Trinx M1000 Review

2018 Trinx MTB, 3x10 speed, LTWOO parts

Update: Meron na sa Trinx website itong Trinx M1000. Updated na ang post na ito sa complete specs nitong Trinx M1000. Pakibasa na lang sa baba.

Walang masyadong info sa bike na ito. Nai-request lang sa akin na i-post ito kaya ipopost ko na din itong Trinx M1000.

Wala sa site ng Trinx, kaya wala tayong makuhang info. Ang tanging makikita mo lang ay yung ad ng LJ Bikes, at yung mga ad din ng mga banyaga.

 

Doon sa nakita ko, mayroon siyang size na 15, 17, at 19. Madami ding kulay na mapagpipilian pala, magaganda pa yung colorways.

Basically, 26er ito na may 3×10 na gearing. Yung gamit na groupset sa kanya ay LT WOO ang brand ng bike components. Naka hydraulic brakes na din. Mukhang may lock-out na din naman yung fork.

P13500 ang SRP nito, LJ Bikes lang yata ang nagbebenta nito. Ito na daw ang pinakamurang naka 10-speed na MTB.

Wala lang akong masyadong masabi sa grupo na nakabit, di kasi ganon ka popular yung brand na LT WOO e. SRAM technology daw yung LT WOO pero sa tingin ko, kopya lang siya sa SRAM kasi halos kagaya ng itsura kasi.

Kung 10-speed ito na 11-40T o mas maganda 11-42T nag range ng cogs, siguro ay pwede na din. Pero kung naka 11-36T lang din ito, na makikita mo din naman sa mga 9-speed, baka mas magandang mag 9-speed na Shimano na lang, mas subok pa ang mga pyesa.

Kayo na ang bahala humusga.

Update:


Ito na yung complete specs nitong Trinx M1000

Frame

  • Alloy Special Shaped Tubes Hidden Cables
  • Sizes: 15”/17”/19”
  • Color : Black/Gery Blue, Matt Black/Red Orange,Red/White, Grey/Blue Green,Matt Grey/Blue, Matt Blue/Red Black

Fork

  • Fork : Alloy Hydraulic Suspension
  • Lock-Out
  • Travel: 100MM

Drivetrain

  • Shifter : Ltwoo SL-V5010
  • Fd : Ltwoo FD-V5009-10
  • Rd : Ltwoo RD-V5010
  • Chainwheel : PROWHEEL 22/32/44T*170L
  • Cassette : CS-M5010 10S 11-36T
  • Chain : KMC
  • Brake : X-SPARK HD-M220 Hydraulic Disc, 160MM

Wheelset

  • Wheel Set : TRINX Alloy Double Wall
  • Tyre : CST 26″*1.95″ 27TPI
  • Hub : Alloy Double Sealed Bearing

Other components:

  • Saddle : TRINX Sport
  • Seatpost: TRINX Alloy
  • Stem : TRINX Alloy
  • Handlebar : TRINX Alloy

26er itong Trinx M1000. 26-inch ang gulong niya. Naka-internal cabling na at alloy na din yung frame.

May sizes ka na mapagpipilian: size 15, 17, at 19. Maganda ang porma ng frame, ayos din ang paint job. Madami kang kulay na mapagpipilian.

May suspension ang fork, may lock out na din.

LTWOO na 10-speed ang mga pyesa na nakalagay dito sa Trinx M1000. Sa mga bagong ilalabas ni Trinx ngayong 2018, LTWOO na ang mga pyesa na nakalagay. Mukhang kopya sa SRAM ang itsura ng mga LTWOO na bike parts. Wala pa akong masabi sa performance ng mga pyesa na ito, pero siguro naman maayos ito kasi hindi naman ilalagay ni Trinx ito sa mga bagong models nila kung hindi din maganda.

May kulay yung RD, depende sa kulay mismo ng bike.

3×10 speed ang drivetrain ng Trinx M1000. Tatlo ang plato sa unahan at sampu naman sa likod. 11-36T yung 10-speed cogs sa likod. Okay na din yun sa akyatan, sa experience ko kasi ganyan lang din ang rear cogs ko sa 9-speed, nakakaya naman kahit saan kami mapunta na akyatan.

