Ayun, lalabas na din sa wakas yung matagal na inaabangan ng karamihan na MOB cyclocross frame. Dati kasi meron ang MOB na road bike frame set na disc brake compatible kaya lang hindi pwede malagyan ng mas malapad na tires dahil sa tire clearance for cyclocross/gravel use.
Ito na siguro ang swak para sa mga gusto magbuo ng cyclocross bike nila, o yung road bike na pwede sa off roads.
Wala pa masyadong info tungkol dito, pero iupdate na lang natin ang post na ito kapag lumabas na ang frameset na ito by MOB.
Available daw sa size 48 at 52 ang Endurace CX frame na lalabas.
Check out the teaser video below posted by MOB Philippines:
Masarap din kasi gumamit ng CX bike e, kahit na hindi mo naman gagamitin talaga for cyclocross races. Kumbaga parang comfortable road bike ito kasi mas malapad yung tires nya, medyo hindi ka masyado matatakot sa mga lubak at rough roads dahil dito. Iwas budol, ika nga nila. Mas mabilis din kung tutuusin sa kalsada kesa sa mga mountain bikes, dahil mas magaan padyakin at mas madali mag maintain ng mataas na speed. (based on experience)
Hindi nila nareplyan ang tanong ko na yan kaya nagpagawa na lang tuloy kami kay mang Ave ng CX frame. Kahit ako, excited ako dito noon. Ngayon, excited pa din naman ako dito, sana ay hindi ito mag disappoint para sa mga nakapaghintay pa din na lumabas itong CX frameset ng MOB.
Parang surebol na ito na lalabas na talaga, may date na kasi na this coming July 2018 daw. Next month na iyon.
Nagbabalak ka ba magbuo ng CX bike pero low-budget lang? Siguro sakto na sayo itong MOB Endurace CX frame set, anong masasabi nyo tungkol dito?
sir ian, gusto ko po mag try ng naka drop bar at naka mtb naman po mga tropa ko. Ano po kaya masusuggest niyo sa budget na 20k for CX? Trinx climber or Assemble with MOB frame? tyia 🙂
assemble with mob frame tingin ko, mas maganda, positive ako dito, parang ito na ang isa sa ok na choice kung mag cx ka na hindi masyado kamahalan, mapipili mo po ang mga pyesa
25k and up sir
Nainip din ako dito kaya nagpagawa na lang din ako kay mang Ave ng frame eh. Hahaha!
Paps question lang dun sa CX build mo, diba 105 GS yun? Yung mechanical brake calipers mo Shimano ba yun? Magkano score mo dun, naghahanap kasi ako ngayon. Salamat!
yung una kong brake calipers, Shimano Tourney TX disc brake calipers, yan din gamit ng mga tropa ko na naka CX din. 700 lang namin nabili noon with adapters na din para sa pag mount sa frame and fork.
pero nakahanap ako ng good deal sa Juin Tech X1 kaya nagpalit ako, yan na ang gamit ko ngayon.
Sir san ka nkahanap ng Juin Tech X1? Para kasing walang available sa Metro Manila na ibang hydraulic na STI brifters, puro Ultegra lang meron. Salamat.
meron Juin Tech sa Glorious nakita ko
yung sakin kasi, sa fb ko lang natyempuhan, may nakita ako nagbebenta kasi di compatible sa frame nya\
medyo mahal kasi hydraulic brifters kaya siguro by order ka lang makaka kuha nyan sa mga shops
sir Ian, ano po ung mga pwedeng budget groupset para dito sa cx frame na to. balak ko po kasing mag-assemble ng cx bike gamit ang frame na to. tia.
uy ayos yan, chismis sa akin by last week of July may announcement ulit na magaganap regarding this MOB CX frame.
about sa groupset, syempre depende pa din yan sa budget na willing mo gastusin kung magkano, pero kung ako tatanungin, pinaka low budget na setup dito, Sora groupset na.