May mas mura pa pala na rims kaysa sa Weapon rims. Itong Weinmann rims, mabibili na ngayon sa bike market natin dito sa Pilipinas.
Matagal na sa industriya itong si Weinmann sa pag gawa ng rims. Sila pa pala ang gumagawa ng rims ng ibang mga sikat na brands tulad ng Dartmoor, Origin8, HED, Merida Matts rims, Fuji Blanchard rims, KHS built bike rims, Diamondback built bike rims, at iba pa.
Si Weinmann ang nagsusupply ng rims sa mga brands na ito, nairerebrand lang nila. Ngayon, pwede na tayo makabili direkta kay Weinmann dahil may distributors na ito sa Pinas.
Ito ang lineup ng mga Weinmann rims na available na sa atin:
Weinmann Taurus Rims
- 517 grams 27.5
- 550 grams 29er
- Outer Width 26.3mm
- 32 holes
- 27.5 = SRP: P850/pair
- 29er = SRP: P900/pair
Weinmann Aquila21
- 442 grams 27.5
- 470 grams 29er
- Outer Width 26.3mm
- 32 holes
- 27.5 = SRP: P1,000/pair
- 29er = SRP: P1,000/pair
Weinmann U32TL
- 462 grams 27.5
- 491 grams 29er
- Outer Width 32.06mm
- 32 holes
- Tubeless-ready
- 27.5 = SRP: P1,250/pair
- 29er = SRP: P1,300/pair
Weinmann U32
- 480 grams 27.5
- 511 grams 29er
- Outer Width 32.06mm
- 32 holes
- 27.5 = SRP: P1,050/pair
- 29er = SRP: P1,100/pair
Meron pang ibang model ng Weinmann rims pero di ko na nasama dito sa post dahil kulang pa yung mga info na available tungkol dun. I-update ko na lang ang post na ito kapag meron na akong dagdag na information tungkol dun sa ibang rims like yung: Weinmann Disc Bull rim, Weinmann Xm1 rim, Weinmann U28, Weinmann U28 TL, Weinmann U40 TL. Tingin ko ibang variants lang ito na may ibang rim widths.
Pang 27.5 at 29er lang yata din ito tulad ng sa Weapon rims. Sleeved-joint din ang technology ng pagkakabuo sa rim. Tubeless-ready na din.
Dahil sa mura nitong Weinmann rims, wala ng dahilan para mag settle ka pa sa mga generic alloy rims na mabibili natin sa halos same price o baka nga mas mahal pa.
May 1-year warranty din itong Weinmann rims kaya sulit na talaga na ito na lang kesa sa generic na alloy rims. Kampante ka pa sa quality.
Leave a Reply