Trinx Drive 1.0 Review

by

in

Medyo matagal na din sa draft ko itong Trinx Drive 1.0

Nabigla ako sa presyo nya, nasa P18,000 pala ang bentahan nitong Trinx road bike na ito.

Para sa kumpletong specs, click here: Trinx Drive 1.0 Specs

Isang mabilisang review na lang, para dito sa Trinx Drive 1.0

Nung hindi ko pa naichecheck ang price nitong Trinx Drive 1.0, expected ko dito nasa below P15k lang ito dahil 1.0 na model pa lang ito, at alam kong may Drive 2.0 at Drive 3.0 pa na paniguradong may mas mataas na pyesa kaya mas mahal. Pero, P18,500 na pala agad ang presyo nito.

via LJ BIKE SHOP Malolos

Maganda ang porma ng batalya, maayos din ang kulay at designs nito. May sizes ka na mapagpipilian, bagamat size 48 at size 52 lang, halos katumbas na nito ay small at medium lang.

Aluminum yung batalya, na triple butted na at naka smooth weld. Siguro kaya medyo may kamahalan itong road bike na ito, dahil siguro magandang klase na din ang pagkakagawa dito sa frame.

via LJ BIKE SHOP Malolos

Idagdag mo pa na carbon na din yung fork. Dahil dito, naging mas magaan yung bike kumpara kung naka alloy o bakal na fork pa na madalas makikita mo sa mga mas murang road bikes.

via LJ BIKE SHOP Malolos

Legit na Shimano Claris ang STI nito, pati yung FD at RD. Mas okay ito kesa Tourney na grupo. Medyo mas mataas kasi ang antas nito kaysa sa Tourney sa mga pyesa ng Shimano. Basic entry-level na pyesa sa para sa road bike kasi yung Claris. 8-speed yun, at ang brake levers nito, may dalawa ka nang pipitikin para mag shift ng gears.

Ganito ang itsura ng Claris STI:

Nakainternal cabling na din yung Claris STI na nakalagay sa Trinx Drive 1.0. Bale yung kable ng shifters ay nakatago sa ilalim ng bar tapes para sa mas malinis na porma.

8-speed na 11-25t ang gearing ng cogs sa Drive 1.0

via LJ BIKE SHOP Malolos

Ganyan naman karaniwan sa top speed ng mga bikes, yung 11T din, sa light gearing naman, common lang din sa mga road bike ang 25T. Kaya lang, dahil 8-speed lang itong cassette na ito, ramdam mo dito ang talon ng bigat o gaan ng gearing kahit na isang shift ka pa lang, pataas man o pababa.

Sa brakes naman, may narinig ako na nabanggit ng mekaniko sa amin tungkol sa road brake na Tektro brand, particularly sa mga Trinx road bikes. Sabi, medyo malambot daw ang spring ng Tektro brake. Hind ko alam kung totoo nga, o isolated case lang, at nabanggit lang para lang may mai-jamming.

via LJ BIKE SHOP Malolos

Prowheel brand nga lang yung crank, sobra na siguro kung hihiling pa tayo ng Shimano crank, na kahit Claris din man lang. Medyo may kamahalan din kasi talaga ang road components, kumpara sa presyuhan ng mga pyesa na pang MTB.

Sa crank, wala ka ng choice sa 170mm na haba ng crank arm at sa 52/42T na laki ng plato unless palitan mo yung crank ng bago. Mukha namang alloy yung crank sa picture, hollowed na din yung sa bottom bracket at mukha ding magaan ang timbang. Pero para sa akin, sa lakas ko, mabigat na para sa akin padyakin ang setup na 52/42T chainrings at 11-25t na cogs lalo kung ahunan na.

via LJ BIKE SHOP Malolos

Alloy na double wall na din yung rim. Di ko alam kung ilang holes. Fastace naman yung brand ng hubs, wala akong alam sa hubs na ito, pero sabi sealed bearing naman na daw. 700c syempre yung size ng gulong, Maxxis Sierra ang tires, na 700x25C.

