Sunpeed, ang brand na parang Specialized ang pinag gayahan.
May Sunpeed na bike kami, bike ng kapatid ko. Hindi ito ang unang beses na may mababanggit na Sunpeed bike dito sa site. Yung huling post na tungkol sa Sunpeed bike ay yung requested na review ng Sunpeed Rule bike.
Nasa P6800 ang presyo na nakita ko sa Sunpeed Rule MTB. Sa Budget Bikes ko nakita.
Itong tig P6800, hindi pa ito naka hydraulic brakes. Alloy yung frame. 3×8 speed naman yung drivetrain na mukhang Shimano parts naman na. Yung suspension fork, may lock out na. Mechanical disc brakes at naka 27.5 na wheelset.
Hindi nalalayo ang presyo at specs sa Foxter FT301.
Nagulat lang ako pagsilip ko sa ibang listings ng Sunpeed Zero, iba pa yung mga presyo ng iba at meron pang 29er.
Sunpeed Zero Hydraulic Brakeset
Ito naman yung isa. Sa Bike sesoris ko nakita. Sunpeed Zero na naka Hydraulic Brakeset. P9500 nila binebenta.
Parang ito din yung Sunpeed Zero na 27.5 upgraded lang yung brake set sa Shimano non-series hydraulic brakes.
- Frame: 27.5
- Brakeset: Shimano Non-series Hydraulic Brakeset
- Drivetrain: 3×8 Tourney Drivetrain
- Tires: Chaoyang 27.x2.10
- Cockpit Set: Sunpeed Cockpitset
- Fork: Sunpeed 100mm Travel Manual Lockout
Wala naman masyado kinaibahan sa specs bukod nga lang sa hydraulic brakes, at syempre yung shifters na din, napalitan na. Sa Bike sesoris ko na ito pinakamura nakita, may freebies pa na helmet, shades, bottle cage at chain guard.
Sunpeed Zero 29er Hydraulic 2018
Tapos meron pa palang 29er version itong Sunpeed Zero. Naka hydraulic din.
- alloy frame
- lockout fork
- 8 speed drive train
- shimano hydraulic brake
- shimano RD/FD
- alloy seat post,stem & handle bar
- tire 29×1.95
- double wall alloy rim
Nasa P10500 naman ang SRP, halos ganun din ang specs. Sa wheel size lang nagkaiba.
SUNPEED Zero 29er alloy MTB
Meron pa palang non-hydraulic version din yung Sunpeed Zero na 29er. Nasa P8000 naman yung SRP sa Bike sesoris. Heto yung specs:
- 29r Alloy MTB Frame
- Inner Cables
- Mechanical Disc Brakeset
- 8spd Shimano Drivetrain
- Sunpeed Cockpit Set
- Sunpeed Alloy Wheelset
Meron ding freebies na kasama ayon sa listing nila.
Verdict
Bale apat pala yung variants ng Sunpeed Zero, dalawang 27.5 at dalawang 29er. Hydraulic disc brakes at mas murang naka-mechanical disc brakes lang.
Wala naman kinaibahan sa specs pero may mga diperensya sa presyo. Nairequest lang ito sa akin, sa tingin ko, mura na din naman, kung ikukumpara ko sa nabili namin dati na Sunpeed MTB din. Kung trip mo yung kulay, afford mo yung presyo, not bad na din.
Lodiiii!!! please po pa review nang trinx x7
Plano ko po kasing bumili pa review po!!!
kaka-publish ko lang ng Trinx X7 review.
Panalo na po ba pag bibili ako neto 2nd hand, 5months old, 8k? Ung 29er hydro. Ty
i think yes, panalo na.
Boss, ganito bike ko. Secondhand ko po binili. Mejo maingay po ung shock. Pano ko po un mareremedyuhan?
karaniwan kapag stock shox medyo may issue talaga, kung di kayanin sa langis, I will suggest ipon na lang para maupgrade sa mas magandang suspension like suntour XCR
Hi po, ok lang po ba pa review ng Ryder shark 27.5 2018, planning to buy sir. Thanks
meron po, malapit na mapublish.
Salamat sir.
sir ok ba to na starter bike? balak ko kasi subukan magbike pangpabawas ng timbang.. hehe
oo maganda na din naman, padyak na
boss anu po ma rerecommend mo na 10k below budget na pang baguhan lang yong tipong kahit di na kelangan ng upgrade ay ok na ? salamat boss
Foxter Evans 3.0 na siguro
Sir d na po ba ako lugi sa nabili ko na sunpeed rule na 29er na naka altus 9 speed yung drivetrain, remote lock out na din yung fork, prowheel crank set nea hydraulic shimano narin, sa price na 10,500?
ok na din yan
Sa iba po kasi na shop eh 13 to 14k eh kaya ok nadin
paps ano headset nan external or standard
oversized integrated ata
Boss Ian,
Good day, kapadyak. Same ang bike ko na nsa review mo na Sunpeed Zero 29er with Hydraulic brake set… Hihingi lang sana ko assistance kung pano iaadjust ang clearance ng brake pads sa front wheel, bale kasi ng tinanggal ko ang front wheel, di ko sinasadya na na press ko ang brake lever habang inaadjust ko ang handlebar… Kaya ng ibabalik ko na ang front wheel, di ko na maipasok ang brake rotor sa pagitan ng brake pads….
tanggalin mo yung brake pads, tapos itulak mo pabalik yung nasa loob nun, medyo mahirap i-explain dito e, basta itutulak mo lang un para magka space ulit sya sa loob
Bike ko yan !! SUNPEED ZERO 29er!!
kuya ian plano ko sana pong gawing CX ang Sunpeed ko!!!!
San po ba ako unang part ng bike mag upgrade??
rigid fork muna
tapos wheelset din na pang CX na tires, yung 700x35c o higit pa
tapos, dropbars na at sti
sa chainring siguro ok na kung mag single na lang kasi medyo alanganin na maglagay ng road bike cranks sa mga mtb frames dahil baka tumama ito sa chainstay ng frame
Kuya ian ganyan din po bike ko pwede niyo po ba akong tulungan gawing CX ang bike ko San po part ng bike ang uunahin ko pong i-upgrade?
PAPS ANO SIZE STEM NG SUNPEED ZERO 29ER?
haba ba at degrees ng angle? hindi ko lang alam
o clamping size? over sized yan, common naman yun
Good day sir Ian. Newbie here. hinahanap ko yung Sunspeed Alpha 29er, ito kasi yung nabili ko baka lang po familiar kayo kung good buy siya sa 10,400. Salamat!
Mas maganda po tong sunspeed zero 27.5 variant kumpara sa trinx c782 o halos parehas lang po? Salamat po.
mas maganda trinx c782
Sir, mas maganda po ba tong sunspeed zero 27.5 variant kesa sa trinx c782 o halos pareho lang po? O may may iba po ba kayong marerekomenda na 27.5 na mtb na kaprice range lang ng trinx c782. Salamat po
may video ako na iuupload tungkol sa mga budget 27.5 MTB
Sir, mas maganda po ba tong sunspeed zero 27.5 variant kesa sa trinx c782 o halos pareho lang po? O may may iba po ba kayong marerekomenda na 27.5 na mtb na kaprice range lang ng trinx c782. Salamat po
Hi Boss Lodi! Beginner po, balak ko bumili first bike kaya nagresearch po ako ano po mas maganda bilhin foxter lincoln or itong Sunpeed Zero na naka Hydraulic Brakeset na?or my better pa s 2 na to s budget na 10k?Thanks!
foxter lincoln
Trinx M189 Quest or Sunpeed 29er hydraulic?
Boss/Lodi! Baguhan lang po sa bike, anu po ba mas magandang bilhin for newbie Sunpeed Zero or Skyline Super?Thanks!
sunpeed ka mas ok
boss anu yung mas maganda bilhin for newbie. Foxter 27.5 o itong SunSpeed Zero 29er?
kahit alin
Idol ano mas maganda yong sunpeed or keysto na 29er
Hello sir Ian. Thankyou sa pag share ng knowledge niyo about sa bike. May kakilala po kasi ako puro yabang lang ng presyo ng bike niya pero hindi naman makapag share ng knowledge niya. Newbie po ako sa bike. Ipon pa para makabili ng bike. Sunpeed nakita ko na bilhin pero di ko alam kung anong sunpeed yun. Hahha. Thankyou.
Sir panalo na po ba yung sunpeed zero 27.5 na naka mechanical disc brakes worth 7500 pesos?
Sir ano po yung head tube ng 29er na sunpeed zero? Tapered po ba or non -tapered? Upgrade sana ako fork. Tnx