Napansin ko na medyo patok na choice itong Trinx Big B700 sa mga naghahanap ng medyo kargadong Trinx MTB. Para sa may mga budget na 15k para sa bagong MTB nila, itong Trinx B700 ang nakita kong kinukuha nila.
Subukan natin gawan ng review at tignan ang bawat specs nitong Trinx B700 sa post na ito.
Trinx B700 Specs
FRAME
- FRAME: 27.5″*16″/18″ Alloy Tri-Butted Smooth Welding
- FORK: Trinx Air Lock-Out Travel:100mm
Maganda pala ang frame nito. Maganda ang porma ng frame at pati na din ang paint job. Alloy yung frame kaya magaan na din, triple butted pa kaya lalong mas magaan at matibay. Smooth welding din kaya malinis tignan ang joints ng batalya.
Size 27.5 ang gulong para sa frame na ito. May sizes na mapagpipilian na 16 at 18. Naka-internal cabling na din kaya malinis tignan lalo dahil sa loob na ng frame dumadaan ang cable para sa shifters.
Yung fork naman nito ay air fork na, kaya mas magaan kumpara sa fork na hindi pa air (coil-spring lang) at mas maganda din ang laro ng mga air fork. Hindi ko alam kung rebrand ito ng ibang air fork, Trinx kasi ang nakalagay sa fork. May lock out na din at travel na 100mm.
Kulay gold yung stanchions ng fork, at yung arch naman ay nasa likod, ganito yung style ng mga high-end fork sa ibang brands tulad ng Manitou. Meron ding parang laste sa stanchions, para mas madali mo makita yung travel ng fork.
Tapered na din pala ang head tube nito, mas maganda dahil ang tapered head tube makikita mo sa mga mas mamahalin at high ends na bike. Ayon sa nabasa ko dati, mas matibay daw ang tapered na headtube kumpara sa non-tapered o yung diretso lang na headtube.
COMPONENTS
- PEDAL: Alloy
- SADDLE: Trinx Sport
- HANDLEBAR: Trinx Alloy Flat
Alloy na yung pedal na kasama. Nagagandahan ako sa saddle, hindi mukhang mumurahin lang. Straight yung handle bar na alloy na din, pero walang kasamang bar-end grips.
DRIVETRAIN
- SHIFTER: Shimano Altus SL-M370
- FD: Shimano Altus FD-M2000
- RD: Shimano Altus RD-M370
- CHAIN: KMC Z99
- BRAKE: Shimano M315 Hydraulic Disc
Shimano Altus ang pyesa na nakabit sa Trinx B700. Mas mataas ito kesa sa Tourney. Naka hydraulic disc brake na din ang MTB na ito. Shimano Non-series hydraulic brakes ang gamit, buti naman at hindi ibang brand ang ginamit para sa hydro brakes. Mas may tiwala kasi ako sa non-series Shimano hydraulic brakes, kesa sa ibang murang hydro brakes.
WHEELS
- CASSETTE: CS-M2009 11-32T
- RIM: Alloy Double Wall
- TYRE: CST 27.5″*2.10″ 27TPI
- CHAINWHEEL: Prowheel 22/32/44T*170L
- HUB: Novatec Alloy Double Sealed Bearing
Upon research, Sugek ang brand ng sprocket na CS-M2009 11-32T. May gear ratio na 11-13-15-17-19-21-24-28-32T. Maganda na din yung increments ng teeth sa cogs, pero mas maganda sana kung ginawa ni Trinx na 11-34t tutal kaya naman ng Altus RD ang 34t cogs. Para sakin kasi, parang baliwala lang yung pagka 9-speed nya dahil kagaya lang din ng mga 8-speed na naka 11-32 din.
Pero dahil cassette type naman na din ang hubs nito na Novatec brand, madali lang magpalit ng sprocket. Siguro ay bolt-type yung kabitan ng rotors nito. Naka quick-release na din ang hubs na ito. May tunog ang freewheeling nito, basta Novatec kahit hindi kalakasan.
Yung gulong naman sa B700, 2.10 ang tire width. Magandang balanse para sa paved road at light trails dahil hindi sobrang aggressive yung knob pattern.