Naka hydraulic disc brakes na din itong Trinx M1000. X-spark ang brand ng hydro brakes na nakalagay. Parang kagaya lang ng nasa Trinx C782. Okay na din pero mas maganda sana kung Shimano non-series hydraulic brakes na yung nakalagay.

Sa crank, mukhang alloy na naman yung crank arms.

Sa wheelset, siguro ay cassette type na yung hubs nito kasi 10-speed na yung cogs e. Ordinary alloy rims lang at CST tires na 1.95 ang lapad, parang kagaya lang ng ibang Trinx models. May kulay yung hubs. Quick-release na pareho sa harap at likod, bolt type yung pagkakakabit ng rotors.

Yung sa ibang components, mukhang maganda naman.

Verdict

Maganda ba ang Trinx M1000?

Ito na yata ang pinakamura mo na mabibili na naka 3×10 speed na. Trinx B1200 (27.5) at Trinx Q1000 (29er) na kasi yung ibang Trinx bikes na naka 30-speed. Pero laking mahal ng diperensya nila sa presyo.

Sa presyo nya mura na siya. Maganda naman na yung batalya at iba pang mga parts. Kung ako ang may bike na ganito, ang upgrade na lang na gagawin ko ay yung sa hydraulic brakes (papalitan ko ng Shimano brand) at yung cogs (lalagyan ko ng mas wide na range, like 11-42T).

Okay din ito kasi madaming sizes na mapagpipilian depende sa height ng rider. May small (15), medium (17), at large (19).


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. ItsArjay January 18, 2018
      • Ian Albert January 18, 2018
    2. NEWBIKER January 19, 2018
      • Ian Albert January 21, 2018
    3. NEWBIKER January 19, 2018
      • Ian Albert January 21, 2018
    4. Jayz January 22, 2018
    5. Juri epistola January 23, 2018
      • Ian Albert January 25, 2018
    6. Jether February 8, 2018
      • Ian Albert February 9, 2018
    7. ejay dacanay April 16, 2018
    8. ejay dacanay April 16, 2018
      • Ian Albert April 24, 2018
    9. Renzo Gabriel Comperada May 31, 2018
      • Ian Albert May 31, 2018
        • Bryan December 31, 2018
    10. qwerty June 19, 2018
      • Ian Albert June 21, 2018
    11. Bernie Rivera June 20, 2018
      • Ian Albert June 21, 2018
    12. Gerinald July 6, 2018
      • Ian Albert July 7, 2018
    13. Rommel Bandol July 12, 2018
      • Ian Albert July 12, 2018
      • kirby bouy August 16, 2018
      • kirby bouy August 16, 2018
        • Rashid September 18, 2018
    14. BibiGurl July 15, 2018
      • Ian Albert July 17, 2018
    15. Martin July 23, 2018
      • Ian Albert July 24, 2018
    16. Jansdale Yusi August 5, 2018
      • Ian Albert August 6, 2018
    17. rodnerutor August 11, 2018
      • Ian Albert August 19, 2018
    18. Christian Guinto September 9, 2018
    19. Rashid September 18, 2018
    20. Mkgalarosa October 11, 2018
      • Ian Albert October 18, 2018
    21. Louie October 18, 2018
      • Ian Albert October 18, 2018
    22. Richard October 29, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
    23. Richard October 29, 2018
    24. Lalala October 30, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
        • Reee November 14, 2018
          • Ian Albert November 20, 2018
    25. Jonathan November 9, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
    26. NEWBIE RENZO November 9, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
    27. John Reden Aldovino November 11, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
    28. John November 14, 2018
      • Ian Albert November 20, 2018
    29. Manuel November 20, 2018
      • Ian Albert November 20, 2018
    30. aManHasNoName December 8, 2018
      • Ian Albert December 8, 2018
    31. Bry December 31, 2018
      • Ian Albert January 23, 2019
    32. Windel January 2, 2019
      • Ian Albert January 23, 2019
    33. lala.sing January 8, 2019
      • Ian Albert January 23, 2019
    34. Ems Reyes April 3, 2019
    35. Dell Abkilen October 26, 2019
    36. Juna October 29, 2019
    37. Miah July 16, 2020

    Add Your Comment