Trinx Striker Review [K014, K016, K036]

Trinx Striker Series

Ito naman ang mga mountain bikes ng Trinx na pinakamura dahil steel (bakal) ang frame nito at medyo mababa ang mga pyesa na nakakabit sa mga bikes na ito.

May suspension forks at naka disc brake na din. Sa unang tingin parang Majestic lang na Trinx bike dahil almost same lang ng geometry at style ng tubings.


Trinx Striker K014

Madalang yata ito sa Pilipinas, hindi ko sigurado kung meron nito dito sa atin.

Itong Trinx Striker K014 ay may 24″ na size ng gulong, sakto para sa mga bata na masyado pang malaki yung 26er na size ng gulong na mountain bike.

FRAME

  • FRAME: 24″*13″ Steel Special-Shaped Tubes
  • FORK: Trinx Steel Suspension, Travel: 55mm

Steel frame, medyo may kabigatan kumpara sa Alloy frame. Pero kung bata lang naman din ang gagamitin, wala na itong kaso. Maliit ito para sa mga adult dahil size 13″ yung frame at syempre mas maliit yung gulong.

May fork na din na may suspension, pero steel lang din ang fork nito.

COMPONENTS

  • PEDAL: Natty Sport
  • SADDLE: Trinx Sport
  • HANDLE: BARTrinx Flat

Ordinary parts lang.

DRIVETRAIN

  • SHIFTER: Shimano ST-EF41
  • FD: FD-QD35
  • RD: RD-HG18A
  • CHAIN: Hi-Ten Steel
  • BRAKE: Trinx Alloy Mechanical Disc

Ang kagandahan lang nito, kumpara sa ibang kids bike, Shimano na yung shifters. Madali magshift ng gears gamit ang ganitong shifters.

Sunrun yung brand ng FD at RD. Kung mura yung Tourney RD at FD ng Shimano, mas mura ito. Mumurahing pyesa pero sa palagay ko mas matino ito kesa sa mech na nakasalpak sa mga ordinary bikes na China.

WHEELS

  • CASSETTE: Hi-Ten Steel 14-28T
  • RIM: Trinx Alloy Double Wall
  • TYRE: CST 24″*1.95″ 27TPI
  • CHAINWHEEL: 24/34/42T*170L
  • HUB: Trinx

3×7 ang speed nitong K014. Available ito sa mga kulay na: Black/Red White;Black/Green White;Blue/Black White;White/Blue Black;Orange/Black Green;Red/Black White.

Pwede na para sa mga bata kung masyado ng maliit sa kanila ang 20-inch na gulong na karaniwan sa mga pambatang bikes. Kaso lang hindi ko alam ang price nito. Mas mura siguro sa K016 na 26er.


Trinx Striker K016

Sa halagang P4400, mura na itong mountain bike na ito.

FRAME

  • FRAME: 26″*15″/17″ Steel Special-Shaped Tubes
  • FORK: Trinx Steel Suspension Travel: 100mm

26er naman ang size ng gulong ng model na ito. May pagpipilian din na size para sa mga height na pang-small at medium. Steel din ang batalya, medyo may kabigatan lang sa alloy na frame.

May fork na din na may suspension. Steel din ang materyales nito.

COMPONENTS

  • PEDAL: Natty Sport
  • SADDLE: Trinx Sport
  • HANDLEBAR: Trinx Flat

DRIVETRAIN

  • SHIFTER: Shimano ST-EF41
  • FD: FD-QD35
  • RD: RD-HG18A
  • CHAIN: Kmc
  • BRAKE: Trinx Alloy Mechanical Disc

Shimano rapidfire na din ang shifters na nakakabit dito. Madaling magshift kumpara sa shifters ng mga mumurahing bikes. Plus points sa akin dito ang Trinx dahil Shimano ang ginamit nilang pyesa, sa ibang brand kasi ng mga steel na MTB, hindi orig na Shimano ang nakalagay na shifters.

Sunrun pa din ang mechs. Para siguro ma-maintain ang mababang presyo.

Naka disc brakes na din.

WHEELS

  • CASSETTE: Hi-Ten Steel 14-28T
  • RIM: Trinx Alloy Double Wall
  • TYRE: CST 26″*1.95″ 27TPI
  • CHAINWHEEL: 24/34/42T*170L
  • HUB: Trinx

3×7 din ang speed nitong K016. Halos wala syang kinaiba sa K014 bukod sa size ng gulong nila.

Available ang Trinx K016 sa mga kulay na: Black/White Red;Green/White Green;Black/Green Blue;White/Black Red;White/Black Green;Green/Grey Black.


Trinx Striker K036

Ito namang K036 ay 26er pa din pero medyo upgraded lang ng kaunti kumpara sa K016.

Sa halagang P4800, tingin ko ay sulit na yung idadagdag na konti para sa naupgrade na pyesa.

FRAME

  • FRAME: 26″*15″/17″ Steel Special-Shaped Tubes
  • FORK: Trinx Steel Suspension Travel:100mm

Same lang, walang naiba.

COMPONENTS

  • PEDAL: Natty Sport
  • SADDLE: Trinx Sport
  • HANDLEBAR: Trinx Flat

Ganun din.

DRIVETRAIN

  • SHIFTER: Shimano ST-EF500
  • FD: Shimano FD-TZ30
  • RD: Shimano RD-TZ50
  • CHAIN: Kmc
  • BRAKE: Alloy Mechanical Disc

Mas maganda yung shifters nito kumpara sa shifters ng K016.

Mas maganda din yung RD at FD dahil Shimano Tourney na.

Naka-disc brake na din.

WHEELS

  • CASSETTE: Trinx Hi-Ten Steel 14-28T
  • RIM: Trinx Alloy Double Wall
  • TYRE: CST 26″*1.95″ 27TPI
  • CHAINWHEEL: 24/34/42T*170L
  • HUB: Trinx

3×7 din ang gears nitong K036.

Available sa mga kulay na: Grey/Red Black;Black/White Blue;Black/Blue Orange;White/Black Green;Grey/Green Blue;Green/Red Black.


Kahit na ito lang ang bike mo ay pwedeng pwede ka pa din makasama sa padyak ng tropa. Bike tune up lang at tamang maintenance ay magagamit pa din ng maayos ang mga modelo na ito kahit na medyo low-end at basic lang ang pyesa.

Pwede din ipang-araw araw.

Kasi kung bibili ka din lang ng mumurahing bike para sa anu pa man na dahilan, kesa kumuha ka ng standard China bike, konting dagdag na lang meron ka ng mas magandang bike sa Trinx Striker series.

Pero mas maanda pa din kung pang-starter na mountain bike ay yung mga alloy na sa Majestic series tulad ng Trinx M136 o di kaya naman Trinx M500, dahil mas ayos ang mga pyesa nito.


Comments

13 responses to “Trinx Striker Review [K014, K016, K036]”

  1. San makakabili ng Trinx k016 na 4400 bossing?

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      presyo ng stan13bikes yan, sa may cartimar ang shop nila.

    2. San po nakakabili ng trinx k016 sir ?

  2. yun buti nakareply agad hahaha, salamat bossing.
    nice review na rin!

  3. Boss tanong lang, meron ba sa stan13 ngayon niyan? chineck ko kasi sa website nila, wala nkalagay na striker series nila e

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      baka wala ng stock kaya wala na sa site, pero kasi nung nireresearch ko sya, dun ko nakita yang lowest price nya.

  4. RollyThePogi Avatar
    RollyThePogi

    Boss ian, binabasa ko lagi ung mga post m.. Suggestion ko lng sana n mailagay m sana sa review ung klase ng hub at cassete. Kung quick release, center lock, bolt type, cassete type b siya or freewheel. Malaking bagay din kase un.. Aha. More power sana.. Tapos pasuyo nmn ako ng trinx tempo 3.0.. Salamat

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      uy salamat, subukan ko i-mention yan, minsan kasi wala makuhang info tungkol dyan pero kung malalaman base sa picture, sige isasama ko yun. Sige gawan natin yung Trinx Tempo 3. May nakita akong nakaganito sa Bugarin kahapon lang. 🙂

  5. Lahat ba ng K036 ay steel ang frame

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      oo kapadyak

  6. Patrickstar Avatar
    Patrickstar

    Hi, Mr Ian. Nakabili ako ng k016 sa halagang 4500 secondhand halos bgo pdin. Pwede bang iupgrade ang gulong nito? Nagustuhan ko din mga vids niyo sa youtube, beginner lang ako sa pagbibike plano kong gawin to para makapagpapayat.

    1. Ian Albert Avatar
      Ian Albert

      ride lang ng ride kapadyak.
      pwede mo maiupgrade ang gulong nya kapadyak, ano bang balak mo na upgrade?
      ride safe lang lagi.

  7. grabe ung trinx k030 na yan binenta sakin 2500 kuha ko sira pa pinalitan cogs chain at Rd naubos ko 1500 bale naka 4000 na ako tpos nangangalawang na sobrang laking pag sisi ko tlga
    wala pa ako gano alam sa mga bike bike ngayon lang ako nag basa ng ganito malalaman ko ganito pala Ang laking tngaa ko sa pakramdam ko buseT tlga

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *