Ito namang Trinx Q800 ay mas upgraded version ng Trinx Q500.
29er din ito pero isang quick look sa specs nya, masasabi kong mas maganda ang mga pyesa nito kumpara sa Q500.
Trinx Q800 Specs
FRAME
- FRAME: 29″*16″/18″ Alloy Special-Shaped Tubes
- FORK: Suntour SF16 XCT Alloy Suspension Travel:100mm
Meron pa din sizes na 16 (medium) at 18(large) para sa mga riders na may iba’t ibang height. Alloy ang frame at same lang din sa Q500 ng geometry at shape ng tubes.
Internal cabling na din ang frame kaya sa loob na dumadaan ang shifter cables, mas malinis tignan ang frame.
Yung fork ay mas maganda na ng konti kesa sa generic Trinx fork dahil Suntour na ito, pero entry-level lang dahil XCT lang ito.
COMPONENTS
- PEDAL: Alloy
- SADDLE: Trinx Sport
- HANDLEBAR: Trinx Alloy Flat
Parehas lang sa Q500 ang pedal, saddle, seatpost pero yung handlebar nitong Q800 ay flat naman. Mas pormang cross-crountry.
DRIVETRAIN
- SHIFTER: Shimano Altus SL-M370
- FD: Shimano Altus FD-M370
- RD: Shimano Altus RD-M370
- CHAIN: KMC
- BRAKE: Shimano M315 Hydraulic Disc
- CHAINWHEEL: Prowheel 22/32/44T*170L
- CASSETTE: Shimano CS-HG200-9 11-32T
Shimano Altus na ang mga pyesa, pero yung crank lang Prowheel pa din. Alloy naman kaya magaan na din.
9-speed na Altus ang drive train, na may 11-32t na sprocket. Hydraulic na din ang preno na non-series Shimano hydraulic brakes.
WHEELS
- RIM: Weinmann Alloy Double Wall
- TYRE: CST 29″*2.10″ 27TPI
- HUB: Novatec Alloy Sealed Bearing
Mas maganda lang yung tires ng Q500 dahil kenda na yun pero itong CST Jack Rabbit tires ay okay na din naman pang starter. Tumatagal din naman ang tires na CST. Hindi din sobrang knobby ng tires kaya sakto lang pang trails at pang kalsada.
Yung hubs ay mas maganda dahil Novatec na na sealed bearing pa. Sigurado ka na pang matagalan na itong hubs na ito.
Mas sulit ba ito kesa sa Trinx Q500?
Ang price ng Trinx Q500 ay P8500, ito namang Q800 ay nasa P13800.
May price difference sila na P5300.
Ang na-upgrade sa Q500 ay fork, 9-speed drive train, hydraulic brakes at Novatec hubs.
Pero sa tingin ko may mas magandang pag gamitan ang P5300 na sukli.
- Bumili na lang ng Shimano non-series hydraulic brakes.
- Bumili na lang ng Alivio upgrade kit para sa 9-speed upgrade. Mas maganda ang shifting, at mas magaan, mas malaki din ang granny gear sa likod na 11-36t. Kaso lang hindi ko sigurado kung cassette type na ba yung hubs sa Q500, kasi kung hind pa, kailangan mo pa ito palitan ng cassette-type hubs para magamitan ng 9-speed na cassette. Pero if ever may balak ka mag upgrade din in the future, mas okay pa din na yung Q500 na lang ang piliin mo na mas bilhin.
- Bumili in the future ng mas okay na fork gaya ng Suntour XCR bilang upgrade sa generic fork ng Trinx. Mas maganda ang XCR kesa sa XCT.
- Bumili ng Shimano sealed-bearing hubs.
Maaring kulangin yung sukli pero para sa akin, mas sulit ito na upgrade kung sakali.
Pero kung ayaw mo naman talaga ma-hassle sa pag-intindi pa sa mga pyesa pyesa na yan, at gusto mo lang ng ride na may magandang pyesa; yung sasakyan mo na lang – pwede na din itong Trinx Q800. Magkaiba din ng colorways ang Q500 sa Q800, kaya kung yung trip mong kulay ng frame ay nasa Q800, go lang.
Hi sir, durable ba sya for long distance travels (manila to qc)? Thanks
yes sir, it will be durable and be able to easily handle those type of rides.
Type ko to pwede na ba yan sa newbie?
Pwedeng pwede naman John ervin basta may budget, walang kaso yan kahit newbie pa 🙂
5’2 po ang height ko, pwede po kaya sa akin yung q800 na size ’16 ?
medyo malaki yun sayo Nathaniel, baka mahirapan ka, kailangan mo ibaba yung upuan tapos masyado kang naka-kuba doon. try mo sana ang size na 15 kaso walang ganun sa q800. pero kung mapunta ka ng shop na bibilihan mo ng bike, makiusap ka kung pwede mo itry sakyan yung size 16.
Sir tanong lang san po ba meron bike shop sa Laguna na affordable at pwedeng mag deliver sa malayong lugar, prepared Trinx bike.
Salamat po..
di ko kabisado mgaa bikeshops dyan sa laguna. meron ako alam na isa, unang pumasok sa isip ko pero pag check ko sa fb wala na sila, di ko sure kung anung nangyare kung may naging issue or whatsoever. but I think madami naman bike shops dyan sa laguna na may Trinx bikes at may online presence din.
Meron ako nahanap online kaya lang wala naman sila stock ng trinx bike, pinakamalapit ay jan sa Cavite dealer talaga sila ng trinx hindi ko palang naitatanong kung nag dedeliver din sila medyo malayo kc kung mag bibiyahe pa ako..Anyway’s salamat sir sa reply and God blessed po..
Kung mag upgrade po ako sa 11 speed kakasya po ba sa hub o papalitan pa?
siguro 8-10speed lang ito, di kasi lahat ng cassette type hubs ay 11-speed na.
Ilang speed po kasya sa hub neto?
di ko sure ha, huhulaan ko lang. since hindi sya thread type, safe guess is 8-10 speed siguro.
Thanks po sa info.
Ano po mas maganda xcm or xct ?
mas maganda XCM pero advise ko sayo mag XCR ka na.
5’10 height ko di ba uubra sakin yung 16″ na frame size ? Hirap humqnap ng 18 na q800 e
maliit siya pero okay lang naman yun kahit medyo mas maliit sayo yung frame. pwede pa habulin sa stem at seatpost. bili ka na para maka ride ka na. haha ride safe.
saang shop kaya makakamura baka may alam po.kayo?
pwede ka magcanvass sa quiapo o sa cartimar, madami namang shops dun, karaniwan iba iba sila ng presyo, piliin mo nalang kung saan ung may pinaka mura.
Sir pede po ba magpagawa ng review for trinx M520… Salamat po
incoming na po yun
Sir pwede kita e add sa fb? Ok lang ba mg pm sau sa mga tanong?
okay lang, no problem, pero mas maganda pa din sana kung dito yung questions nyo baka kasi may ibang ganun din ang tanong para makita din nila sana at matulungan na din in the future.
Boss plan ko kasi bumili ng mtb pinag pipilaan ko kung b700 or Q800 ano po ba maganda sa kanila
any of the two is good choice na din naman, pili ka na lang kung 27.5 or 29er ang preferred mo
Sa shox boss ano mas maganda sa 2? B700 or q800
maganda din ung shox ng b700 kasi air na, mas magaan at mas maganda ang laro kahit trinx branded lang.
Boss yugn sa trinx q800 ano yung front shock nya air sus ba?
hindi air sus e, coil spring lang yung XCR
Naka tripled butted ba tong frame nato sir?
Alloy Special-Shaped Tubes lang yung sabi sa website ni Trinx e, hindi mentioned kung ilang butted yung make ng frame. hindi ko din alam, pag may nakita ako na ganito, i will check sa frame kung printed kung anong butted sya
idol saan ma kikita sa mismong bike kung naka ilang butted nya
sa trinx may naka print yata sa may bandang seat tube. sa ibang bikes, di ko sure kung nilalagay nila sa print mismo ng bikes.
Naka tapered na po ba yung sa may headset nya para sa fork
yan ang di ko sigurado, meron kasing mga head tube na mukhang tapered sa malayo pero hindi naman pala. kung meron ka ng ganyang bike, mas mabuting sukatin mo na lang muna yung butas ng taas at baba ng head tube kung magkaiba sila. para hindi ka magkamali ng bili ng headset.
Sir, 5’10 ang height ano po ba maganda para sakin Q800 or B700?
medium, swak na swak sayo. any of those two ok lang.
Anong size po babagay sa higght ko na 5’5″ sir?
dapat small ka lang hanggat maari para swak sayo. size 15 or 16 okay pa.
naka tripled butted po ba frame nito
hindi kasi mentioned na triple butted siya sa website ng Trinx, kaya sa tingin ko, hindi siguro.
Hello sir im 5’8 what 29er frame size suits me ?
small or medium, all good for you, just dont pick a large frame. I am 5’8″ as well but I use small size on my 29er.
ano mas okay boss? q800 or b700? salamat, balak ko kasi bumili
gawan natin ng post.
Salamat po. Balak ko po kasi bumili. Nag iipon p ng onte.
Trinx b700 vs trinx q800 please
isunod natin yan
Tanong ko lang po kung tapared po ba taaga ang head tube ng trinx q800 kasi pumunta ako ng cartimar na kita ko si q800 tinignn ko head tube na sexy shape iba size ang taas iba possible po ba ??
sa totoo lang hindi ko din masabi kasi sa picture lang ako bumabase e, hindi ko pa maconfirm 100% talaga kung tapered nga. kung magkaiba ng size sa taas na part at sa baba na part ng head tube, baka tapered nga.
Smooth welds ba to, kasi yung Q500 parang di smooth welds?
Isa pa sa napansin ko, parang di din naka internal cabling yung RD ng Q500 unlike sa Q800. Tama ba Ser observation?
smooth welds yung q800 tama ka jan ung q500 hindi smooth weld, kitang kita naman sa may headtube pa lang.
yung q500 internal cabling ang rd pero labas agad malapit sa seat tube.
yung q800 naman internal cabling ang rd pero sa may baba ng frame ang labas kaya mas malinis tignan.
Sir Ian, may ma irerecommend ba kayo sa akin na bike na hindi lalagpas ng 15k, yung specs niya is 29er, air lockout shock, shimano altus 9s or 10s, shimano nonseries brakes at shimano crank.
Sir if ever mag uupgrade ako from mechanical to hydro and upgrade ng groupset may idea kayo kung magkano pinaka cheapest?
kung upgrade lang sa hydraulic brakes, nasa 2k siguro. hydro brakes + shifters ang bibilihin.
kung buong groupset, pinakamura na ok is Alivio groupset nasa 7.5k
air fork po ba ito??
Coil lang paps
pero maganda naman po ito sa trail diba??
nag dadalawang isip po kasi ako kung anong bibilhin ko kung q800 or b700
medyo mahirap ipang trail ang 29er kumpara sa 27.5
Sir pwede mo po bang gawan ng review ang giant 29er
alin po exactly?
Sir Albert ako po 5’8 medyo malaki built ok na po ba yung 16? Salamat po.
same height tayo, swak lang yan sayo
Sir, Pwede po patulong kung ano ang Swak sa budget ko na 10k na mtb, yung maganda pyesa tapos kahit 27.5, o 29ner at naka hydraulic brakes na, tapos 9 speed sana or 8 lng, tyaka sana trinx and Foxter, Salamat po Sir.
Foxter Evans 3.0 paps, check mo, may review tayo nyan
Ah sige po salamat yun din yung isang pinagpipilian ko eh, pero sir if ever gusto ko i upgrade sya sa 9 speed ok lng po ba tyaka kung ano mga bibilhin para maupgrade
rd chain cogs at shifters na 9-speed ang need nyo para makapagupgrade kayo sa 9-speed
magkano po aabutin sir na Presyo, yung hubs po ba d na papalitan?
need pa din pala palitan yung hubs, dapat cassette type din, pasensya ka na hindi ko kabisado ang mga presyo ng mga parts na yan.
tyaka yung evans po dba 27.5 posible po ba na i upgrade sya ng 29er?
pwede pero hindi na pwede yung mataba na 29er na gulong
Paps pa advice naman po kung maganda ba yung ion motley na 2018 model din kesa foxter lincoln 4.0, diko kasi alam kung ano bibilhin ko sa dalawa eh, salamat paps.
Need ko pa i-research paps.
Cge po paps salamat ah in advance, bait mo talaga.
sir ian san ka po pabor sa trinx q800 o trinx b700
nasa sayo yan kung ano mas gusto mo, 29er o 27.5
di naman nagkakalayo specs at price nila
Idol.. pa review nmn foxter elbrus 7.0..
Salamat idol
idol newbie po ako. saan po kaya ako makakabili nitong trinx q800 na sinasabi niyong 13k+ ang price? around metro manila po. thanks po.
San po bumubili nga trinx na mas barato?
ok na ba ang trinx q800 pamasok sa school and available parin kaya ito sa quiapo
okay yan, pamasok at pang rides na din kasama ang tropa, long rides or trails.
di ko nga lang sure kung may mabibili pa na stock nyan kasi hindi yan nairenew ni Trinx para sa 2018 line up.
Sir pwede ba dito ang 29er na 2.3 or 2.25?
Balak ko po i upgrade sa 1×11 ano po magandang bilhin at yung makakamura po thanks
kung pinaka makakamura, bili ka ng 1x crankset na hindi from big brands
tapos ltwoo gear set naman sa drive train
then sa cassette kahit ano na trip mo, pero recommended ko ay Weapon Shuriken cassette
Sir gusto ko sana mag29er kaso 15K lang budget ko with equipments (like helmet etc.) Ano ba marecommend mo idol?
Trinx X1 Quest best choice na
Sir Ano mas okay eto o yung Quest na D700 ng Trinx.
Salamat
D700 Quest na kasi wala ka na mahahanap na series neto
Sir ano mas okay. Q800 or D700 2018? and ano po best fit sakin frame size. 6’0 ft po ako.
Maraming Salamat
dapat mag 29er ka para medyo bagay lang sa height mo
Kuya IAN okay ba sakin q800? Or ano pa ibang 29er na MTB 5’8 height po kasi ako..thanks sa reply
wala na po mahahanap na trinx q800 ata kasi phased out na ang model na to.
magkano price nyan?may ibaba pa ba yang price nya??
hindi po ako seller
Sir ian ano po ba headset ng q500?
integrated, non tapered, oversized
Sir ano masasabi nyo sa ecnal products