Madami daming bagong bike na ilalabas si Trinx para sa ngayong taon na 2018. Isa na dito itong Trinx M610. Kaya pala wala ito sa website ng Trinx dahil isa itong limited release na dito lang sa Pilipinas nilabas.
Wala pa din akong masyadong info tungkol sa bike na ito, pero una ko itong nakita sa blog na ito.
Tignan muna natin ang specs ng Trinx M610.
Trinx M610 Specs
Model | Trinx M610 |
Brand | Trinx |
Type | XC |
SRP | P7,990-8,950 |
Sizes | 26er 27.5 29er |
Build | Alloy Special Tubes |
Fork | Suspension Fork |
Travel | 100mm |
Lock-out |
Shifter | LTWOO A3 |
Front Derailleur | LTWOO A3 |
Rear Derailleur | LTWOO A3 |
Cassette | 13-32T |
Chain | 8-speed chain |
Brake | X-Spark Hydraulic Disc Brakes |
Chainwheel | Prowheel 24/34/42T 170mm |
Rim | Alloy Double Wall |
Tire | Kenda 2.10 |
Trinx M610 Review
Maganda yung frame nitong Trinx M610. Alloy na. Hindi ko lang alam kung may mapagpipilian pa na frame sizes bukod sa size 16. Hindi ko pa din sure kung ano pa ba ang ibang mga colorways ng bike na ito.
Pero porma, para sa akin maganda na. Simple lang ang pagkakatira sa pintura. Matte pa ang dating.
Naka-internal cabling na din yung frame kaya mas maganda. Mas malinis tignan. Mas okay din yun kung ikukumpara mo sa mga mas naunang labas ni Trinx na bike na hindi pa nakainternal cabling.
Ang isa pang kagandahan nitong Trinx M610, meron Trinx M610 Elite na 27.5 variant, at meron ding Trinx M610 Quest na 29er variant naman. Yung plain Trinx M610, 26er naman yun. May choices ka na, depende sa preference mo na wheel size.
- Usapang MTB Wheel size – Ano ba mas maganda sa 26er, 27.5, at 29er?
Yung fork naman, pwede na din as stock fork galing kay Trinx. Magandang klase na din naman, may kabigatan nga lang pero okay na din kasi may lock-out.
Sa mga pyesa na nakakabit, LTWOO A3 ang nakalagay. Yun ang 3×8 speed na gear set ni LTWOO. Maganda na din naman yung LTWOO na pyesa, natesting ko na yan, same lang kasi yan sa Trinx C520 ng tropa ko.
- Bago ka bumili ng LTWOO: Lahat ng dapat mo malaman tungkol sa LTWOO
3×8 speed ang setup. Tatlo ang plato sa harap at 8 naman sa likod.
Prowheel yung brand ng crank, alloy na din yung crank arms. 3x ang setup, maganda na din.
13-32T naman ang sprocket na nakakabit. Sa hula ko, thread type pa ito. Kasi common naman na ganun kay Trinx na pag budget bike at nasa 7-8 speed lang, thread type pa din yung cogs.
Pwedeng pwede na din sa mga ahon yung cogs nito kasi 32T na yung pinaka malaki.
- Gusto mo ba mag upgrade ng sprocket? – Weapon Shuriken Cassette
X-spark yung brand ng hydraulic disc brakes. Naka hydraulic brakes na itong Trinx M610. Kagaya lang din ng Trinx C782 sa brakes, overall specs at pyesa. Wala pa ako experience sa preno na ito, pero tingin ko naman ay okay na din ito pang beginner. Iba nga lang daw ang pag bleed nito, kumpara sa Shimano hydraulic brakes.
Alloy at double wall na yung rim. Yung gulong naman, Kenda brand na na 2.10 ang lapad. Ayun nga, may ibat ibang wheel size itong Trinx M610. Trinx M610 Elite na 27.5 at Trinx M610 Quest na 29er.
Trinx M610 Price
Hindi ko sure kung ganito ang magiging price sa lahat, pero para magka idea lang tayo:
- Trinx M610 (26″) – P7,990
- Trinx M610 Elite (27.5″) – P8,500
- Trinx M610 Quest (29″) – P8,950
Verdict
Not bad na din sa presyo nya bilang budget bike.
Similar specs sa Trinx C782 talaga na naging mabenta din dahil isa na sa pinakamurang naka hydraulic brakes na pang beginner.
Mas maganda nga lang itong bagong labas na Trinx M610 dahil naka internal cabling na yung frame.
May wheel sizes na din na mapagpipilian, hindi na limited lang sa 27.5
Magkakaiba nga lang ng presyo sa ibat ibang variant ng wheel sizes.
Tingin ko maganda na din, pwede na, lalo na dun sa mga gusto magkaroon ng bike pero hindi naman masyadong malaki yung willing na gastusin. Kahit na mababa lang ang budget ay pwedeng pwede magkaroon ng magandang bike, sa wheel size na gusto nila, naka hydraulic brakes na at maganda pa iupgrade din sa future dahil okay na okay yung frame.
Good move ito ng Trinx, kung ako ang tatanungin.
Update:
Ito na pala yung mga colorways ng Trinx M610. Bet ko yung black na may accent ng pink. 😂 Maangas ang dating. Images grabbed from LJ Bikes.
Ano po mas okay bilhin, itong m610 quest(29er) or trinx q500? halos same lang ng price kasi
mahirap na yata makahanap ngayon ng q500. pero yung M610, di na din masama, naka hydraulic brakes na din at okay yung frame naka internal cabling na.
Cassette type po ba toh?
thread type pa din yata
Anu po mas mganda sir ian m610 o c782?
Sir ian ask lng po anu mas ok i2ng m610 o c782?tia
Sir ian ask lng po anu mas ok m610 o c782?tia
Trinx M610 mas ok.
yung cogs ng C782 kasi 7-speed lang, kahit na 8-speed ang shifter nun.
Di naman sila nagkakaiba ng price at specs, pero kung pipili ka sa dalawa na yan, mag Trinx M610 ka na. May 29er variant pa.
Anu po mgandang mtb n trinx budget 10k?
Sir, nakabili ako ng Trinx C782 na internal cabling din. Black/Pink color. hehe 9k brandnew po.
nice, internal cabling na din pala mga trinx c782
Sir Ian ano po mga iuupgrade dito sa m610 29er?
for me, hubs siguro, at cassette. di pa kasi quick release yung hubs e. pero kung wala issue sayo na di sya naka quick release, good na good na ito overall as stock
nka quick release na din po ba ako wheel nito?
hindi pa naka quick release
Boss ian ano kaya pwedeng mtb sakin nasa 5’3 1/2 lang ako tas mejo maikli legs ko . Ano po kaya ma suggest nyo
para di ka mahirapan, mag 26er ka na lang siguro. madami ka mapagpipilian na maganda, itong Trinx M610, may 26er nito.
Maupgrade po ba ung wheel ng 16 from 26er to 27.5?
di ko masabi e, siguro pwede pa din naman
Sir ask lang po may small frame po ba na available sa 26er ng m610? Tsaka ask ko lang po baka may mairecommend kayo sakin na bike store na mura po buy sana ako ng bike. Kaya na po ba yung 26er na 17frame? 5ft lang po yung papadjak. Email me nalang po sir maraming salamat po.
wala yata ibang frame sizes dito, sabihin mo na lang muna sa shop kung pwede mo isukat, ung tatayo ka lang sa ibabaw ng bike, as long as di sayad habang nakatapak ka sa lupa, pwede pa yan, ihabol na lang sa saddle position, seatpost height at sa stem length
Sir Ian.. Ano po ba magandang Trinx Bike na 29er nah at may 10 speed na pasok nah sa 10k and 15k nah budget?
Yung Trinx M1000 sana, kaso lang di ko alam kung may 29er variant ba yun.
Pwede din na yung Keysto na 10-speed naman, Trinx din naman ang gumawa nun, iba lang ang naka print sa frame, mas mura pa.
Sir kung M610 and M500 Quest ano po mas maganda?
M500 lang ok na, iupgrade mo na lang sa hydraulic brakes, pwede din yung M600 Quest para Shimano parts pero naka hydraulic brakes na din.
Saan magpableed ng xspark kaya,? Sa pinagbilhan kaya nila?
pwede, basta may bleeder na pang tektro
Sir ian pwede po ba na pag bumili ka ng brand new na MTB papalitan na agad ng bagong manubela??
Mas nadadalian kc ako sa FLAT.
oo naman, pwede yan
Boss ano ba ung size ng stem ng trinx m610 na 27.5..di ko pa kasi nkikita ng personal ung bike na un my handle bar kasi akong nbili 31.8mm ang sukat di ko alam kung sakto ba un sa stem ng bike??
pwede po yan
Sir, kuya, magkano po kaya shipping fee nila kung quezon pronvince area? Thanks po.
hindi ko lang po alam
Hello po sir ask ko lang po kung anong size ng Seatpost pero ung binili ko po kasi sa LJ bike Shop na Trinx Majestic G10 Elite di ko po kasi Sure kung 27.2 or mas maliit pa planning kasi mag palit ng cockpit set maraming salamat po
hindi na po yan mas liliit pa sa 27.2
Sir bumili ako kahapon ng brand na to Trinx Elite 27.5. Sinubukan kong itest sa bahay na.. Sa 1 & 8 gear ok naman. Bkit sa 34567 automatic na nagchachange gear kahit hindi nmn ngpapalit. Anu pong problema? Hindi ko na kc natest sa lj bike shop..
Hello po Sir Ian, ask ko lang po kung ano ba maganda iupgrade sa m610 26er? Yung bf ko kasi iba ng bike kaya di kami magkaintindihan kung okay lang ba stock or upgrade
ano po yung weight ng trinx m610?