Trinx Warranty

by

in

Alam mo ba na may warranty ang Trinx bikes?

Ako din e, ngayon ko lang nalaman.

Meron palang warranty ang Trinx bikes. Dapat pala na itago yung warranty papers or stickers na nakadikit sa box ng biniling Trinx bike.

Nung una kaming bumili ng Trinx bike sa Skylark’s, may ibinigay na mga papel, yun na yata yung warranty papers. Nung sa Quiapo naman kami bumili, wala ng binigay na ganun. Basta yung bike lang, nailagay lang sa box ng ibang bike para maibyahe namin.

May mga Trinx bikes din kasi na wala talagang box tulad ng Trinx M136 at Trinx M500.

3-months warranty upon purchase sa mga parts na ito:

  • FORK
  • RIMS
  • FD
  • FRONT & REAR HUBS
  • HANDLE BAR
  • STEM
  • SEAT POST
  • CHAIN
  • BRAKE LEVERS
  • FREEWHEEL

No warranty with other parts daw.

Sa frame naman, meron pala na 5-year warranty. Wow. Biruin mo, budget bike mo may warranty pa yung frame hanggang 5 years.

Kailangan lang ng warranty sticker at receipt kapag mag-claim ng warranty. Sa dealer na pinagbilihan dadalhin ang kailangang ipa-warranty at sila na daw ang bahalang mag-asikaso nun.

Kung authorize Trinx dealer, nagbibigay daw talaga dapat ng warranty stickers.

Kaya kapag nagbabalak ka bumili ng Trinx bikes, mas mabuting magtanong kung mabibigyan ka ng warranty sticker.

Pero based on my experience with Trinx bikes na nabili namin, so far wala naman kailangan ipa-warranty until now. In rare cases na may mag fail sa mga parts na pwedeng ipa-warranty, kampante ka naman na pwede itong mapalitan.


Comments

One response to “Trinx Warranty”

  1. jun agustin Avatar
    jun agustin

    hello sir Ian, yung trinxM610 ko nov.2018 ko binili sa lj bikes main… last week ng march ngyong taon wala ng play yung fork tas yung may tumutunog sa wheel tingin ko yung cogs nya kc diba naka tread type pa yun… naishare ko lang… more power at ride safe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *