Ang Trinx Q1000 na ang top of the line 29er model sa Quest lineup ni Trinx.
Mas mataas ang specs nito kumpara sa Trinx Q500 at sa Trinx Q800.
Mas mataas din ang presyo nito. Yung nakikita ko sa facebook, nasa P18k ang bentahan nitong Trinx Q1000. Kapresyo na ng Giant ATX, pero malaking lamang naman sa specs si Trinx Q1000.
Trinx Q1000 Specs
FRAME
- FRAME: 29″*16″/18″ Alloy Special-Shaped Tubes
- FORK: Suntour SF16 XCT Alloy Suspension Travel:100mm
May choice ka pa din sa size kung medium (size 16) o large (size 18) sa Trinx Q1000.
Same geometry lang din at style ng tubings, internal cabling na din, bale colorway lang naiba.
Suntour XCT din yung fork, same sa Q800.
COMPONENTS
- PEDAL: Alloy
- SADDLE: Supra Sport
- HANDLEBAR: Uno Alloy Flat
Sa cockpit set naman naiba na dahil hindi generic Trinx parts lang.
Ayon sa website ng Trinx, Supra Sport yung saddle ng Trinx Q1000. Kung totoo iyon, medyo bongga na dahil kung Selle Royal Supra Sport saddle ito, ay nasa P2.5k (straight convert sa peso) ang online price ng ganitong saddle .
Yung handlebar at seatpost din ay Uno na, hindi generic Trinx handlebar lang. Flat bar ito, sakto pang XC ang porma.
DRIVETRAIN
- SHIFTER: Shimano Deore SL-M610
- FD: Shimano Altus FD-M370
- RD: Shimano Deore RD-M610
- CHAIN: KMC Z99
- BRAKE: Shimano M365
Shimano Deore na yung shifters na 3×10 speed, mas maganda kaysa sa Altus o Alivio. Kaya lang yung FD nya ay Altus pa din, sana ginawang Deore na lang din. Yung RD nya ay Deore na din, hindi lang naka specify kung Shadow RD na ito, mas maganda kasi yun pang trail dahil hindi masyado hahampas ang chain kapag nalulubak sa trails.
Yung brake set naman ay non-series hydraulic disc brakes pa din pero ibang version dahil M365 ito. Ito yung version na hindi bakal yung levers. Madalas kasi na kalawangin yung brake levers sa non-series na Shimano hydraulic brakes (M315).
WHEELS
- CASSETTE: Shimano CS-HG50-10 11-36T
- RIM: Weinmann Alloy Double Wall
- TYRE: Maxxis 29″*2.10″ 27TPI
- CHAINWHEEL: Prowheel 22/32/44T*170L
- HUB: Novatec Alloy Double Sealed Bearing
Deore cogs yung nakakabit na 10-speed at may 36t na pinakamalaking gear sa likod.
Maxxis Sphinx ang gulong, mas maganda kaysa sa Kenda at CST tires ng lower models. Di masyado aggressive yung knobs ng tires na ito kaya swak lang din pang trails at kalsada na rides.
Yung crank nga lang Prowheel pa din pero parang ibang modelo na.
Yung hubs naman ay naka Novatec na na sealed bearing.
Mas sulit ba ito kumpara sa Q500 at Q800?
Kung ako ang tatanungin, parehas lang ang masasabi ko tulad ng sinabi ko noon sa Q800.
Dahil kung may budget ako na P18k para sa mountain bike at gusto ko ng magandang pyesa, 10 speed at Deore na; mas pipiliin ko na lang na bilihin yung Q500 at i-upgrade yung pyesa nito sa Deore na groupset.
Maibebenta mo pa naman yung mga pinagpalitan. Baka may sukli ka pa kung upgrade kit lang ang bibilihin mo.
Pero kung ayun nga, ayaw mo ng hassle at gusto mo yung sasakyan na lang, o di kaya yung kulay na gusto mo ay nandito sa Q1000; walang pipigil sa iyo na piliin ito. Maganda na din naman ang mga pyesa.
Available ang Trinx Q1000 sa mga kulay na:
- Black with Grey Red decals
- Matt Black with Grey Blue decals
- Matt Grey with Green Orange decals
yung q1000 ba tapered naba? tapus bolt type naba hub nya?
parang hindi pa sya tapered sir, pero yung hubs nya bolt type.
paps? anu ito? tapered naba sya? hindi pa sya center lock yung hubs?
sir saang bike shop available itong trinx
Q1000?
sa mga bike shops sa quiapo or cartimar sure ako meron nyan may nakita ako nung last na mag ikot ikot ako.
Sir sana po ireview nyo yung phantom charles jerry 3.0. Curious ako dun sa charles jerry kasi di naman sya lumalabas sa google. Tapos nanghihinayang ako kasi bnigay sakin umabot ng 11k e pinapalitan ko lang ng generic stem at pedal. Yung trinx q800 nakita ko dun s kabilang shop 10500 lang. Salamat po.
saang shop yan? hinanap ko sa google yung phantom charles jerry 3.0. Nasa 8k ang price nya, mura na sa naka hydraulic brakes na 8-speed, kaya lang 26er sya, di ko alam bakit umabot ng 11k yan kung generic stem at pedal lang naman ang pinalit, dapat nasa 500 lang ang dagdag dyan kung generic parts lang.
Sir may 2018 version nba ng q1000
Tnx
wala pang update yung trinx website, puro 2017 pa lang andun.
Sir ian, meron ba nito na airfork katulad sa site ng trinx?
sa Trinx Quest series, wala e, puro XCT fork lang talaga. Yung air fork ng trinx puro nasa X-treme series.
Sir ian, ano po bang mga pinagkaiba nito sa q800?
i will make a comparison of those two bikes soon
Sir Newbie ako sa Mountain bike.
best bike for me po?
29er sana na meduim frame.
Trinx/Foxter/Rhino etc.
go with trinx 😀
tapos depende sa budget mo,
low budget q500 or m189
Magkano price nito sir ngayon sa quiapo o cartimar?
hindi ko lang sure, di ko natatanong
Ano sir mas magandang quality b700 or q1000?
parehas lang yan maganda, mas mahal lang q1000 kaya mas mataas specs kumpara sa b700
Sir ian nka ta naba ung q1000 or quick release pa din po?
hindi ko sure pero parang qr lang din
Hi sir Ian, ask ko lang po kung magkano yung deore group set?? Saka yung maxxis sphinx? Para sa Trinx Q500
deore groupset nasa 13.5k alam ko presyuhan nyan. yung maxxis sphinx naman nasa 1k plus isa nyan kung folding
Anu po ba Kua ian yung tapered?
yung style ng head tube, yung pinagkakabitan ng fork sa bike, kapag mas malaki yung butas sa ilalim, ibig sabihin nun tapered
Kuya pa advice naman may budget akong 15k… Ano po ba ang pinakamagandag mabibili ko ng MTB.. GAGAWIN KO LANG NAMAN PANG EXERCISE AT SMAA SAMA SA BARKADA
Trinx X1 Elite o kaya Trinx X1 Quest
maganda din Trinx M1000 Elite
yung Keysto na 3×11 speed maganda na din
san po ba pwedeng magandang bumilli ng Trinx X1 Elite online ganyan kasi hanap ko kaso wala akong makita sa location namin
search mo lang sa fb para magka idea ka
Paps san po ba ako makakabili niyan?
wala na po ata nabibili na Q1000 ngayon
meron po yan sa main branch LJ Bikes magpapa order ako ngyon. naka sale ng 10k untill november 30.daming sale sa page nila.ask ko lang erp IAn pwde ba sa akin ang medium 29er? 5’11 kasi ako baka maliit sa akin yon 200 KL pa naman ako. TIA!
meron pa pala neto, kala ko ubos na talaga lahat. kung sa 10k, sobrang sulit na yung q1000. swerte ng makakabili. Pwede yan sayo bro, kahit medium lang.
Sir meron bang trinx x9 dito sa pinas at magkano?
wala po ata, trinx x1 at x7 lang ang lumabas sa Pinas
SIR, MY AVAILBLE PA PO BA N TRINX QUEST Q1000 NGAYON…SAN PO AKO PWD MG ORDER?MINDANAO AREA PO KASI AKO.
Kuya Ian Yung trinx x1 ba may 29er?…at MAGKANO PO yun?