Prowheel Flint yung crank. Standard crank lang na may alloy na crank arms, at pang square type na bottom bracket. Hindi ko sigurado kung nakakalas yung chain rings nito dahil parang naka-rivet yung mga plato.
Verdict
Overall, not bad. Sa SRP na P14500, parang hindi na lugi dahil maganda yung frame, maganda din yung fork kasi air-type na. Yung wheelset, panalo na din dahil maganda yung hubs. Ang iuupgrade mo na lang dito ay yung drivetrain kung gusto mo ng mas mataas na antas ng groupset.
Dahil maganda yung frame nito, hindi din sayang na iupgrade mo yung ibang mga pyesa pag tagal kung maisipan mo mag upgrade o magkaron ng pang upgrade.
Pero sa totoo lang, wala ka na kailangan i-upgrade dito, hindi ka na bibiguin ng mga pyesa na bumubuo sa bike na ito, long ride man o off-road rides.
pede po ba kayo magreview ng mga giant mtb?ito lng po ata ang website na may tiwala aq pagdating sa mga review
pwede din naman po, may specific ka ba na modelo ng giant na napupusuan? maraming salamat sa pagbisita
yung mga less than 30k na price po sana…hirap po bumili basta-basta kasi malaking pera ito eh
pili ka nalang sa mga big name brands kapag ganyan ang budget JJ. brands like Merida, Giant or Cannondale.
sir pwede ba magtanong kung ano magandang bike na pwede sa 100kg na user? yung budget bike lang sir. na matibay..
kahit anong bike kaya ka nyan, basta tama lang tire pressue. May pinsan ako na heavy rider din, Trinx ang bike nya, no issue kahit budget bike lang.
palagay naman po review mg C290 ng trinx
bago nga ito, nakita ko pa lang sa online pero di ko pa nakita ng personal. sige ireview natin yan soon jay
Sir Ian Ano masa-suggest mo na magandang upgrade ng drivetrain para sa b700 and nasa magkano Ang magandang groupset na Pwede bilhin para dito?salamat Sir.newbie here.
depende sa budget yan AJ, pinakamura na sulit na sa complete groupset ay Alivio. pero kung afford ang Deore, go for it na. Meron pa mas mura, yung upgrade kit lang, (rd, chain, cogs, shifter lang kasama) yan lang pero kung gusto mo mag 10-speed or 11-speed na mura, you can pick sa deore upgrade kit or sa SLX upgrade kit.
Ito ung bike ko. ang masasabi ko lng dito is matibay siya. ginagamit ko siya araw2 sa bike-to-work. 6mos ko n siyang gingamit at wala p kong pinapalitan n pwesa. Maganda din ung implementation ng internal cabling at brake niya kase rekta sa frame lalo n ung rear break kase nasa loob ng frame. ang nkikita ko lng n issue dito is mahirap mgshift sa FD lalo n kung crosschaining na ung gear m.. kadalasan un ung problema ng mga newbie.. at ung air shock niya hindi gaanong malaro or bouncy.. cguro dahil n din sa kabigatan ko.( para sakin advantage un kase more on road ako ngbibike). ang pinakaweak n part nito is ung airlock lalo n kung di tama ung paggamit. Pero in overall, maganda siyang bike.. wag m lng isasabak sa matinding trail dahil for sure mgpapalit k ng fork at bb.
salamat RollyThePogi sa pagshare ng review mo sa B700 mo. Wag ka na magcrosschain, masama yan hahah. Ride safe lang lagi, araw araw ka pala pumapadyak.
Pero sa light trails ok ba?
Review din po sana M166 🙂
Zion , meron na po tayo sa M116 https://www.unliahon.com/trinx-majestic-m116-m114-review/
Boss Ian. Pa-review naman ng Battle Bikes (540-D, 580-D, Bhama-800 Pro, Excellence-800) kapag may time ka. I’m planning to buy a MTB after the holidays. Sa porma at specs tingin ko sulit na sa price. Via lazada lang at wala daw silang physical store. Walang pang local review ako nakita pero ok nman ang feedback ng mga buyers. Need your expert opinion. Salamat and more power!
