Voyager Race Edition MTB 27.5 Review


Nairequest lang sa akin na i-review itong Voyager Race Edition 27.5 na MTB. Hindi naman ito bagong labas na MTB pero, syempre kapag may nagpa-review sa atin, gagawan natin yan ng review.

Sa Bike Haus ko ito nakita, sa Lazada nila nasa 11k ang SRP doon, pero kung direct sa facebook page nila, P10k lang ang SRP nitong Voyager Race Edition 27.5 MTB.

Walang official website ang Voyager bikes, kaya ang impormasyon tungkol sa specs, galing sa post ng Bike Haus. Yung post nila sa bike na ito ay nung May pa.

Voyager Race Edition MTB 27.5 Specs:

Frame: Voyager Alloy 27.5 XRX

Alloy yung frame. 27.5 yung kasya na gulong. Hindi ko sure kung may sizes pa ito na mapagpipilian pero parang wala. May ibat ibang kulay na available, tulad ng black with orange, black with green, dominant red, at dominant blue.

Fork: Voyager GST Suspension

Yung fork may indicator ka ng travel, pero parang walang lock-out. Hindi ako familiar sa fork pero mukhang ordinary suspension fork lang din. Kulay black yung stanchions.

Handlebar: Voyager Oversize 31.8mm Hi Rise Alloy

May rise yung handlebar, high rise pa. Alloy na yung bars so mas ok yun kesa kung steel pa din.

Stem: Voyager Alloy Oversize 31.8mm

OS na stem, 7 degrees siguro.

Tires: Maxxis Pace 27.5

Maxxis yung tires, wired pa siguro ito. Siguro kaya medyo may kamahalan dahil nga Maxxis na yung gulong. Pero makakakuha ka naman ng Maxxis Pace na wired sa halagang P650 isa.


Crank: Shimano Alloy

Yung crank, Shimano na alloy. Ok ito dahil hindi ibang substandard cranks.

FD: Shimano TZ

Rear Derailer: Shimano TZ

Cogs: Shimano 7 Speed

Shifter: Shimano Altus

Shimano din yung drivetrain kahit na Tourney lang. 7-speed lang pala yung cogs nito pero Altus yung shifters. Pang 8-speed pa naman yung Altus, so pwede mo iupgrade pa ito sa 8-speed na ang papalitan mo lang ay yung cogs at hubs (o kung makakahanap ka ng 8-speed na thread type cogs, hindi mo na kailangan palitan yung hubs)

Brakes: Shimano Hydraulic Brakes

Yung brakes naman, Shimano non-series hydraulic brakes, pinaka murang hydraulic brake na mabibili pero maganda din ang performance.

Yan lang ang specs na available at wala din tayo nakitang close up shots ng bawat parts ng bike na ito.

Verdict

Sa totoo lang, medyo hindi ako 100% satisfied sa specs na inooffer ng bike na ito dahil sa price niya. Parang medyo mahal pa. Naka-hydraulic lang naman at Maxxis na gulong, pero kasi 7-speed lang siya at wala pang lock-out yung fork.

Para sa akin lang, parang mas ok pa kung yung Foxter FT301 na 27.5 din, ay iuupgrade mo na lang sa hydraulic brakes. Baka hindi ka pa umabot ng P10k na gastos doon, naka 8-speed pa at may lock out na yung fork. Saka ka na lang magpalit ng gulong na Maxxis Pace kapag napudpod na yung stock tires, pero taon pa aabutin nun.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Rein November 10, 2017
      • Rein November 10, 2017
        • Ian Albert November 10, 2017
          • Rein November 11, 2017
            • Ian Albert November 13, 2017
    2. John Lennard Esteban Sosa January 6, 2018
      • Ian Albert January 7, 2018
    3. Kevin February 14, 2018
      • Ian Albert February 17, 2018
    4. Paul March 31, 2018
      • Ian Albert April 1, 2018
    5. Labs April 27, 2018
    6. john b. hernandez June 7, 2018
      • Ian Albert June 7, 2018
    7. neilcarl December 8, 2018
      • Ian Albert December 9, 2018
    8. Bolino January 31, 2019

    Add Your Comment