Napa-wow na lang ako nung makita ko itong ginawang upgrade sa Trinx Q1000 ni sir Carlo P. Carlon.
Maganda naman kasi talaga ang frame ng Trinx Q-series; porma, geometry, paint job, internal cabling, material kaya pwede ng isabay sa pormahan sa mga big name brands lalo kapag naupgrade na ang pyesa. Sa upgraded build na ito parang frame na lang ang tinira.
Malaki sigurado ang iginaan nito kumpara sa stock na Trinx Q1000. Sarap siguro i-ride ang may mga ganitong pyesa. Kahit ako, hanggang tingin na lang din ako sa mga ganyan. Ewan ko na lang kung may magsasabi pa na “Trinx lang yan”, sa bike na ito pag nakita nila itong setup na to.
Trinx Q1000 Upgraded Build Specs:
- Frame: 2017 Trinx Quest Q1000
- Fork: Fox Float Evolution Series 32
- Groupset: 2017 Shimano XT 11 speed
- Rims: ZTR Crest 29er
- Hubs: Stans 3.30
- Spokes: DT Swiss
- Tires: Continental Mountain King 29 x 2.2
- Cockpit: Controltech Classic
- Saddle: Fizik Arione Tri2
- Grips: Supacaz
Hindi ko sure kung magkano ang inabot ng ganitong upgrade, pang mayaman na setup na ito e, pero kung gusto nyo magpabuo ng same build, contact sir Carlo na lang. 😀
[alert-note]Disclaimer: Featured with permission from the owner. Thanks sir Carlo, owner of Skylark’s Bike Shop and admin of TRINX Bikers Phil fb group.[/alert-note]
Leave a Reply