleur, siguro pati yung front. Mas angat ng konti sa Tourney ang Altus, pero basic na entry-level lang din ang mga pyesa na ito galing sa Shimano. Maayos din naman ang performance ng Altus.

Yung brakes, Shimano non-series hydraulic brakes, kaya maganda na din. Buti at Shimano brand ang ginamit.

Sa crankset naman, Prowheel branded yung crank. Mukha namang alloy na yung crank arms. Sa sizes ng chainrings, siguro ay 42-32-24T ito.

Aeroic na yung rims, alloy at double wall. Yung tires, Kenda na. Sa ibang mga pyesa, mukhang maganda na din naman. Velo yung brand ng saddle, WTB pa ata yung hand grip na may lock-on. May rise yung handlebar, medyo short yung stem, quick release yung seatclamp at hubs sa harap at sa likod.

Simplon Storm 6.1 Price

P13500 ang price na nakita ko dito sa Simplon Storm 6.1 mountain bike.

Verdict

Maganda na ba ang Simplon Storm 6.1 sa price niya?

Madami pa tayo hindi alam sa specs nitong Simplon Storm 6.1. Hindi ko alam ang hubs, at kung ano ang range ng cogs.

Sa ganitong price range kasi, isa lang ang pumapasok sa isip ko, yung Trinx B700.

Pero sa totoo lang, sa presyong ito, kaya mo mag setup ng 27.5 bike na naka straight Shimano Alivio groupset na. Bibili ka lang ng budget bike tapos bibili ka din ng Shimano Alivio groupset, ipapasalpak mo na agad yun, mas maganda pa yung pyesa ng bike mo. Maibebenta mo pa yung pinagpalitan.

Simplon Storm 6.1 vs Trinx Big B700

Sa Trinx B700 na ako. Same price, same specs lang pero mas maganda yung fork ng B700 kasi air type na yun e itong sa Simplon Storm 6.1, hindi indicated na air-type yung fork so i-a-assume natin na coil spring lang yung fork nito.

[alert-note]Images via Ryanbikes.[/alert-note]


Comments

29 responses to “Simplon Storm 6.1 2018 (27.5) Review”

  1. kuya ian pa help pong maghanap ng bike para sakin budget ko po kasi ay 7,500 diko po alam kung ano bibilin kong bike gusto ko kasa trinx kaso po ang daming pong pagpipilian ano po ang maganda trinx na 7,500 kahit hindi muna po hydro

    TNX😊😊

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      trinx c520 or trinx m520

      1. ala po ata kayo ng review ng m520
        pero tnx na rin po

      2. Mark Joseph Cabaltera Avatar
        Mark Joseph Cabaltera

        Sir anu preferred nio na cogs sa alivio?11-40tt ba o mas lower ??

  2. Dante Tafalla Avatar
    Dante Tafalla

    Ask ko lng kung pwede sa altus crank ang hallow tech bb

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi po ata, kailangan hollowtech yung crank para pwede sa kanya yung hollowtech na bb

  3. idol. giant mt bikes naman kahit yung mga entry level lang..thanks

  4. pa review naman po ng MARCUS LEGION M350 and MARCUS PLATOON M250. maraming salamat po.

  5. Sir pasuyo naman pakireview naman po ako ng Phantom soul 650b 27.5, Salamat at Salute! ✌🏼

  6. Danilow Avatar
    Danilow

    Parang ang nipis ng gulong? Balak ko na ito bilin ko kase wala ako makitang may stock ng b700 dito tapos nakita ko gulong. Muntik na maging road bike.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      malapad gulong nya paps, ang layo sa nipis ng gulong ng road bike, pero mas advised ko pa din ang B700

  7. nikko salonga Avatar
    nikko salonga

    Boss Beginner na MTB with 29er at 17 frame size na good sa budget not bad na din sa performance po. newbie here

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      magkano budget mo ba?

      1. nikko salonga Avatar
        nikko salonga

        7k-13k max po sana boss.

        sa stan13 kasi wala daw silang 17″ size unless GIANT ang tatak

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          yung trinx m520 17 ang frame size nun ata

          1. nikko salonga Avatar
            nikko salonga

            nag ask nga ako saknila wala eh, 16 lang daw.
            so balak ko bumile ng m520 then palit frame na 17 ung trinx elite series nila meduim 17.
            good kaya yon ganong diskarte? 7200 m520 + 3500 trinx frame
            then benta ko n lng ung frame ng m520.

          2. Ian Albert Avatar
            Ian Albert

            sayang naman yun gagastusin mo paps, kung ganyan lang din mag Trinx Q500 ka na lang, mas maganda pa. ano ba height mo paps? kahit na size 16 yan ok pa din yan, 1 size smaller. unless super tangkad mo, need mo ng size 18 na.

  8. Anthonel Palileo Avatar
    Anthonel Palileo

    Hi. ask ko lng po kung anong best 29er mtb sa 15k na budget.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      kung ako ang tatanungin, trinx Q500 na tapos papakabitan ko ng straight Shimano Alivio groupset.

  9. rodney rutor Avatar
    rodney rutor

    Boss bumili ako ng trinx m1000 58 hieghf ko nabili ko cya 12500 OK LNG ba na size 27.5 yung gulong nya

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ok na ok, ride safe kapadyak

  10. Sir, plano ko sana bumili ng bike, 15k budget, pinagpipilian ko sana is eto simplon storm 6.1 at trinx x1. wala po ako alam sa specs ng bike, sana matulungan mo ko, thanks

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Trinx X1 Elite

  11. Sir,, pinagpipilian ko po this bike or trinx x1, suggested kasi sakin ng tropa ko tong simplon, what do you think sir?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Trinx X1 Elite para 27.5 din.
      Its up to you pero para sa akin mas tiwala ako sa frame ng Trinx X1

      1. Sir ian idea naman dyan trinx n 27.5 internal cabling then naka hydraulic na.thanks.bago lang sa pag padyak.

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          madami nyan

  12. Sir ian idea nmn dyn sa model ng trinx un naka internal cabling na malinis.then naka hydraulic na.bago lng po sir sa pag padyak.thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *