Medyo mas upgraded itong Trinx Majestic M600 kumpara sa Trinx M500.
Trinx M600 Specs
FRAME
- FRAME:ย 46″*15″/17″ Alloy Special-Shaped Tubes
- FORK:ย Trinx Hydraulic Steel Suspension, Travel: 100mm
Size 26 pa din ang gulong nitong M600. Yung geometry at tubings parehas lang sa lahat ng Majestic lineup. Alloy at may choices pa din sa size ng frame na 15 at 17.
Yung fork ay generic Trinx steel fork lang din pero may suspension at lock-out na din.
COMPONENTS
- PEDAL:ย Trinx Sport
- SADDLE:ย Trinx Sport
- HANDLEBAR:ย Trinx Flat
DRIVETRAIN
- SHIFTER:ย Shimano Altus SL-M310
- FD:ย FD-M20
- RD:ย Shimano RD-TY300
- CHAIN:ย Kmc
- BRAKE:ย Hydraulic Disc
Dahil naka hydraulic disc brakes na ang Trinx M600, hindi na combo-shifters ang nakakabit dito. Shimano Altus na ang 3×8 shifters, mas maganda ang shifting nitong Altus kumpara sa non-series combo-shifter na stock sa mga modelo na M136 at M500.
Yung FD ay microshift brand, mas maganda sana kung ginawang Shimano na din. Yung RD naman ay Shimano Tourney.
Hindi ko sigurado kung ano ang hydraulic brakes na nakalagay dito sa M600. Kung non-series Shimano hydraulic brakes ito o yung Zoom hydraulic brakes. Gayunpaman, mas maganda pa din ang braking performance ng hydraulic brake kesa sa mechanical.
WHEELS
- CASSETTE:ย Hi-Ten Steel 13-32T
- RIM: Alloy Double Wall
- TYRE:ย CST 26″*1.95″ 27TPI
- CHAINWHEEL:ย Prowheel 22/32/42T*170L
- HUB:ย Sealed Bearing
13-32t ang sprocket na nakakabit sa M600. 1.95 na CST Jack Rabbit tire ang gulong, common ito sa Majestic series. Prowheel yung crank, alloy na yung arm nito.
Ayon sa website ng Trinx, sealed bearing yung hubs ng bike na ito pero hindi ko alam kung cassette type na ba o thread type pa din. Kasi kung magbabalak ka magupgrade at magpalit ng sprocket, mas maganda kung cassette type na yung hubs para hindi mo na kailangan palitan.
Available ang Trinx M600 sa mga kulay na:ย Matt Black/Grey Red๏ผMatt Black/Grey Blue๏ผMatt Black/Grey Green๏ผGrey/Orange๏ผGreen/Black Grey๏ผWhite/Black Red.
Trinx M600 Price
Ang nakikita kong presyo ng Trinx M600 ay nasa P9000 o higit pa. Kung hydraulic brakes lang naman ang kinaibahan nitong M600 sa M500, parang mas maganda pa na bumili na lang ng Trinx M500 at iupgrade ito sa hydraulic brakes at palitan yung shifters.
Leave a Reply