Sa ibang aspeto naman, gaya ng handlebar, stem, seatpost, at saddle, mukhang magandang klase din naman yung nakakabit sa kanya. Pang road talaga yung porma ng saddle. Hindi din ganoon kasobrang baba ng stem, maaari mo pang i-adjust depende sa preference mo. At higit sa lahat, okay na okay yung klase ng drop bar na kasama sa build ng Drive 1.0 para sa akin, hindi masyadong malayo ang reach at drops. 410mm nga lang yata yung size ng drop bar na available para sa built bike na ito.

Sulit ba siya sa P18,000?

Mahirap sagutin. May isang shop ako nakita, nasa P16500 sa kanila, naka promo price nga lang.

Karaniwan kasi sa mga budget road bikes na pwede mong mabili, minimum budget mo na dun P9k pataas. Ang issue nga lang doon, hindi pa yun naka STI na shifters.

Hanggang P13k siguro yung ibang model ng Trinx na naka STI na, pero Tourney naman. Bale konting dagdag lang, naging Shimano Claris naman yung basic na drivetrain components.

Kung ako sayo, bibilihin ko lang itong Trinx Drive 1.0 kapag lahat to check sayo:

  • Kung P18k lang ang budget mo, at may budget ka naman talaga
  • Road bike talaga ang gusto mo
  • Kung may size na swak para sayo
  • Kung trip mo ang kulay
  • Kung okay sayo yung crank arm length, chainring sizes, at cassette ratio

Kasi kung hindi:

  • Kung more than P18k naman pala ang willing mo gastusin para sa bago mong road bike, madami pang ibang choices, kaya lang mas mahal na at mas maganda ang pyesa, pero ibang brand na din nga lang.
  • Kung wala ka naman palang budget, may mga road bike pa na mas mura dito.
  • Kung naguguluhan ka pa din pumili kung road bike ba o MTB, tignan mo ang kundisyon ng daan sa inyo. Suitable ba para sa road bike? Saan nagriride ang trop mo? Anong gamit ng karamihan sa grupo mo?
  • Kapag walang size, nako di pwede yan sa road bike. Di tulad ng MTB, pagdating sa road bike, kailanga sakto talaga ang sukat nito sayo dahil ang road riding ay medyo sensitibo sa fit ng bike. Dahil kung mali ka ng size, maari kang makaranas ng patuloy na pagsakit ng ibat ibang parte ng katawan, at injuries na din dulot ng pag bibike.
  • Sa issue naman sa crank, kung di ok sayo pero balak mo na palitan na lang ito sa future, walang problema doon,

Hindi din ako eksperto sa road bikes, kaya maaaring may mga mali sa mga nasabi ko.

Ikaw, tingin mo sulit ba yung Trinx Drive 1.0?

Meron ka ba nitong bike na ito? I-share mo naman ang experiences at review mo dito.


Comments

48 responses to “Trinx Drive 1.0 Review”

  1. Kuya ian..pede pa review trinx m800

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      noted

    2. kei ian c. ibanez Avatar
      kei ian c. ibanez

      pa review nga po kuya ian giant scr 2 at kung sino talaga magaan at maganda sa dalawa trinx drive 1.0 ba o scr 2

      1. Ian Albert Avatar
        Ian Albert

        Choice mo yan kung ano pipiliin mo:
        Mas kilalang brand na nakalagay sa frame o hindi
        kung may budget naman sa Giant SCR 2, go for it.
        upgrade mo na lang if you see the need for an upgrade
        if gusto mo naman isang gastusan lang tapos ayaw mo na gastusan ulit at ok lang sayo na Trinx ang brand, yung Drive is a good choice na din

  2. Jay Greg Colonia Avatar
    Jay Greg Colonia

    SIr ask ko lang po .. mga ilang kilo po kaya itong Trinx Drive 1.0 Road Bike? maraming salamat po.

