Kakaibang Bikes sa Hong Kong Spring Electronics Fair and ICT Expo 2017


Hindi ko mapigilan mamangha sa mga bikes na ito na prototype pa lang daw ayon kay sir Ricky Pe ng PinoyMTB. Siya ay nasa Hong Kong at naibahagi nya sa atin ang mga litratong ito ng mga kakaibang bikes mula sa Hong Kong Electronics Fair 2017. Tignan nyo na lang, kayo na ang humusga.

Kawasaki Full-Sus E-bike

E-bike pala ito ng Kawasaki. Full suspension ang set-up niya. Sakto ito para sa mga hirap pumadyak paahon dahil may makina siya at de-baterya. Ibubulusok mo na lang dahil pang ganong laruan naman sya talaga.

Sikat ang Kawasaki pag gawa ng mga motorsiklo, ngayon ay pinapasok na din pala nila ang pag gawa ng e-bikes. Hindi lang basta e-bike na pang lolo at lola, bike talaga na pwede mo dalhin sa trails pa. Ganda pa ng porma.


Merong LCD display sa may cockpit, siguro ito ay cyclo computer at interface na din tulad ng sa mga motorsiklo. Sa kaliwang banda naman, merong mga pindutan na malamang ay controls para sa makina at iba pang features ng bike na ito. Aluminum ang batalya nito at dahil e-bike sya umaabot daw ng 22kgs ang bigat nito.

Futuristic-Looking Carbon Bike

Heto naman yung isa pang bike na sa unang tingin ay mukha syang galing sa mga sci-fi na pelikula na futuristic ang datingan.

Belt drive ang bisikleta na ito, wala ng kadena. Mas less-maintenance kung ganoon, at hindi mo na kailangan grasahan pa.

Merong parang display screen sa may top-tube nya, siguro ito ay isang parang cyclocomputer na din na naka-built-in na.

Naka rigid sya, disc brake at mtb components. Hindi ko masigurado kung para saan ba ang bike na ito. Hindi din nakumpirma kung may makina din ba ito.

Naka bullmoose na handlebar ang bike na ito, siguro pang gala (touring or commuter) ang bike na ito, pero sino ba ang gagala ng ganitong bike na nagkakahalaga ng estimate na $4000 USD. Carbon ang materyales pero tumitimbang ng 16kg. Siguro nga ay e-bike din ito.

Salamat kay sir Ricky Pe sa pagbahagi ng mga nakakamamanghang bisikleta na ito. Okay na ako sa simpleng aluminum na XC bike ko.

Credits: https://web.facebook.com/ricardo.pe.9


  •  
  •  
  •  
  •