Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung saan galing itong Comodo brand ng mga mountain bike. Sa Ryanbikes ko lang sila nakikita. Pero sa obserbasyon ko, madami din pala ang nagkakainteres sa modelo na ito.
Susubukan nating suriin ang bawat pyesa nitong Comodo Hacker na MTB, 2018 version daw.
For specs list, click here -> Comodo Hacker 2018 Specs
Medyo limited lang yung info natin dito sa Comodo Hacker bike na ito.
Alloy yung frame ng Comodo Hacker. Naka-internal cabling na din, kaya malinis tignan dahil sa loob ng batalya dumadaan ung mga cable ng shifters. Maganda din yung kulay para sa akin, matte black, tapos highlights na lang ng Red, Blue, at Green para sa mga variants ng kulay. Chromed pa yung dating ng pagkakatatak sa logo na Comodo sa down tube kaya mukhang makintab yung brand logo.
Syempre, dahil alloy yung frame, mas magaan kumpara sa bakal pa yung batalya. May nakakabit din na side-stand, nakakatulong din naman ito para sa madaling pag park. Clamp-type yung stand, kaya madali lang tanggalin, wala naman yata kasing kabitan ng stand talaga yung frame, unlike sa mga MTB tulad ng Trinx M136 o Trinx M500.
Hindi ko lang alam kung may sizes pa na mapagpipilian para sa mountain bike na ito.
Yung fork, mukha namang walang espesyal. Comodo branded din, pero may lock-out na yung suspension. Sa tingin ko okay naman yung fork na ito dahil hindi naman mukhang payat yung stanchions, unlike sa mga cheap na stock suspension fork.
Sa drivetrain, naka 3×9 speed na itong Comodo Hacker. Shimano Altus ang mga pyesa na gamit, sa Shifter, FD, at RD. Mas angat yun sa Tourney lang na pyesa.
Naka hydraulic disc brakes na din itong Comodo Hacker. Ang kagandahan dito, Shimano Non Series hydraulic brakes ang nakakabit.
Sa crank naman, Prowheel yung brand ng crank. Sa pagsusuri ko sa picture, mukhang alloy naman na yung crank arm.
Yung rim naman, Aeroic ang brand. Sa nababasa ko sa mga products nag Aeroic, nakalagay din na made by Mountainpeak daw sila. Yung gamit ko ngayon sa Ave Maldea CX bike ko ay Aeroic 29er rims. Wala namang issues, hindi din ganun kabigat, medyo malapad pa nga ito kumpara sa nauna kong generic rims din na nabili.
Sa hubs, di ko alam kung anong hubs ang nasa wheelset nitong Comodo Hacker. Pero we can expect na cassette type na ito, bakit? Dahil 9-speed na kasi e, wala pa akong nakitang 9-speed na thread type. Parehas na din quick-release ang skewers ng hubs na ito, sa harap at sa likod.
Sa gulong naman, Kenda yung brand. 27.5 ang size ng gulong ng Comodo Hacker. Hindi ko lang alam ang lapad nitong gulong, siguro nasa 2.1 o 2.2 na din. Hindi sobrang aggressive ng knob patterns nitong stock tires sa Comodo Hacker, swak lang yun pang long ride sa mga sementadong kalsada, at the same time kayang kaya din naman mag off-road at trails.
Sa ibang pyesa naman, mukhang maganda din naman. Maganda yung saddle, naka quick-release din yung seat clamp, hindi old-school yung seat post, may konting angle sa may stem na pwede mo pa i-adjust kung gusto mo nakababa, straight yung handlebars.
P12,500 yung price nitong Comodo Hacker. Madami akong nakikitang interesado sa model na ito. Kung swak sa budget mo, sa tingin ko hindi na din masamang choice ito. Maganda na din naman yung mga pyesa, 9-speed at naka hydraulic na. Maganda din yung frame kasi internal cabling na.
Pero konting dagdag na lang, Trinx B700 na diba?
Kuya may ryanbikes ba dito sa manila ?
di ko lang sure, check their fb page nalang kapadyak
pag kaka alam ko po sa LAGRO (doon ako bumili ng comodo hacker 29er) at kamuning
boss ian albert yong comodo brand ay gawa at design mismo ng mayari ng ryanbikes
sa kanila pala galing yan
pag kaka alam ko po sa LAGRO (doon ako bumili ng comodo hacker 29er) at kamuning
paps pa review naman po ng Simplon Blizzard 7.1
noted kapadyak
Bos gudam po.
pa review naman po ng simplon 7.1 para malaman na ng lahat ng my gusto sa mtb nto..kung anu swak b sya..tulad ko po gusto ko malaman spec nya bgo ku bilin.. salamat po bos.
Maganda yung comodo hacker
Ano mas better bro Foxter Vinson 6.0, o itong Comodo Hacker?
foxter vinson ka nalang
foxter vinson o keysto elite?
maganda yung keysto, sulit
ano mas better bos comodo hacker o trinx
trinx ka na lang
Hello. Baka po pwede pa review ng CONQUEST ELITE 27.5. i am interested to buy. thanks you
keysto ba to
Kakabili ko lang po ng ganito sa ryan bikes. Pero eto ay comodo hacker 2019 29er daw. Nung tinignan ko specs nito at ng binili ko wala naman pinagkaiba bukod sa size ng gulong. Nabili ko sya for 11,120php. Sulit na po ba mga sir o may mas better sana ako na nabili?
Thanks. Balak kasi bumili ng papa ko ng gaya ng akin, baka lang may mas better pa na pasok sa 11k budget.
pwede na din yan, palit na lang ng pyesa pag may nasira, enjoy your ride
Let say same specs, alin yung magandang brand, comodo, foxter or trinx?
Salamat sir.
sa Trinx ako kasi mas well-established ang company nila, may sariling factory at magkakaroon na din ng factory dito sa Pilipinas
Sir planning to buy mtb, choices ko are comodo hacker, foxter ft 306 at trinx x1
5’8″ height ko
Specs vs price, alin kaya pinakasulit?
Thanks
go for X1 tapos yung 27.5 or 29er na variant
Ano po bang kaibahan ng cassette type at thread type na hubs? Ano po advantage ng isa s isa. Newbie here. Tnx in advance lodi
PA REVIEW NAMAN PO NG COMODO HACKER 29er 2019
Etong bike ko ngsyon…. naghahanap ako ng full specs sana nung mga pyesa para alam ko kung anong pwedeng iUps… Baka me alam ka idol lalo na sa mga weight nung mga pyesa, gusto ko na sanang maglevel up 🙂 For beginner like me ayos na ayos sya.. gamit ko yan every weekends….sa Ryanbikes ko nakuha..
wala akong access sa bike na ito kaya hindi ko matitimbang ang bawat pyesa nito. kung gusto mo mas gumaan yung bike, upgrade mo na lang wheelset, fork, at groupset. pero as stock, ok na din ang setup nyan
Thanks paps, okay nako sa stock nya after magupgrade sa SLX and Crankbrother na pedal…solve na.. thanks. hope to bump into you on one of my rides, lodi 😉
Upgrade mo lang ng yung
*fork (mountain peak – all black- 3500 pesos)
*crank (i-single mo lng- 3500 deor (black) Quiapo mas mura
*sticker(remove all)
*tire (stock 29×2.1) upgrade mo na lang ng maxxis (29×2.4) set 4500
11500 upgrade + 11120 orig price ni comodo
22620 pesos. Eto total cost ko pero nabenta ko din naman ung stock.. Parang 17k lahat ng gastos ko pero kung porma panalo tong setup dre
Isa lang inupgrade ko as of now. Okay na okay nako sa bike nato. Inupgrade ko lang groupset to SLX, ayos na! Next ko iaup is fork to Air sus, eyeing for at least Epixon/Epicon
Hello po may Ryanbikes po tayo sa kamuning at katipunan branch po. Salamat po😊
Kuya pareview ng comodo reptile parang halos pareho sila ng foxter ft301 pati pyesa pareho sila at pareho sila ng batalya ng comodo high grade
Kuya pareview ng comodo reptile halos pareho lang sila ng foxter ft301 na 2019 model pati pyesa nila pareho at pareho batalya nila ng comodo high grade