  3. Bike newbie Avatar
    Bike newbie

    Pareview naman po trinx climber 1.0, tnx!

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      sige po noted on that

  4. Sana makareview ka ng Trinx Climber 1.0 at 2.0.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      gawan ko din yan

  5. Nalla Lipio Avatar
    Nalla Lipio

    I had a road bike.
    At sang ayon ako sa size at fitting part.
    Once na hindi fit sayo ang road bike na nabili mo, mag sisisi ka.
    Mayadong mahaba para sakin ang road bike ko before, maybe 52cm ang top tube. Mahaba masyado para sa 5’3 height na rider.
    Sinubukan ko na ang iba’t ibang paraan to compensate that, short stem, low saddle, higher drop bar, cut the distance from saddle to drop bar.
    But still, pag may binabago ka sa mga yan for sure may problema naman sa iba.
    Unlike sa MTB, pwede mo talagang magawan ng paraan.
    I am using MTB right now, pero maybe in future mag build ako ng roadie.
    Maybe I am going kay Sir Ave, since taga Cainta Rizal naman ako at malapit lang ako sa Parola kung saan sya nka tira.
    Papagawa ako ng XS na road frame.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      good decision pre. salamat sa pagshare mo nito, sana makatulong ito sa iba

  6. Ecag Jones Avatar
    Ecag Jones

    Ok na po ba ito sa mga 5.7″ height ng rider sir? at occasional long rides like 70k to 100k?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      oo paps, okay na okay yan

  7. Neil Seno Avatar
    Neil Seno

    How about for 5’9″ ok rin, Sir Ian?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ok na rin

  8. Sir Ian, anu po kaya ang sakto sa height kong 5’5″? 48cm or 52cm? salamat

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      48cm mo na lang

  9. Sir puwidi po paltan nang dura ace yan??

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede naman

  10. marc eduard belalo Avatar
    marc eduard belalo

    pwede po ba ito sa 5 11 na rider

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede

  11. Ferdinand ilagan Avatar
    Ferdinand ilagan

    Magandang araw boss ian.. Trinx drive 1.0 user ako.. Agree ako sa mga nabanggit mo at base sa experience ko,ok naman siya. Smooth siya itakbo,magaan at ok din ang preno. Kuntento ako sa nabili kong bike. 18,500 ang bili ko. Pero pwede pa kayo magupgrade para mas mapagaan pa. Palit kayo ng stem, seatpost, drop bar, isama niyo na din ang crank set at cassette para mas magaan iahon at titanium bolts, yun nga lang ay kung willing kayo gumastos. Yun kasi balak ko, wapa pa kong nababago sa ngayon kasi pinagiipunan ko pa. Medyo mabigat kasi sa bulsa. Salamat sa review boss ian. More power. God bless

    1. Neil Seno Avatar
      Neil Seno

      yung ganito po puwede palitan ng 10 speed and ano po magandang model ng cassette at pasok?

      1. Ian Albert Avatar
        Ian Albert

        pwedeng pwede, any brand pwede

    2. Neil Seno Avatar
      Neil Seno

      so brakes po nito sir puwede gawing mechanical converting it to a gravel bike which i prefer now?

      1. Ian Albert Avatar
        Ian Albert

        disc brake? hindi po pwede

    3. Neil Seno Avatar
      Neil Seno

      Sorry Sir for the second comment my question instead is there available road bike that has a mechanical brakes and what brand?

