Good news mga kapadyak, finally ay na-unveil din at available na for pre-orders itong MOB Endurace CX cyclocross frameset.
Tuloy na tuloy na talaga ang paglabas ng pinakainaabangan na budget CX frameset para sa mga gustong magbuo ng budget cyclocross bike build.
Wala pa tayo masyadong info tungkol doon sa frameset, pero meron na din kahit konti tayong nalalaman dahil sa teasers na pino-post ng MOB Philippines facebook page.
Price: P6,500
P6500 daw ang presyo ng frameset. Pero kung magpe-preorder ka na magsisimula sa July 23, 2018, may discount ka pa na P500 kaya P6000 na lang ang magiging presyo ng MOB Endurace CX frame set. May libre pa na MOB t-shirt.
Tingin ko ay sobrang sulit na nya sa P6,000. Kahit nga sa P6,500. Wala ka na ibang mahahanap na cyclocross frame set sa ganyang price tag.
Pag frameset kasi, frame at fork na yan.
May libre pa na kasamang seatpost, seat clamp, at headset kaya sobrang sulit na talaga. Nasa almost 1k din siguro yang mga yan kesa kung bibilihin mo pa ng bukod e.
Ano ba ang meron sa CX?
Ito kasi yung pormang road bike, naka dropbars, road groupset, pero mas malapad ang gulong na pwede sa kanya. Isipin mo na lang, road bike na pwede sa mga off-roads at malubak na daan at pag CX, mas mabilis kesa sa mountainbike pagdating sa kalsada.
Naka disc brakes pa. Hindi pa nga lang natin alam ang sagad na clearance na kaya i-accomodate na gulong ng MOB Endurace CX frameset, pero sure 700x35c which is yung common sa mga cyclocross bikes, fit na fit dyan.
Kumbaga parang ito na yung in-between sa road bike at sa mountain bike.
Ngayon kasi, phased out na yung Trinx Climber na cyclocross bikes from Trinx brand. Isa yun sa mga good-value na low-priced CX built bikes. Kapag naman ibang brands na, nasa mataas na price bracket naman na kung from other big brands.
Ang kagandahan dito sa paglabas ng MOB Endurace CX, ikaw ang makakapili ng mga pyesa na ilalagay mo. O kung may MTB ka na, pero sawa ka na, gusto mo i-hybrid na lang kasi mas madalas ka naman na hindi sa trails, ilipat mo lang yung mga pyesa dito para mas konti na lang ang gagastusin mo o di naman kaya i-benta mo yung ibang mga pyesa na di mo na magagamit.
Mga Kulay
- Orange/Black
- Bianchi/Black
- Red/White
- Blue/White
Yan daw ang mga kulay na available. Talagang Bianchi ang itinawag sa colorways, siguro ang tinutukoy dito ay yung kulay na Celeste Green na common sa mga Bianchi bikes.
Sana ay mas madami pa silang colorways na gawin para sa bike na ito.
Personally, yan ding Bianchi/Black ang trip ko na kulay. 😀
Ito yung mga actual na photos ng frame set:
Mga Frame Sizes
- 700 x 480(ST) x 520(TT)
- 700 x 520(ST) x 530(TT)
Medyo hindi din naman naiiba sa road bike size chart ang ginagamit dito sa CX.
Tingin ko sakto lang yung 480ST para sa mga may height na 5’5″ pababa. Yung 520ST naman para sa mga 5’5″ pataas. Pero mas maganda kung magsusukat pa din ng in-seam at reach para mas sure.
Yung 700, ibig sabihin nun, 700c ang gulong. O 29er rim din ang ginagamit sa kanya.
Teaser video:
Nagbabalak ka ba mag-buo ng CX? Type mo ba itong MOB CX frameset? Tara pag-usapan natin yan sa comment section sa baba.
Update:
Available na for pre-order, visit this link:
Sulit yan kung i-preorder kasi may libre na t-shirt at P500 off pa sa actual SRP.
Additional info:
- 6061 Aluminum frame and fork
- 700x45c maximum tire clearance
- 1.7kg total weight (frame and fork)
Bibigyan daw tayo ng MOB Philippines ng unit para magawan ng review. Abangan nyo mga kapadyak dahil gagawan natin yan ng Usapang Cyclocross video, at bike build video na din ng MOB Endurace CX frame.
Update:
Added frame geometry specs.
Yung hubs, di ko pa din alam kung MTB hubs ba ang kasya dito (135mm – rear), pero sana MTB disc hubs nga para mas mura at mas madali ang availability.
Meron na ba tayo kapadyak dyan na nakapag buo na ng MOB CX nila? Madami na din kasi ako nakita sa facebook page ng MOB na nakatanggap na ng pre-order nila. Share nyo naman sa comment section ang bago nyong bike 🙂
Meron din naka-spot ng kulay Black-Pink na MOB Endurace CX frame na nakasabit sa store. Hindi announced na meron nito, pero bakit kaya may ganito? Hmmmm. 🤔
Leave a Reply