Dark Ace, sige gawan ko yan 🙂 Naka like na ako dati pa sa fb page ng Battle Bikes nung puro teaser pa lang pinopost nila, tignan ko nga ulit yan.
Hi Ian,
Can you make a article regarding our up and coming fun ride in Santa Maria Bulacan Titled SIkad para sa Kabataan 5. https://www.facebook.com/ljbikeshop/photos/gm.1712039235474258/1544394222270345/?type=3&theater
https://www.facebook.com/pg/ljbikeshop/photos/?tab=album&album_id=1540048236038277
Hi Eric, sure, no problem 🙂 my pleasure po.
Sir Ian pwede po ba ninyong i-review yung trnix x7? balak ko po kasing kumuha nun. salamat sir
sige jerald, gawan ko din yan.
salamat po sir Ian
Kuya Ian ano po mga colors ng TRINX BIG 7 700 2017?
Song, madami na kulay yung B700 na bago, Matt Black na may Red Black na prints, Matt Black na may Green Black prints, Matt Grey na may Orange Black prints, at Matt Blue na may Orange Blue prints.
Salamat po medyo nalilito po kasi ako sa pagkakablend ng colors ng orange and red sa mga pictures.
sir nalilito ako kung ano bibilin ko sa pasko. trinx x1 ba o b700? gusto ko yung 27.5er ni b700 gusto ko nmn yung kulay at 15” size ni x1.
joe, para sakin mas maganda yung x1, kung masusubukan mo makasakay ng 26er at 27.5 para makita ang diperensya, subukan mo pa din, hindi naman masama na 26er yung x1, maganda kasi yung fork, air na, mas mura pa, parehas lang sila ng parts na altus.
Sir puwede ba ninyong ereview yong RYDER FULLSUS HIGHJUMP 27.5 .bago lang po.sanay matulongan niyo ako.
Maraming salamat po sir God bless
sige herbert, isunod ko yan, dami ko din nakalineup na gagawan ng review
Sir pa request sana, pa review din po ung c290 ng trinx, gusto ko kasi bumili nung kung sakali, salamat..
oo albert, ginagawa ko na yun 🙂
Salamat, na basa ko na po.. malaking tulong..
tama lang po ba yung price na 13,500 dyan sa trinx b700 , may nakitaan po ako malapit dito samen…
thank you sa info
pwede po ba sa 5’8 ang Height niyan balak ko po kase bumili ng bike Q800 or XC3 big 9 or Eto salamat sa sagot
pwede yan jason. make sure size 16-17″
Sir kuha ko sa Big 7 ko 12,700 lang try niyo sa bisikleta manila may free back light pa. accomodating din ang mga staf nila. sa quiapo po sila
salamat sa tip, enjoy your ride and ride safe always.
Sir deneb san sa quipo po ung bisinleta manila?
Boss ano po ba mas mainam foxter ft 306 or itong b700
go with Foxter 306
Hi ian balak ko bumili ng trinx b7 tanu6g ko lng sna kun pde sya iupgrade sa 11 to 12 speed
pwedeng pwede
sir, ano mas ok bilin, trinx c290 o foxter evans 3.0, salamat po..
kung may budget for evans go for foxter evans
San po sa quaipo bilihan ng mga bike alam nyo po na kung saan po yung exact
Quezon Blvd, yung kahabaan na yun napakadaming bilihan ng bike doon.
Sir Ian ask ko lang po anu mas better nalilito kasi ako if b700 ba or q800 ang bibilhin ko nagustuhan ko kasi ang q800 dahil gusto ko ma try ang 29er pero mas maganda specs ni b700
Anu talaga ang advantage ng 29er sa 27.5 sir?
hindi naman ganun kagandahan specs ng b700, q800 is not a bad choice, 29er pa. i use 29er, medyo may advantage ng konti ang bigger wheel size sa padyakan. try mo magpagulong ng piso at limampiso na barya ng same force lang, mapapansin mo mas malayo itatakbo ng mas malaki 😀
Salamat sir sa tips
Share ko lang kakakuha ko lang ng B700. Doble butted nakalagay sa frame instead na tri-butted. At Shimano na yung Chainwheel instead na prowheel. Thnx
salamat sa pag share mo kapadyak, shimano crank pala nakalagay, mas ayos un
lakay Ian p review naman ng foxter vinson 6.0 and differents nito sa trinx B700 i terms of durability and specs alin ang mas maganda for long ride at off ride tnks
sure kapadyak
Sir Ian ano po ba na irerecommend mo sa akin na 27.5 na mtb 16k yung budget ko Salamat!
Sir wala ba talaga 27.5×18 na release itong b700? Wala kasi ako makitang shop na meron.. salamat
Saka pano sir malalaman kung tama ung size ng frame na binigay sa inyo? Thanks
may nakaprint lagi sa frame ng bike kung anong size nya, pwede mo icheck yun, kalimitan nasa seat tube.
sabi sa site ni trinx meron daw e, siguro limited lang yung nilabas kaya pahirapan na makahanap.
Pwede po bang pa review din ng 2018 sunpeed cheetah race 11 speed thank you po
ok noted on that
Gusto ko din po makita yung review mo ng sunpeed cheetah race 2018 sir ian. Mukhang maganda lahat ng specs nya. Gusto ko lang malaman mga downside ng bike na sunpeed cheetah race. TY po more power
malapit na mapublish kapadyak
Hello Ian. Naghahanap ako bike para s 12yo ko n anak. Pinagpipilian ko ay b700 at q800. Ang problema namin ay 5’5″ p lng cya at ng nagbike fit cya ng q800 tumatama balls nya s top tube. Definitely tanggal n s choices ang 29. Di p namin na try un b700. Malaki ba difference ng top tube ht ng 29(q800) vs(b700) 27.5?
12yo 5’5″ na? haha lalaki din agad yang anak nyo sir Joseph.
there will be a difference with the tt to ground height, i-try nyo na lang din sir yung b700, baka makakita pa kayo ng size 16 nun, it will be a perfect fit for your son. and hindi pa nya agad kakalakihan yung bike, it will last for more years or so sa kanya depende na din sa maintenance at alaga.
Sir ian, tanong ko lang po kung anong mas magandang crank, flint po ba ohh shimano para sa trinx b700
if i were you, go for a shimano crank na, especially kung afford yung hollowtech crank like Alivio crankset. if non-series crank lang din naman, the Prowheel flint is good na din naman compared to those. very minimal lang difference halos di mo rin naman ramdam.
Sir ian, ano lang po ba ang lamang ng x1 sa b700, at tsaka alloy po ba yung air shock ng b700?
check this post kapadyak
https://www.unliahon.com/trinx-x1-vs-trinx-big-7-700/
Sir ian salamat sa reviews kakakuha ko lang ng b700 ko naka shimano cranks nga cya add ko lang din triple butted tube frame po cya may sticker na nakalagay tsaka dagdag na rin para alam ng iba pa yung hand grip nya ay yung may stopper na
wow salamat sa pag-share nito, enjoy your ride kapadyak and ride safe
Tapered Ba To?
Sana tapered!
hindi ko din maconfirm kung tapered ba, hindi ko pa nakita ng personal kasi
Sir Ian, trinx B700 or foxter 6.0 vinson? Foxter 8.0 mckinley sana gusto kaso yung price konti nlng pang big name brands na..
mag b700 ka na lang. good buy yun.
Sir Ian, foxter 6.0 vinson or trinx B700? Maganda rin yung foxter 8.0 mckinley and foxter 7.0 elbrus pero ang price hindi na pang budget bike.
Sir Ian, may ma irerecomend po ba kayo na bike sa akin na hindi lalagpas ng 15k, yung specs niya is 29er, air shock, shimano altus 9s or 10s, shimano nonseries hydraulic brakes at naka shimano crank.
Trinx Q800 https://www.unliahon.com/trinx-q800-review/
29er
Altus parts
hydro brakes
kaso lang karaniwan sa mga Trinx bikes di pa naka shimano cranks
Sir Ian, may ma irerecommend ba kayo sa akin na bike na hindi lalagpas ng 15k, yung specs niya is 29er, air lockout shock, shimano altus 9s or 10s, shimano nonseries brakes at shimano crank.
Sir Ian, ano po bang mas mainam na cassette, 11-36t, 11-40t o kaya 11-42t?
kung kaya ng rd mo ang setup na 11-42t mas ok un para sa akin, the more the merrier ika nga. di ka na mauubusan ng pang ahon dyan
Sir Ian, ano po bang mas mainam na gamitin, 11-32t, 11-40t o kaya 11-42t na cassette?
Sir Ian, ano po bang mas mainam gamitin na rear sprockets, 11-36t ba o 11-42 po?
kung kaya ng rd ang 11-42t, mas ok un, pero maganda na din naman ang 11-36, ganyan gamit ko ngayon
sir Ian pa review nga ng cannondale bikes na hanggang 25k.salamat po
sige subukan ko gumawa ng review
Sir. Ian sa tingin nyo po ano pong mas sulit bilin ?etong b700 or Q500 tapos i uupgrade nlng po. ? Salamat .
kung anong mas trip mo 27.5 o 29er.
ok na yung b700 as stock pa lang. pero maganda din na choice yung q500 tapos iupgrade mo na lang paunti unti kung 29er ang mas prefer mo na mtb
Sir Ian, pa review naman po ng Cole Brontes Xc 27.5 mountain bike, hope hindi tataas yan ng 18k.thankyou!
ang alam ko, frame lang yun cole brontes, depende na yun sa pyesang ilalagay kung magiging magkano yung presyo niya.
Anong mas maganda? Trinx x1 or trinx m1287?
parang X1 pa din maganda e.
Sir Ian, 5.8 po height ko, pwede o kaya ko po ba yung b700 na 18″?
medyo malaki yun paps, size 16 lang dapat, sasakit katawan mo dun sa size 18 lalo na kung long rides, baka magkaproblema ka pa sa handling pag sa trails naman, delikado pa.
sakto bago ako bumili ng B700 na check ko d2 ung specs,
5’5” height ko, sakto ung 16 sakin. ang pinalitan ko pa lang d2 is ung handle bar and stem na mid high. masyado kc nakayuko ung stock.
salamat sa mga review para maunawaan ng madaming bike enthusiast kung ano ang kaibahan ng bawat bike.
more power sir ian.
nice one, enjoy your bike and ride safe always
AHM sir ano kaya ang magandang MTB NA NASA 15 TO 17K ANG BUDGET YUNG MAGANDA NA SPECS? MARAMING SALAMAT PO
Trinx B700 paps, pwede din yung Foxter Vinson 6.0 or yung Foxter Elbrus 7.0
Ano sir masa-suggest mo na upgrade na drivetrain? Okay lang ba yung Shimano IG-90 na chain dyan? Thanks
oo ok din yun, kung upgrade ng drivetrain, buong groupset na. hahaha
Pwede bang hydraulic break na deore ang gamitin dyan at baguhin ko yung casette na deore 11-36 10 speed at ang matira stock na? May balak magbigay kasi haha
pwedeng pwede kapadyak, nice na nice yan
Sir Ian, tanong ko lang po kung ano yung meaning na sinasabi nila tungkol sa hydraulic brakes na kailangang ipa bleed tapos yung 90% pads.ano po ba yung ibigsabihin ng dalawang yun?
kailangan ipa bleed kapad may hangin sa loob yung hydraulic system or kulang na sa oil.
90% pad naman sinasabi nila bilang estimate sa current state ng brake pads, 90% meaning 10% na ng brake pads ang naupod.
