Trinx X6 Review

by

in

Kumpara sa Trinx X1, mas mataas ang presyo nitong X6 at ang main selling point nito ay Shimano Alivio na ang pyesa. Medyo maliit lang din ang diperensya sa presyo ng X1, nasa P14900 ang SRP nitong Trinx X6.

Ito nga yata yung inalok sa amin noon nung naghahanap kami ng may Alivio na grupo na MTB, pero hindi namin kinagat dahil nga hindi naman straight na Alivio ang pyesa na nakasalpak dito.

Trinx X6 Specs

FRAME

  • FRAME: 26″*15″/17″ Alloy Tri-Butted Smooth Welding
  • FORK: Trinx Hydraulic Lock-Out Travel:100mm

Tulad ng ibang nasa X-treme series ng Trinx MTB, 26er pa din ang frame na ito. Maganda ang tindig at style ng tubing. Alloy ang frame, kaya magaan. Triple butted yung aluminum tubings kaya mas matibay at may smooth welds din kaya malinis tignan ang joints ng frame.

Size 15 at 17 lang ang available sizes ng X6.

Sa frame, parehas lang, naiba lang sa X1 yung fork dahil fork na may lock-out lang ang nasa X6. Yung sa Trinx X1 kasi, ay air fork na. Siguro dahil para ma-maintain yung medyo maliit na price difference nila kahit naging Alivio na yung mga pyesa ng bike na ito.

Pero kung titignan na mabuti yung fork nitong X6, iba siya. Black yung stanchions at may rubber na nakapalibot dito. Yung rubber na yun nakakatulong para makita mo yung travel ng fork. Yung arch din sa fork ay nasa likod, di gaya ng sa mga common forks na nasa harap yung arch. Una ko tong nakita sa Manitou forks.

COMPONENTS

  • PEDAL: Feimin Alloy
  • SADDLE: SR
  • HANDLEBAR: Trinx Alloy Small Rise

Alloy na yung pedals. Yung saddle maganda ang style, slim profile din. Yung handlebar naman may rise na maliit, medyo mas kumportable yung ganitong setup kumpara sa straight bars.

DRIVETRAIN

  • SHIFTER: Shimano Alivio SL-M4000
  • FD: Shimano Alivio FD-T4000
  • RD: Shimano Alivio RD-M4000
  • CHAIN: KMC Z99
  • BRAKE: Shimano M365

Shimano Alivio na yung shifters, FD, at RD. Mas maganda ang shifting nito dahil medyo nasa entry-level na sya ng mga Shimano groupsets.

Yung brakes naman ay Shimano hydraulic brakes, at M365 ito na alloy na yung brake levers. Yung M315 na brakes kasi ay bakal yung levers kaya kinakalawang katagalan.

WHEELS

  • CASSETTE: Shimano CS-HG200-9 11-32T
  • RIM: Weinmann Alloy Double Wall
  • TYRE: CST 26″*1.95″ 60TPI
  • CHAINWHEEL: Prowheel 22/32/44T*170L
  • HUB: Shimano Center Lock

Bukod sa hubs, same lang ng crank at gulong ito sa X1.

Verdict

Maganda na naman ang frame nitong MTB na ito. Medyo namahalan lang ako dati. Pero nagmahal na ngayon ang presyo ng Alivio groupset, kaya lang hindi naman ito naka-straight Alivio groupset. Kung pasok pa din sa budget mo ang MTB na ito, hindi na din masama dahil maganda yung frame at yung mga pyesa na nakakabit. Kung ikukumpara pa din naman natin sa big name brands na bikes, sa presyo nito o mas mahal pa ay mabababang pyesa pa lang yung nakakabit doon.


Comments

10 responses to “Trinx X6 Review”

  1. idol!, meron po ba kayong alam na bike na GIANT ung brand?, under 15k lng po budget balak ko sana ung foxter ft 301 kaso sbi ng tropa mag-giant n lng daw ako

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sa giant MTB ang pinakamura kong nakita ay yung model na ATX, P17k yata yung nakita ko pero baka pwede pa matawaran yun. sa tingin ko maganda na yun dahil kilalang brand naman, iupgrade na lang ang pyesa kung may masira o pag nagkaron ng pang upgrade sa mas magandang pyesa. Ang mas magandang deal sa ganyan ay pag nakatyempo ka ng 2nd hand orig giant MTB tapos naka groupset na na upgraded tapos sa ganyan presyo lang din. Swertihan lang din, yung tropa ko kasi naka tyempo sya ng giant MTB, ATX din yata, tapos XT groupset(old model), rockshox fork, sa halagang 15k makinis pa. kung may budget ka na ganyan, maganda din yung advice ng tropa mo na mag giant ka. o pwede din cannondale. 😀

  2. sir pwede pa review ng simplon blizzards editions.at pa compare ng trinx b1700 sa h1000.tnx

  3. sir 26er lang ito?walabang 29er na kasing specs nya pero same price lang?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      wala sa 29er e, ang malapit lang sa presyo nito ay yung trinx q800 na 29er pero mas maganda pa din pyesa ng nasa trinx x6

  4. Kuya ano po magandang mtb worth 10k?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      depende kung ano ang mas trip mo kung 26er 27.5 o 29er

  5. Kuya apo mas maganda trinx x6 or big 7 700? Pwede po pa gawa NG review silang dalawa? Salamat

    1. Ano*

    2. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      b700 pa din mas sulit bilihin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *