Mga Below P1K na Pwede Bilihin para sa Bike

Hindi lahat ng gamot dapat mahal

Yung mga upgrades sa bike, magastos talaga yan. Pag tinamaan ka talaga ng sakit ng biker na “upgraditis”, kahit kakabili mo pa lang ng bike ito ang magiging lagi mong tanong:

“Ano kayang magandang i-upgrade sa bike ko?”

Kahit wala naman dapat palitan. Kahit hindi pa masyado nagagamit yung bike.

Hindi talaga maiiwasan yan. Madali naman yan e, upgrade mo lang agad yung mga pyesa nya, kaso medyo mapapagastos ka dun

Pero may mga bagay din naman na pwedeng bilihin na mura lang, na pwede mo na din masabing upgrade sa bike. O basta para sa bike, kahit hindi naman upgrade na pyesa, na kahit papaano siguro makakatulong na magamot ang nararamdaman mo na upgraditis.

Cycling Jersey and Cycling Shorts

Kung normal lang na shorts at t-shirt ang gamit mo pag padyak, maganda siguro na subukan mo din magsuot ng proper cycling jersey at shorts.

via DHgate

Mas kumportable kasi, at hindi nakakaipon ng pawis yung tela ng ganitong damit. Pwede mo pa buksan yung zipper sa harap ng jersey para mas madali ka makapagpa cooldown ng katawan pag nagpapahinga na o kahit habang tumatakbo.

May bulsa pa yung cycling jersey sa likod na pwede mo malagyan ng cellphone, at iba pang mga gamit.

Yung cycling shorts naman, may padding na nakakatulong mabawasan ang saddle sores. Hindi mo na need mag underwear sa loob para mas kumportable din lalo. Kung hindi ka naman sanay na naka cycling shorts lang, pwede ka naman mag short pa ng pang bike sa labas. Importante lang talaga na may padding ka sa loob.

Mura lang ito sa bangketa, yung huli kong bili nasa 200 pesos lang ang jersey at yung shorts naman nasa 230 kaya tawadan. Hindi mo man masasabing dabest ang quality, pero pwede na. Mura lang naman e. Ito yung KSK ang nakasulat na brand.

Merong nabibiling set na sa bangketa din, mas mahal ng konti pero sa karanasan ko na pagbili nun, mas maganda ang kalidad nun. Ito naman yung mga Coolmax na ang brand.

>> Buy Cycling Jersey Online

Bike Computer

Kung gusto mo medyo i-up ng konti ang level ng pagpadyak mo, gumamit ka na ng bike computer. Ito yung nilalagay sa stem o sa may handlebar para may visual indicator ka kung ano na yung current speed mo, ilang kilometro na yung natakbo, at gaano katagal ka na pumapadyak. Pwede mo din makita yung max speed mo, average speed, at iba pa.

via The Bike Lane

May murang nabibili nito. Sunding yung brand. May wireless at merong wired. Pwede na din.

Meron din naman na mas kilalang brand, Cateye kaso may kamahalan na, pero yun ang gamit ng karamihan.

May nakita din ako sa online na Lixada ang brand, mura din at may cadence sensor na.

Yung gamit ko ngayon ay Bryton ang brand, may GPS na ito, pero sobra na sa P1k ang presyo nito, medyo may kamahalan pero sulit na din kasi pwede i-sync sa Strava at i-pair sa mga ANT+ sensors.

Mas okay na may dedicated bike computer ka kaysa sa cellphone ang gamitin mo, pwede yun pero medyo hassle mag mount sa handlebar, baka mahulog, at malakas pa sa baterya.

>> Buy Cycling Computer Online

Cockpit Set

Sa mga budget bikes, minsan bakal pa ang cockpit set nyan. Yung handlebar, yung stem, at yung seat post. Okay din na mapalitan yun ng alloy na para kahit papaano, makabawas ng bigat. Mura lang din ang mga to sa bangketa, nasa 300 lang isa ng bawat pyesa na yan. Kahit hindi orig na branded, basta alloy lang pwede na.

via LJ Bikes

Pwede ka din magpalit ng handlebar o stem depende sa setup na gusto mo gawin. Riser handlebar kung gusto mo mas upright pa at comfortable na position sa bike, pwede din straight handlebar naman at negative stem para sa mas aggressive at pang karera na riding style.

Handle grip din maganda at mura din na pwedeng bilihin. Madaming klase, madaming kulay na swak i-terno sa bike.

>> Buy Handlebar Set Online

Pedals

Yung pedals ng bike, magandang palitan din sa mga stock ng bike. Kasi karaniwan sa stock pedals, plastic lang, o hindi din maganda ang itsura.

via Aliexpress

Madami na din mapagpipilian na mga murang pedals na alloy na. May ibat iba pang kulay na ayos din i-terno sa porma ng bike.

Mas okay kung sealed bearing na pedals na din ang ipapalit para mas maganda ang performance, mas less worry sa alog, kaya lang mas mahal lang ng konti sa ordinary pedals pero meron namang hindi lalampas ng P1k ang presyo.

>> Buy Pedals Online

Crank Boots

Ito yung nilalagay na goma sa may dulo ng crank arms, malapit sa kabitan ng pedals.

via Aliexpress

Pang proteksyon na din sa gasgas ng crank arms.

May makulay na mapagpipilian din nito.

>> Buy Crank Boots Online

Brake Lever Boots

Ito naman yung nilalagay sa may brake lever yung kinakapitan natin pag mag ppreno na tayo.


via Aliexpress

Bukod sa porma lang din, madaming kulay, okay din na maglagay nito kasi mas masarap sa daliri.

Sa mga non-series naman na hydraulic brakes ni Shimano, kinakalawang yung brake levers, kaya nakakatulong din itong brake lever boots.

>> Buy Brake Levers Online

Chainstay Protector

Ito naman yung nilalagay sa may chain stay. May ibat ibang variant nito. Pwede ka nga din mag DIY nito.

via Youtube

Ito yung tumutulong para hindi magasgasan yung pintura ng bike mo sa may chainstay. Yung tinatamaan ng kadena kapag  nagrride ka sa mga may lubak.

Yung velcro type nga lang ang gamit ko na ganito, buti na lang at noong una pa lang gumamit na ako agad ng ganito. Meron pa na mabibiling imitation ng sa Da Bomb na rubber type, mas mura kaysa sa orig pero parehas lang naman ng trabaho. Makukulay din yun.

>> Buy Chainstay Protector Online

>> Buy UnliAhon Official Chainstay Protector Merch

Jawbreaker

Ang tinutukoy ko dito ay yung shades na pekeng Oakley. Alam naman natin na sobrang mahal ng orig na Oakley Jawbreaker.

via SFME

Pero madami mabibili nito sa bangketa, tig-P100 lang. Maporma, bagay sa biker, at syempre proteksyon mo na din sa puwing at sa araw.

Kung afford naman ang mas maganda at orig na sunglasses, mas ok yun. Spyder brand maganda, ganun ang gamit ko.

>> Buy Cycling Glasses Online

Saddle

Kung masakit ang upuan mo sa pwet, maawa ka sa pwet mo baka kailangan mo ng bagong saddle. Mura lang naman ang mga saddle, madami ding klase at style. Kaya lang, hit-or-miss ang mga ito, kasi wala namang perpektong saddle na kumportable sa lahat ng tao.

via eBay

Bawat bikers, ibat iba ang saddle na pinapaburan ng pwet nila. Parang trial and error ang gagawin mo dito hanggat mahanap mo ang saddle na soul mate ng wetpaks mo.

>> Buy Saddle Online

Saddle Bag

Kung wala ka pa nito, pero hindi ka naman sensitibo sa porma, magandang bumili ka din nito. Ayaw kasi ng iba maglagay ng ganito, nasisira daw ang porma ng bike nila.

via Top10BestPro

Pero para sa akin, malaking tulong din na may ganito ka kasi may isang lugar ka na mapapaglagyan ng spare tubes, bike tools, patch kit at emergency cash na din sa bike mo.

>> Buy Saddle Bag Online

Hydration Bag

May mura nito, may mahal. Pero makakabili ka nito ng 1k budget. May kasama ng hydration bladder na nilalagyan ng tubig at may mahabang hose na pwedeng sipsispin habang pumapadyak.

via Evans Cycles

Hindi din naman uncomfortable ito sa likod e, kasi maliit lang din naman karaniwan ang ganitong mga bag.

May extra lagayan ka pa ng iba mo pang mga gamit, swak pang long ride o ride sa bundok para sure na hindi ka kakapusin sa tubig.

>> Buy Hydration Bag Online

Fender

Yung ganito, okay na maglagay sa may fork.

via Pinkbike

Ang tinutukoy ko dito ay yung mumurahin lang na kinakabit pa zip tie. Pwede din mag DIY nito mula sa sliding folder o sa galon.

Kapag tag ulan, nakakatulong to para hindi ka matalsikan sa mukha ng tubig o putik man.

>> Buy Fender Online


Ayun, ito na siguro muna. Yung ibang mga hindi nabanggit dito tingin ko ay karamihan meron na kasi mga essentials na lang talaga yun.

Hindi mo ikakabilis o mas ikalalakas ang mga nabanggit dito, pero kahit na papaano ay may maiaambag ang mga ito sa pag padyak mo.

Hindi din ito upgrades, dahil mas maganda talaga na iupgrade muna sa una ay ang katawan. Hindi lang basta yung tuhod. Dapat pati cardiovascular, para hindi ka hingalin sa rides masyado. Makukuha mo lang to kapag mas dumadalas ka pag padyak.

Sana makatulong ang mga to, ride safe mga kapadyak.

Disclaimer: May mga links sa post na ito na papunta sa Lazada. Kapag nai-click nyo at bumili kayo ng kahit na ano, may kaunting commission ako na matatanggap.


  •  
  •  
  •  
  •  
    1. Pete May 22, 2018
      • Ian Albert May 23, 2018
        • Jericho July 21, 2018
          • Ian Albert July 24, 2018
    2. Ben May 24, 2018
      • Ian Albert May 25, 2018
    3. Maureen May 27, 2018
      • Ian Albert May 29, 2018
    4. 3EN2T June 4, 2018
      • Ian Albert June 7, 2018
    5. Nikolai July 11, 2018
      • Ian Albert July 12, 2018
    6. Dan Angeli July 12, 2018
      • Ian Albert July 12, 2018
    7. Maria Frizzel Sarinas July 21, 2018
      • Ian Albert July 24, 2018
    8. Con July 23, 2018
      • Ian Albert July 24, 2018
    9. Ryan Tiu September 7, 2018
      • Ian Albert September 11, 2018
    10. Andrei Franzis L Hernandez October 19, 2018
      • Ian Albert October 24, 2018
    11. Chrish November 6, 2018
      • Ian Albert November 12, 2018
    12. Eduard Lumicao January 16, 2019
      • Ian Albert January 23, 2019
    13. Michael February 25, 2019
      • Ian Albert March 16, 2019
    14. yuri April 7, 2019
    15. Normzky June 14, 2019
    16. Marcperez August 9, 2019
    17. Marcperez August 9, 2019
    18. Basilio August 10, 2019
    19. Nathan December 5, 2019

    Add Your Comment