  12. Ferdinand ilagan Avatar
    Ferdinand ilagan

    Magandang araw boss ian at sa inyo mga kapadyak. Base sa karanasan ko after ko mabili itong trinx drive 1.0 matte black eh so far,ok naman siya kasi smooth itakbo at malakas ang preno. Nasa 10kgs siya,stock parts. Pero kung begginer pa lang kayo sa paggamit ng rb ay dapat magupgrade kayo ng cassette at crankset sapagkat ang teeth nila ay designed for riding in flats, kasi medyo matigas siya iahon sa uphill. Pero kung sanay na naman kayo sa pagpadyak e hindi niyo na mararamdaman yun. Pedal pa lang ang pinalitan ko, from stock wellgo flat pedals ay nagshift ako sa cleats pedal which is shimano R540 with an affordable price. Kung gusto niyo pang mapagaan ay magupgrade na lang kayo ng crank, handlebar, stem, seatpost at titanium bolts (kaso medyo may kamahalan), in addition palitan niyo na din ng shimano yung tektro brakes para mas maganda. Sana makatulong ito para sa mga nagnanais bumili ng rb. Recommended itong trinx. May trinx mtb din ako. Salamat boss ian. More power and God Bless

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      salamat sa review mo kapadyak na ferdinand,
      enjoy your ride and ride safe lagi

  13. Ferdinand ilagan Avatar
    Ferdinand ilagan

    Bakit hindi lumabas comment ko..ehehe

  14. Kung height ko is 5’8” okay lang ba sakin yung size 48cm?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ok lang yan sayo

  15. Freidrick Avatar
    Freidrick

    Good day, balak ko kasi bumili netong trinx drive 1.0 kaso ang size lang nila na meron is 48cm. 5’8” height ko, pwede kaya yun sakin?

    TIA!

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede pa yan, mas madali nga mag adjust kung mas maliit ng isang size ang frame, kesa kung 1 size bigger pa ito. adjust na lang sa stem setup, seatpost height at saddle position para sa mas swak na fit sa bike

      1. Freidrick Avatar
        Freidrick

        Maramin salamat po! Kapag 5’8 1/2” yung height ko ano po bang recommended size na frame sakin? Saka kung wala akong ginawang adjustment dun sa bibilhin kong 58cm trinx drive 1.0 anong mga effects po ba mangyayare sa katawan ko?

        Marameng salamat po!

        1. Ian Albert Avatar
          Ian Albert

          malaki ata yan para sayo kung 58cm
          mahirap gamitin yan
          kailangan yung saktong size lang para sayo, 48 ok pa kahit medyo mas maliit, 50 tingin ko sakto lang kumportable pa hanggang 52 siguro para sa height na 5’8″ to 5’9″
          pero depende din yan sa reach mo at taas ng inseam

  16. Ferdinand ilagan Avatar
    Ferdinand ilagan

    Boss ian.. Sakto lng kaya sa height ko yung 48 soze n frame. 5″4′ height ko..ty morepower

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      pwede yan, pasok yan

  17. Endurance or aero type po ba tong road bike na to?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      tingin ko more on endurance sya

  18. Neil omandac Avatar
    Neil omandac

    Ano po ba yung contact number pag bibili? Nag shiship po ba tl sa pinas?

  19. Allan Paulo De Guzman Avatar
    Allan Paulo De Guzman

    Ano po yung caliper nito kuya ian?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      Tektro Alloy

  20. Arielle Dave L. Ramos Avatar
    Arielle Dave L. Ramos

    kuya ian pwede po ba magpadeliver sa lj bikeshop at saan po ang main branch nito?? tnx po

  21. NenieConz Avatar
    NenieConz

    Big thanks. marami akong nalalaman sa mga comments nyo mga ka Bike. Big help ito sa newbie sa RB gaya ko.

  22. Jeremy Delgado Avatar
    Jeremy Delgado

    Sir ian ano po size ng head set nitong trinx 1.0 . Plano ko bumili this coming august thanks. And ano maganda brand ng head seat for this trinx 1.0 thanks and God bless, ride safe sir ian. I’m subscriber on your YouTube channel.

  23. francis luigie Avatar
    francis luigie

    ano po weight neto sir….

  24. Joseph Alan Quiteles Avatar
    Joseph Alan Quiteles

    Sir Ian,

    Kasya po ba yung 700x28c na gulong d2?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *