Trinx Climber 1.0 and Trinx Climber 2.0 – Cyclocross

by

in

Trinx Cyclocross Bikes

Medyo niche kasi itong cyclocross na bikes. Pansin ko dito, mga galing sa MTB ang naghahanap nito dahil andito yung parang middle line ng mountain bike at road bike. Mga mountain biker na nagsawa na sa trails at gusto naman sa road pero nasanay na sa comfort ng wide tires at sa braking ng disc. Gusto naman naka dropbar, tulad ng mga naka road bike.

Si Trinx Bikes, meron din sila na cyclocross bikes. Trinx Climber 1.0 at Trinx Climber 2.0

Sa post na ito, susubukan natin gumawa ng review nitong dalawang Trinx Cyclocross bikes na ito base sa specs nila.

Trinx Climber 1.0 Review

Nasa P11,400 ang SRP na nakita ko dito sa Trinx Climber 1.0

Ito ang modelo sa dalawa na mas mura at may mas mababang pyesa.

Heto ang specs ng Trinx Climber 1.0:

  • Color : Matt Black/Orange Blue;Matt Grey/Green White;Orange/Grey Yellow;Green/Grey Yellow
  • Frame : 700C*480mm/520mm Alloy Smooth Welding
  • Fork : Trinx Alloy Road
  • Shifter : Shimano ST-A070
  • FD : Shimano FD-A070
  • RD : Shimano RD-A070
  • Cassette : Shimano MF-TZ21 14-28T
  • Chain : Hi-Ten Steel
  • Brake : Alloy Mechanical Disc
  • Wheel Set : HJC Alloy Double Wall
  • Tyre : Cst 700*35C 27Tpi
  • Chainwheel : Prowheel 34/50T*170L
  • Hub : Alloy
  • Pedal : Wellgo Alloy
  • Saddle : Trinx Sport
  • Handlebar : Trinx Alloy Road
via coolstuff168ph

Alloy na yung frame ng Trinx Climber 1.0 cyclocross. May sizes ka na mapagpipilian, size 48 at size 52. 700c yung wheel size, smooth-weld yung frame, at madami din kulay na mapagpipilian.

Yung fork naman, rigid fork na alloy na din.

via coolstuff168ph

Shimano A070 yung mga pyesa nitong Trinx Climber 1.0

via coolstuff168ph

Yung Shifter ay Tourney A070, STI na din ito. 2×7 speed.

via coolstuff168ph

Yung crank ay road setup na compact, 50/34T yung size ng plato. Prowheel brand, at mukha namang alloy na yung crank arms. 14-28T nga lang yung cassette. Medyo mababa sa high at mababa din sa low. Kung ako sa lakas ko lang, baka mabigatan ako i-ahon ito. Hindi ko sure kung cassette type na ba ang sprocket nito, ganun din sa hubs, baka kasi threaded type pa.

via coolstuff168ph

Naka disc brake na itong Climber 1.0. Mechanical disc nga lang. Hindi kasi basta basta nakakapag hydraulic brakes kapag pang road na STI ang gamit. Tektro ang brand ng disc brake calipers.

via coolstuff168ph

Alloy at double wall na yung rims. 700x35c ang size ng tires na nakalagay dito. Karaniwan sa mga CX bikes, ito ang madalas na size ng tires. Hindi mukhang sobrang knobby yung stock tires, kaya sa tingin ko swak ito pang comfortable na road riding.

via coolstuff168ph

Overall porma, okay na okay. Maganda yung handlebar, shallow bend. Okay din yung saddle at seatpost, pati na din yung alloy pedals na Wellgo brand pa.

Trinx Climber 2.0 Review

Nasa P20000 naman ang price na nakikita ko dito sa Trinx Climber 2.0

Medyo malaki na din yung price difference nya sa Trinx Climber 1.0

Mas maganda naman kasi ang mga pyesa nitong Climber 2.0

Sulit ba yung upgrade sa Climber 2.0? Malalaman natin pag nasuri natin yung specs. Heto ang specs ng Trinx Climber 2.0:

  • Color : Matt Grey/Black White;Matt Blue/Blue Green;Red/White Yellow;Blue/White Green
  • Frame : 700C*480mm/520mm Alloy Smooth Welding
  • Fork : Trinx Alloy Road
  • Shifter : Shimano Sora ST-R3000
  • Fd : Shimano Sora FD-R3000
  • Rd : Shimano Sora RD-R3000
  • Cassette : Shimano CS-HG50-9 11-30T
  • Chain : KMC Z99
  • Brake : Shimano R317 Alloy Road Disc
  • Wheel Set : HJC Alloy Double Wall
  • Tyre : Maxxis 700*33C 60Tpi
  • Chainwheel : Shimano Sora FC-3550 34/46T*170L
  • Hub : Novatec Alloy Sealed Bearing
  • Pedal : Wellgo Alloy
  • Saddle : Supra Sport
  • Handlebar : Trinx Alloy Road

Madami din ibang kulay na mapagpipilian dito sa Trinx Climber 2.0

Alloy na yung frame, at may sizes din na 48 at 52. Internal cabling, smooth-weld at 700c wheels din ang kasya.

via LJ Bike Shop

Yung fork, alloy din na rigid.

Hindi ko sure kung may pinagkaiba pa ba sa frameset itong Climber 1.0 at 2.0, parang pareho lang kasi. Kung ganun edi sa mga pyesa lang talaga sila nagkaiba. Ituloy natin.

via LJ Bike Shop

Shimano SORA na ang mga pyesa nitong Climber 2.0. Nakakagulat dahil latest na SORA (R3000) ang nakalagay dito sa Climber 2.0. Maganda na yun, presyo ng road groupset na latest SORA pumapalo ng 10k e.

via LJ Bike Shop

SORA STI na internal cabling, at SORA din yung FD at RD. Mas maganda yung STI nito kumpara sa Tourney na STI. 2×11 ang gearing, at mas madali kumambyo dahil tapik-tapik lang sa brake levers para makapaglipat ng gear. Ganito na kasi ang setup sa mas mataas pa na groupset ng road bikes.

via LJ Bike Shop

Yung cogs naman, 9-speed at 11-30T yung range. Medyo mas high yung high gear niya kumpara sa 1.0 at mas magaan din yung low gear.

Sa crank naman, naka SORA na din. Nakakapanibago sa Trinx ito. Hindi tinipid na Prowheel lang ang ilagay na crank. Syempre mas maganda ito dahil Shimano crank na ito. 46/34T naman ang size ng plato ng crankset na ito. Mas mababa yung bigger chainring kumpara sa 50T ng Climber 1.0 pero para sa akin mas madali itong bilugin ng pidal.

via LJ Bike Shop

Update: 46/34T yung chainring size na nakalagay sa site ni Trinx pero nakikita ko sa iba, naka compact na 50/34T yung SORA crank na nakalagay sa binebenta nilang Climber 2.0. Baka mali lang yung sa site ng Trinx.

Shimano na din yung brand ng disc brake calipers dito sa Climber 2.0. SORA din pala yun na road disc talaga.

Sa wheelset naman, alloy na double wall din yung rims, same lang. Pero sa tires, Maxxis brand na 700x33c naman yung nakalagay. Mas mahal kesa sa CST syempre kasi Maxxis na, 33c lang yung lapad pero mukhang knobby yung tire profile kaya swak din ipang offroad. Novatec hubs naman yung hubs, at sure ka na na cassette type hubs na ito.

via LJ Bike Shop

Sa ibang components like drop bar, stem, seatpost, saddle at pedal, parang same lang sila ng 1.0

Overall, para sa akin, bukod sa porma maganda din ang mga pyesa.

Trinx Climber 1.0 vs Trinx Climber 2.0

Ano ba mas maganda na bilihin, Trinx Climber 1.0 o Climber 2.0?

Kung ako ang papapiliin sa dalawa, dun ka na sa Trinx Climber 2.0. Maganda na kasi ang mga pyesa. Wala ka ng papalitan dito. Kung ito ang bike mo, malamang ang palitan mo na lang dito ay pedal (pag gusto mo mag cleats pedal), gulong (pag gusto mo mag iba ng gulong), bartape (syempre porma at para bago na din pag naluma).

Pero kung ang budget mo ay pang Climber 1.0 lang, hindi na din masamang choice. Pwede mo pa din naman itong i-upgrade na kapantay o higit pa sa mga pyesa na meron ang Climber 2.0. Kaya lang sa tingin ko, kapag bumili ka ng Trinx Climber 1.0 at naisipan mo ito iupgrade para maging kapareho ng sa Climber 2.0, mas mapapalaki ang gastos mo. Groupset, brake calipers, at hubs ang kailangan mo bilihin kasi.

Hindi pa ako nakasubok sumakay sa Trinx Climber CX bikes, pero meron din akong cyclocross na bike. Steel frameset nga lang yun, pero enjoy pa din naman ako kahit medyo may kabigatan. Itong Climber ni Trinx ay alloy frameset kaya sa tingin ko mas magaan ito dalhin, lalo na sa ahon.

Masarap din ang naka CX kasi mabilis siya dalhin sa kalsada, kumportable pa i-ride dahil mas malapad ang gulong kaysa sa road bike. Hindi ka masyadong kabado sa mga lubak at off roads.


Comments

65 responses to “Trinx Climber 1.0 and Trinx Climber 2.0 – Cyclocross”

  1. Joe ibardolasa Avatar
    Joe ibardolasa

    hi sir sana mag feature din kayo ng mga bike ng mga kasamahan natin sa fb group thanks. i would personally feature my bike para makatulong sa mga ibang mga biker naten 🙂

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      email mo lang sa akin ang pics ng bike mo at lagay mo din specs and konting kwento about it, nagpopost talaga ako dito ng bike setup ng iba kapag may mag share lang sa akin 🙂

      1. Sir Ian, ang mga CX types ba is pwede din gamitin sa mga light trail? or exclusive lang din sya na pang road bike? newbie kasi ako and more on casual biking at fitness and exercise ko lang gagamitin yun bike, tingin nyo, MTB or CX bike ang bagay sakin?

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          pwedeng pwede din sya sa light trails, yun ang kagandahan nya kumpara sa road bike, pwede sya kahit sa off road na hindi na kayang padyakan ng road bike

      2. Jan Elmiro Avatar
        Jan Elmiro

        Saan po makakabili ng trinx climber 1.0 d2 sa bulacan?

      3. Jan Elmiro Avatar
        Jan Elmiro

        Saan po makakabili Ng trinx climber 1.0 d2 sa bulacan

      4. Sir naka trinx climber 1.0 po ako. Anong size po ng gulong pede ilagay? Kailangan pa po ba mag palit ng rim pag nag palit gulong?

  2. makuvinzrara Avatar
    makuvinzrara

    anu po weight difference ng climber 1.0 at 2.0?

    1. Sean Eddriane Avatar
      Sean Eddriane

      Up!

  3. Ernie Andrew Avatar
    Ernie Andrew

    naka climber 1.0 po ako, gusto ko magpalit nang shimano 105. anu pa po kaya kelangan ko bilhin bukod dun sa mismong groupset?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      yun lang paps, yung groupset na lang talaga.

  4. Hi Ian, among the brands for cx bikes, sa tingin mo itong trinx climber 1.0 520mm na ang pinakamaganda sa price range niya?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      para sa akin oo, tapos iupgrade na lang kung magka budget na para sa mas magandang groupset.

      1. Much appreciated tol! (kukuha na ko asap)
        Sobrang laking bagay ng mga reviews mo, salamat!

  5. marlon ilao Avatar
    marlon ilao

    San mabibili ang trinx climber 1.0 dito sa pilipinas sir?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      coolstuff ko nakita yan

  6. voyager r7005 naman yung sa lj bike shop

  7. Pwede ba itong setup na ito? O baka magka-isyu?
    Change to straight handlebar
    Change to Alivio 2018 groupset (including hubs and brakes)

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede yan, no issue

  8. Chester Dojoles Avatar
    Chester Dojoles

    Yung nakalagay sa website ng LJ Bikeshop naka Sora 3500 na lang yung Climber 2.0, when mo na kuha yung pics brad? or pinapaubos lang old stock.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sa coolstuff galing ang pics na to

  9. Jan Elmiro Avatar
    Jan Elmiro

    Saan po makakabili Ng trinx climber 1.0 d2 sa bulacan?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      subukan nyo sa LJ Bikes kung meron pa.

  10. Gerald Avatar
    Gerald

    Pre gawa ka ng top 5 video about CX bikes sa youtube channel mo. Suggestion lang hehe

  11. popong Avatar
    popong

    sir? available size nito dalawa lang ba? 48 at 52? pwede naba yun sa 5’3-5’4 na height?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede siguro sayo yung 48

  12. Julius Avatar
    Julius

    Good day po,
    Ano po total weight ng 1.0 and 2.0

    Salamat po,

  13. Iisa lang ata ang sukat ng frame nito, 48 seat, tube 52 top tube. Hindi 48 at 52 na different frame size.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ahh yun pala yun

  14. coco martin garrix Avatar
    coco martin garrix

    bukod sa trinx, ano pang brand na cx bike ang pangbudget cx bike? yung budget type, leisure lang gagamitin kasi 🙂

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wala ka na iba mahahanap na built bike na cx na low budget ang price
      wala na din kasi itong trinx climber series
      pwede siguro yung MOB CX pero ikaw pa din magbubuild ng parts kaya nakadepende pa din sayo kung magkano aabutin nung bike
      meron kasi dyan Republic Diablo Cyclocross, hindi ko lang sure kung ok ba yung frame at parts

  15. Tanong lang sir Ian pwede kayang lagyan ng suntour xcr yun trinx climber 1.0 o rigid frok lang pedeng ipalit dun?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede yun, magkakasya naman sa head tube, pero hindi naman kasi for trails ang bike na yan

  16. Eliazar Calanoc Avatar
    Eliazar Calanoc

    sir ian wala na po ba i release na CX bike ang trinx for 2019?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi ko din alam e

  17. Sir Ian. Magkaka review ba kayo ng Trinx Tempo 1.1?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pag nagkaroon ng access

      1. meron ako sir
        trinx tempo 1.1

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          kamusta naman? share mo samin experience mo sa bike na yan

          1. upgrade vesion siya ng Tempo 1.0
            naka disc brake na
            ngayon kasi naka sensah na shifter ako
            puwudi ko ba ipm sir ian sa fb ang pic, at yung details?

          2. Ian Albert Avatar
            Ian Albert

            ipost mo bro sa group natin

  18. Sir ian, kasya kaya yung 45c na tire? Anu sa tigin nyo? Balak ko kasi e set up for grabel bike ito. Or my ibang bike ka na ma e recommend.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      hindi ko nasubukan e, pero kung gusto mo mas wide na tires, subukan mo yung 650b na wheel setup

  19. Sir ian, kakasya kaya yung 45c tire? Balak ko kasi gawing gravel bike na set up. O may ibang bike ka na ma e recommend?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wag na trinx climber ang hanapin mo dahil mahihirapan ka lang maghanap kasi phase out na, wait mo na lang yung updated version ng MOB CX frame set, tapos yun na lang ang i-build mo, tingin ko kasya dun ang 45c na tires

  20. Sir meron ako trinx na MTB puro lang road ride namin ng mga kaibingan ko. Pag mag papalit ba ako ng gulong na pang Cyclocross papalitan ko rin po ba ang Rims ko or gulong nalang? At ano po yung size? 27.5 na mtb po gamit ko

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pang 29er na rims kasi ang ginagamit para sa mga pang cyclocross na tires tulad ng 700x35c tires, kaya need mo magpalit ng spokes, rims, na pang 29er para makagamit ka ng 700x35c cx tires

  21. Boss Ian, may insights ka ba kung bakit di na naglabas ng bagong cyclocross ang Trinx?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      siguro mababa ang benta dati, kulang sa marketing

  22. Dhave Josh David Avatar
    Dhave Josh David

    Magkakaroon pa ba kaya ulit itong 2019 ng Trinx Climber Series?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ewan ko nga e, gusto ko nga sana ipropose sa trinx na ibalik nila

  23. Sir saan po ba nakakabili ng trinx climber 2.0..pa tulong nmn kung may alam po kayo..sa provice pa po kac ako.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wala pa yan, pero magkakaroon na ulit nyan, antay na lang natin madeliver sa mga bike shops

  24. Pde n ba to paps 5′ 10″ height (size 52)?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede

  25. maike reyes Avatar
    maike reyes

    ano kukunin ko?

    starter ako sa RB..

    yung minimal upgrades lang sana.. Sora or Claris (full GS) na RB.. ano mas ok?

    trinx? Aeroic? Sunpeed? atomic..

    in general.. ano dito bibiling ko.. lets say 15k budget..

    thanks in advance

  26. Kahlil Avatar
    Kahlil

    Boss Ian sana mapropse po ninyo sa trinx na maglabas sila ng specific model na gravel bike. Nabasa ko po kasi na masmalaki po ang wheel clearance ng gravel bike compared sa cyclocross bike.

  27. Sir ask ko lang po, parang yung mga nilabas ngayun na trinx climber e hindi na same tulad nung nilabas nung last year, sa tingin ko ksi parang mas ok ung model nila last year kesa sa nilabas nila ngayun, parang ordinary road bike na lang na naka disc brake ung mga bago model nila.

  28. Pepito Cabalu Avatar
    Pepito Cabalu

    Kailan daw magkakaroon ng stock trinx climber 1.0

  29. hi sir anong dapat na frame size para sa akin sa CX bike? 5’6” ang height ko. salamat.

  30. sir Ian ano anong color ways available ngayon ng trinx climber 2.0? my mga picture ka ng mga ito? and ano ang mas ok yung ilalabas na climber 1.1 202p or climber 2.0?

  31. Raphael Marco Avatar
    Raphael Marco

    Sir Ian may, may bago po ako rb yung trinx climber 1.0. Bago rin po ako sa biking industry po. Pwde ko po ba palitan yung wheel rims po nito sa carbon fiber na ROVAL CLX64

  32. Nathan Avatar
    Nathan

    Sir Ian, legit po ba yung shimano sora groupset ng climber 2.0??

  33. ralph eleco Avatar
    ralph eleco

    hi sir ian kakabili ko lang ng climber 1.0 and hindi pala alloy ung fork nya high tensteel pala
    and ask ko lang pwede kaya ragusa xm800 na hubs ipalit ko?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *