Trinx C700


Ang Trinx C-series ay mga 27.5 na Trinx MTB.

Sa post na ito, susubukan natin tignan ang mga pyesa nitong Trinx C700. Matagal tagal na din kasi itong nai-request sa akin.

Nung una kong malaman itong Trinx C-series, dun pa lang sa Trinx C200 na model, sabi ko parang mahal naman yata e 27.5 lang naman ang kinaiba kumpara sa Trinx M136 na 26er at 7-speed din.

Mahal pa kasi dati yung Trinx C200 e, nasa 9k din o mahigit pa, kaya hindi ako masyado nagkainteres dito sa C-series ng Trinx.

Pero ngayon, mas nagmura na yata ito, para mas makasabay na. Tignan muna natin yung mga specs nitong Trinx C700, tapos saka natin bigyan ng verdict kung maganda nga ba itong bilihin para sa presyo niya.

Trinx C700 Specs

  • Frame : 27.5″*16″/18″ Alloy Smooth Welding

Alloy na yung frame nitong Trinx C700. May choices ka din sa sizes kung 16 o 18 ang kailangan mo na frame size depende sa height mo. Smooth welding din yung pagkakabuo sa batalya. Hindi nga lang naka-internal cabling itong frame ng Trinx C700.

via LJ Bike Shop

  • Fork : Trinx Alloy Hydraulic Lock-Out Travel:100mm

Sa fork naman, rebranded Trinx fork lang na may lock-out. Wala masyadong espesyal sa fork na ito, common ito na stock fork ng mga budget bikes ni Trinx. Sa experiences namin, may tendency ito na tumigas sa katagalan lalo kung hindi mo naiingatan, mabigat din kasi coil-spring fork pa din siya. Pero may lock-out na kaya mas okay naman ito kumpara sa ibang mga stock fork na wala pang lock-out. Nagagamit kasi yung lock-out kapag gusto mo patayin yung laro ng suspension lalo kung umaahon ka sa magandang kalsada.

via LJ Bike Shop

  • Shifter : Shimano Altus SL-M370
  • Fd : Shimano Altus FD-M370
  • Rd : Shimano Altus RD-M370

via LJ Bike Shop

Shimano Altus naman yung shifter, fd, at rd nitong Trinx C700. Medyo upgraded ng konti sa Shimano Tourney. Mas maganda ang performance nito syempre. 3×9 speed na din ang drivetrain nitong C700.

via LJ Bike Shop

  • Cassette : CS-M2009 11-32T
  • Chain : C9GY/GY Hi-Ten Steel

11-32T ang cassette nitong C700. Cassette type na din. Maganda kasi 32T na yung biggest cog kumpara kung 30T lang. Laking tulong na din kasi yun para may maibababa ka pa pag masyado na tumatarik yung mga ahon.


via LJ Bike Shop

  • Brake : Shimano M315 Hydraulic Disc

Shimano non-series hydraulic ang disc brakes nitong Trinx C700. Maganda yun kesa ibang brand ng mga mumurahing hydraulic disc brake na makikita natin sa ibang mas murang Trinx mountain bikes. Okay din naman kasi ang performance nitong non-series hydraulic brakes ng Shimano. Maasahan din ang quality at madali pa i-service.

via LJ Bike Shop

  • Wheel Set : Weinmann Alloy Double Wall
  • Tyre : CST 27.5″*1.95″ 27TPI
  • Hub : Novatec Alloy Sealed Bearing

Alloy na double wall yung rim na nasa wheelset nitong C700. Common na yun sa mga binebentang MTB na alloy rims, pero yung iba hindi pa double wall. Mas maganda kasi yung double wall na alloy dahil bukod sa mas magaan ito, mas matibay din pa ito kumpara sa single wall.

CST yung brand ng tires na nakalagay, 1.95″ ang lapad. Basic MTB tires ito ni Trinx. Ito ang madalas mo makikita. Hindi pang wet at loose trail pero kaya din naman mag dry trails at off roads nitong tires na ito. Pero swabe ito pang long ride sa mga sementadong kalsada, kaya lang basic tire lang ito, wala pang puncture resistance at wired din. Hindi mo naman mairereklamo dahil budget bike lang naman siya.

Yung hubs naman, Novatec brand. Magandang brand na din yun ng hubs. Panigurado na cassette type na ito. Nakasealed bearing na at quick release na pareho sa harap at sa likod. Bolt type din ang kabitan ng rotors nito.

via LJ Bike Shop

  • Chainwheel : Prowheel 22/32/44T*170L

Yung crank pala, Prowheel ang brand. 44T din yung pinakamalaking plato. Lamang na agad yun sa rektahan. Basic lang din na Prowheel crank, pero mukhang mas maganda naman kumpara sa crank na nakikita ko sa ibang lineup ng Trinx MTB gaya ng Trinx M500. Mukhang mas magaan kasi, base sa construction nya, at panigurado na alloy na din naman yung crank arm nito.

  • Pedal : Trinx Alloy
  • Saddle : Trinx Sport
  • Handlebar : Trinx Alloy Small Rise

Sa ibang mga pyesa, matino naman. Alloy na din yung handlebar at may konting rise. Dahil sa rise na ito, mas nagiging mas kumportable ang ride. Mas upright kasi ang position mo kapag naka riser bar ka.

Alloy na yung pedals, maganda din yung saddle. Pwede na yung seatpost, mukhang alloy na din naman yun.

Trinx C700 Price

via LJ Bike Shop

Ang pinakamurang price na nakita ko sa Trinx C700 ay P11,500.

Verdict

Nung una, akala ko panget itong Trinx C700. Pero maganda na din naman pala. Kung ang budget mo hanggang sa P11,500 lang, hindi na din masamang choice itong Trinx C700.

Ang mga nagustuhan ko dito sa Trinx C700 ay:

  • naka hydraulic disc brakes na, Shimano pa
  • Shimano Altus ang shifter, fd, at rd
  • 3×9 speed na
  • Novatec na cassette type na yung hubs

Ang hindi ko naman nagustuhan dito ay:

  • hindi pa naka-internal cabling yung frame

Pero kung ang budget mo ay may itataas pa, may iba ka pang choice na 27.5 na MTB from Trinx. Baka mai-consider mo yung Trinx B700, mas maganda ang batalya at pyesa non, pero mas mataas nga lang ang presyo nya syempre.

Para sa mga may 10k budget, isa ito sa mga pwede niyo i-consider na budget MTB. Konti na lang naman ang idadagdag nyo dito mula sa budget na 10k. Dati, hindi ka makakahanap ng MTB na may ganitong specs sa ganitong price tag.


  • 21
  •  
  •  
  •  
    21
    Shares
    1. RollyThePogi February 12, 2018
      • Ian Albert February 12, 2018
    2. Budoys February 22, 2018
      • Ian Albert February 24, 2018

    Add Your Comment