Paps pwede po pa review NG fox 7.0 yung Elbrus po
sige, gawan ko na din yan
hello po kuya nakapag basa napo ako dito po sa trinx big 700 pwede poba ung nasa 5 ung height ng tao???? uhhm. ung seapost nya pwede nmn i adjust dba? pwede na po ba to sa height na ganyan ask ko lang po bbli po kac ako ng mountain bike worth 14k-15k. sana po reply po agad andgagamitin kopo toh sa summer ako lang po kac ung naka lavander na bike na nakakarating ng malalayong place like tarlac to nueva ecija hihi. thanks po pala sa review mas trusted kopo ung site na ito kaysa sa iba dahil sa fast reply nyo po!:)
5.2 po pla height kopo ok napo ba ung 16″?
pwede basta small size yung frame, wag yung medium.
pwede mo yan i-adjust sa seatpost at sa stem.
kung sanay ka na naman mag bike wala ng issue sayo yan kasi alam mo na pano tamang pag baba sa bike.
Kuya saan sa manila ang may pinaka murang nagbebenta ng B700
sa bicycleworld sa cartimar pasay, 13k nakita ko na benta nila
Anong pangalan ng shop na yun
saan po yung bike shop na may benta ng Trinx B700? salamat po and Godbless!
Kuya saan ang may benta nitong trinx b700 na pinakamura
kay stan13 na yata sa cartimar, 13k
Hi sir. Ok na ba 16 na frame para sa 5.10 height? O kailangan po ba 17 o 18 inch? Also, meron bang parang trinx q500 pero 27.5 yung wheels? Mahal kc ng b700…
ok lang yan, no worries kung mag 1 size smaller ka. even ako, naka size 15 ako at 5’8″ na height, no issues. wala pa yung mga budget na 27.5 ni Trinx na nakainternal cabling e, iba yung frames ng mga 27.5 ngayon ni Trinx kumpara sa porma ng frame ng q500
Ok. Ano sir masuggest mo na trinx 27.5 na lower budget sa b700? Kahit hindi na internal. Also, pansin ko iba yung frame ng lumang b700 sa bago na nkapost sa ljbikes. Parang mas curved sya. Ano mas matibay?
Sir baka pwede kayo gumawa ng review ng trinx tiger t106 fatbike.
tibay, wala ako maicomment dyan kasi hindi ko pa naman nasubukan na sukatin yung tibay.
kung lower budget sa b700, check mo yung evans 3.0 or lincoln 4.0 ng foxter.
Boss yung cogs po nung b700 11*32, sabi nyo po mas maganda king 11*34, pwede din po ba yung pang alivio na cogs na 9speed din tapos 11*36? Ok lang po ba yun?
mas maganda yan 11-36t na alivio, ganyan gamit ko na setup hanggang ngayon
pede po paliatan ung cogs nito ng sagmit na 9speed na 11-40t na cogs diba??
pwede
Paps ano po ba mas maganda BASE po sa specs Nya niner air 9 po or Santa Cruz chameleon? Salamat po in advance.
pareho lang yan maganda
Hi Sir, baguhan palang po and planning on?getting my first bike, okay po ba ang trinx d700? And since 5’5 ako small frame na 27.5 na tire size ang kukuhanin ko, klasada ko po sya gagamitin madalas more in casual biming and for fitness, ok po ba orbdapat 29er ang kuhanin ko na tire size?
baka makatulong sayo ang video na ito
https://www.youtube.com/watch?v=fHHpNn1Tf0k
sulit pa ba bilin to sir Ian? balak ko bumili sa tuesday e, galing ako Nueva Ecija punta pa ako ng Bulacan sa LJ Bike Center dun lang ako naka kita ng stock netong b700. worth it pa din ba? Tsaka good na din ba yung Altus neto? kahit di na muna palitan? salamat sa sagot.
oo, ayos na ayos yan, palitan mo na lang ng buong groupset kapag nagka budget ka
Sir Ian, gusto ko itong B700 pero puro 16″ frame ang nakikita kong available. Ppwede ba sakin yun na 5″10 nag height?
Please reply bibili na po ako.
pwede yan, palit ka na lang ng stem kung sa tingin mo masyado maiksi para sayo
Sir, Foxter Harvard 5.0 or Trinx B700?
trinx b700 mas gusto ko
Ok pa rin po ba yung old model nito na nka suntour xcm na fork?
kung bibili ka palang dun ka na sa newer model
Sir nabasa Kopo review nyo sa foxter Lincoln 4.0 Sabi nyo po doon di kayo sure king my iba pang sizes bukod sa 17.tanong ko Lang po kung abot Kopo yung size 17 and 5’7 po height ko balak ko po kasi bumili
swak yan sayo paps
Sir, ask lang po.. medyo nalilito po ako kung ano bibilhin ko.. Giant talon 3 2018 or Trinx B700.. First Time ko po kasing bibili ng MTB.. Salamat po
mag Talon 3 ka na kung may budget ka para don, sobra laki ng price difference ng dalawang yan
Bought this 2nd hand B700 last monday… i dont know if this is enough for the price.
upgraded crank, hollowtech Alivio, at XCM 100 for the shock, unit is clean at medyo brand new ang condition, with freebies stand, head gear, air pump at bag. bought it for 11k.
maxxis tire and la bici stem, handle grip mountain peak
sobrang sulit
Sir ian ask ko lang po kung eto po ba yung new model? Kumbaga 2018 model o hindi. At saan po kaya available pa to mabili?
hindi na ito lalabas sa 2018 model ni Trinx
Saan pa kaya pwedeng mabili ito sir ian? Ang tagal ko na kasing nag hahanap. Ang choice ko lang kasi trinx x1 at b700. Ang gusto ko sa b700 kasi mas malaki wheels size niya. Height ko 5’6. Any suggestion sir ian?
mahirap na makabili nito kasi iphase out na ito. papalitan na ng x1 na elite o yung 27.5 na version ng x1
Wala pa bang lumalabas na 27.5 version ng x1 sir ian?
malapit na lumabas, nakita ko na ng personal.
sir ian may rebound adjster po ba ang fork nitong b700? maraming salamat po
di ko lang sure, di ko natignan maiigi
sir, advisable pa rin ba na bumili ng b700 ngayon or wait ng bagong model ng trinx. since early 2017 pa siya narelease?
wait ng bagong model mas maganda
Sir bukod po sa trinx big 7 700 ano pa po recommended nyo po na mtb under 15k at ang size po NG gulong e 26 or 27.5
trinx x1. pero wait mo yung new models na 2018 release
sir ian ano po ba mas preferred nyo keysto elite 29ers or trinx b700 ? par po sanfirst bike ko hanap ko po 29ers pero nagdadalawang isip ako dahil magand specs ng b700 thanks po
go for 29er para sa akin, medyo may lamang na kasi kung 29er. maganda din naman yang keysto dahil Trinx factory din may gawa nyan
sir ian keysto elite 29ers or trinx b700 for a first bike? hanap ko po 29ers pero naggandahn ako sa airfork at pyesa ng b700 ano po ba mas maganda? bago lang po sa pagbabike
Sir Ian magkano po kaya magagastos ko pag bumili po ako NG deore upgrade kit po balak ko din po mag 1×10 setup. Sana po masagot nyo thank you in advance
#respect
hindi ko lang kabisado ang pricing, para magka idea ka, subukan mo i-search sa facebook para makita mo kung magkano binebenta ito ng mga sellers, estimate mo dito mas mura mo mabibili yun kung sa Quiapo o Pasay mo bibilihin.
Kabibili ko lang nito sa Bicycle World/Stan13bike at sulit na sulit bili ko kasi lahat ng specs ng bike is totoo at ang nakuha kong crank is Shimano kaya oks na oks. Last stock pa yung nakuha ko. Swerte ko talaga. Wala akong pagsisisi sa bike na to promise. Sagmit Cogs na lang i uupgrade ko dito na 9 speed 10-50t .
Sir ian gawa ka naman po ng Review about sa budget frames, kahit top 3 or 5 buget frames, laking tulong Yun para sa mga nagbabalak mag palit Ng batalya 😉
mahirap kasi gawan ng review yan, di ko pa naman kasi nasusubukan ung frame kaya di ko din masasabi kung kamusta i ride at kung matibay ba. siguro list lang, pwede na, balak ko din gumawa nyan kaso di natin maituturing na review
Sir, sa lahat ng nabasa ko na nireview mo, eto ang isa sa da best na bike na nagustuhan ko, begginer palang ako at plano bibili, sakto sa budget price range meron ako. sana nga lang meron available dto sa davao.