Trinx M800 Review

Itong Trinx M800 ay parang upgraded version lang ng Trinx M500. Naka-hydraulic brakes na ito at 9-speed na yung setup.

Trinx M800 Specs

Alloy na yung frame nitong Trinx M800. Under din ito ng Trinx Majestic series. Same lang ng style ng frame sa Trinx M500 at sa Trinx M136.

via Stan13bike

Hindi pa nakainternal cabling yung frame. Size 17 lang yung nakita ko, hindi ko sure kung meron pang ibang sizes na pwedeng mapagpilian. Madami dami ding colorways na mapagpipilian.

Yung fork niya, Trinx suspension fork lang din na may lock-out.

via Stan13bike

Sa groupset naman, hindi din nalalayo sa mga pyesa ng M500 bukod sa konting na upgrade. Shimano Tourney pa din yung front and rear derailleurs. 3×9-speed ang setup dito sa MTB na ito, Prowheel yung crank na mukhang alloy naman na yung crank arms.

Hindi ko sure kung ano ang ratio ng cogs nito, siguro ay nasa 11-32T na. Hindi ko lang sure kung cassette type na ba yung hubs at cogs nito. Mukha namang quick release na yung hubs nito sa harap at sa likod. Bolt type din yung pagkakakabit sa rotors.

Yung shifters niya, Altus na 9-speed.

via Stan13bike

Naka hydraulic brakes na itong Trinx M800. Shimano non-series brakes ang nakikita kong nakakabit dito sa bike na ito. Maganda yun dahil hindi ibang 3rd party brand ang ginamit nila. Mas okay kasi ang performance at serviceability ng hydro brakes na ito kahit non-series Shimano lang.

Hindi ko lang makita kung paano yung pag papadaan ng hydraulic brake cables dito sa Trinx M800. Kung parehas lang ba sila ng lower-end Majestic series frame na walang padaanan ng hydraulic brake cable housing.

via Stan13bike

Sa wheelset naman, wala tayong info kung anong hubs ang nakakabit. 26er ang wheel size ng MTB nito, tulad lang ng iba sa Majestic series. CST naman yung tires, 1.95″ ang lapad at parang katulad lang din ng nasa M500. Yung rims, alloy na din naman yata.

Trinx M800 Price

P8,500 ang price na nakita ko dito sa Trinx M800.

Verdict

Maganda ba ang Trinx M800?

via Stan13bike

Kung titignan mo, upgraded version lang talaga siya ng Trinx M500. As stock, maganda na yung Trinx M500. Pero kung nagbabalak ka iupgrade yun na lagyan ng hydraulic brakes, sa palagay ko mas maganda na itong Trinx M800 na lang ang bilihin mo sa umpisa pa lang.

Ang nagustuhan ko dito sa Trinx M800 ay:

  • 9-speed na
  • naka-Shimano Hydraulic brakes na

Kung iisipin natin, halimbawa Trinx M500 ang bibilihin mo. P6,500 ang halaga niya, at gusto mo siya iupgrade para naka hydro brakes na din:

  • P1300 – Shimano non series hydraulic brakes
  • P650 – 3×8 shifters

Total : 1950 – almost 2k din ang nagastos mo. Kaya lang 8-speed pa lang yan. Kung gusto mo naka 9-speed na, papalit ka pa ng chain at cogs. At kung wala ka pa makita na thread type na 9-speed cogs, magpapalit ka pa ng hubs, dagdag gastos pa yun.

2k lang ang idadagdag mo sa P6500 na price ng M500, pero yung upgrade nitong Trinx M800 ay sa tingin ko mas sulit. Panalo na din na budget bike itong Trinx M800.


Comments

24 responses to “Trinx M800 Review”

  1. salamat kuya ian sa paggawa ng review

  2. newbie mtb rider lang ako. ano mas ok kuya ian etong trinx m800 o foxter evan? thnx po

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      mas mura itong m800 kesa sa evans pero sa tingin ko parehas lang naman din silang maganda

  3. sir newbie here. ano mas maganda kunin

    m800 8,500
    q500 8,500

    or baka meron pa kayo sir ma suggest kahit ibang brand pero maganda na ang parts. 10k maximum budget. thank you sir. kudos sir sa mga reviews mo’

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      q500 para sa akin tapos iupgrade lang sa hydraulic brakes, pasok pa din sa 10k budget.

  4. Salamat sa Review na ito. At napanatag ako sa binili kong Trinx M800. Mejo alanganin din kasi ako dun sa Bagong TRINX C782 na naka LTWOO Groupset at nung tinesting ko ung Hyrdaulic Brakes nya eh spongy. Iba pa rin talaga ang Shimano! Salamat sa Advice! 😀

  5. Adrian Delacruz Avatar
    Adrian Delacruz

    Sir puede ba 29er aa m800

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede din siguro

  6. Sir pwede po ba mag request ng foxter mckinley na review po Salamat.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      kakapost ko lang 😂

  7. ian datuin Avatar
    ian datuin

    Tanong lang po kung pwede na po ba ito sa beginner

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwedeng pwede

  8. klyde Antolin Avatar
    klyde Antolin

    Mag kano po yung price netong M800?
    Salamat

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      P8,500 po ang price ng Trinx M800, nasa post na po 🙂

  9. Ka Michael Avatar
    Ka Michael

    Pareview naman po ang Trinx D500. Eto po kasi current bike ko.
    Hindi naman sa hindi nakukuntento, pero dapat eto na talaga binili ko . 🙁

  10. Youtube purposes Avatar
    Youtube purposes

    Nakita ko po yan dito at ang nakalagay po ay x spark na hydro

  11. crisjon Avatar
    crisjon

    naka quick release na po ba ang rear hub nito?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      mukha naman QR na

  12. James Louie Avatar
    James Louie

    pwede bang lagyan ng pang 29er na wheel sa trinx M800?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede siguro pero wag sobra lapad, yung pang cyclocross tires lang

  13. James Louie G Balmaceda Avatar
    James Louie G Balmaceda

    pwede bang lagyan ng pang 29er na wheel sa trinx M800?

  14. Hi po Sir Ian,

    Need your help. San po pwed mka bili ng Trinx M800 na malapit sa area ko.. BGC Taguig lng po ako sir..

    Tnx in advance..

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      di ko kabisado bike shops sa bgc e

  15. Nathaniel Avatar
    Nathaniel

    Sir ano mas ok m800 o m610?
    Planing to buy po kasi mtb
    Undecided pako

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *