Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung saan galing itong Comodo brand ng mga mountain bike. Sa Ryanbikes ko lang sila nakikita. Pero sa obserbasyon ko, madami din pala ang nagkakainteres sa modelo na ito.
Susubukan nating suriin ang bawat pyesa nitong Comodo Hacker na MTB, 2018 version daw.
For specs list, click here -> Comodo Hacker 2018 Specs
Medyo limited lang yung info natin dito sa Comodo Hacker bike na ito.
Alloy yung frame ng Comodo Hacker. Naka-internal cabling na din, kaya malinis tignan dahil sa loob ng batalya dumadaan ung mga cable ng shifters. Maganda din yung kulay para sa akin, matte black, tapos highlights na lang ng Red, Blue, at Green para sa mga variants ng kulay. Chromed pa yung dating ng pagkakatatak sa logo na Comodo sa down tube kaya mukhang makintab yung brand logo.
Syempre, dahil alloy yung frame, mas magaan kumpara sa bakal pa yung batalya. May nakakabit din na side-stand, nakakatulong din naman ito para sa madaling pag park. Clamp-type yung stand, kaya madali lang tanggalin, wala naman yata kasing kabitan ng stand talaga yung frame, unlike sa mga MTB tulad ng Trinx M136 o Trinx M500.
Hindi ko lang alam kung may sizes pa na mapagpipilian para sa mountain bike na ito.
Yung fork, mukha namang walang espesyal. Comodo branded din, pero may lock-out na yung suspension. Sa tingin ko okay naman yung fork na ito dahil hindi naman mukhang payat yung stanchions, unlike sa mga cheap na stock suspension fork.
Sa drivetrain, naka 3×9 speed na itong Comodo Hacker. Shimano Altus ang mga pyesa na gamit, sa Shifter, FD, at RD. Mas angat yun sa Tourney lang na pyesa.
Naka hydraulic disc brakes na din itong Comodo Hacker. Ang kagandahan dito, Shimano Non Series hydraulic brakes ang nakakabit.
Sa crank naman, Prowheel yung brand ng crank. Sa pagsusuri ko sa picture, mukhang alloy naman na yung crank arm.
Yung rim naman, Aeroic ang brand. Sa nababasa ko sa mga products nag Aeroic, nakalagay din na made by Mountainpeak daw sila. Yung gamit ko ngayon sa Ave Maldea CX bike ko ay Aeroic 29er rims. Wala namang issues, hindi din ganun kabigat, medyo malapad pa nga ito kumpara sa nauna kong generic rims din na nabili.
Sa hubs, di ko alam kung anong hubs ang nasa wheelset nitong Comodo Hacker. Pero we can expect na cassette type na ito, bakit? Dahil 9-speed na kasi e, wala pa akong nakitang 9-speed na thread type. Parehas na din quick-release ang skewers ng hubs na ito, sa harap at sa likod.
Sa gulong naman, Kenda yung brand. 27.5 ang size ng gulong ng Comodo Hacker. Hindi ko lang alam ang lapad nitong gulong, siguro nasa 2.1 o 2.2 na din. Hindi sobrang aggressive ng knob patterns nitong stock tires sa Comodo Hacker, swak lang yun pang long ride sa mga sementadong kalsada, at the same time kayang kaya din naman mag off-road at trails.
Sa ibang pyesa naman, mukhang maganda din naman. Maganda yung saddle, naka quick-release din yung seat clamp, hindi old-school yung seat post, may konting angle sa may stem na pwede mo pa i-adjust kung gusto mo nakababa, straight yung handlebars.
P12,500 yung price nitong Comodo Hacker. Madami akong nakikitang interesado sa model na ito. Kung swak sa budget mo, sa tingin ko hindi na din masamang choice ito. Maganda na din naman yung mga pyesa, 9-speed at naka hydraulic na. Maganda din yung frame kasi internal cabling na.
Pero konting dagdag na lang, Trinx B700 na diba?
Leave a Reply