Galaxy RL01 Road Bike Review

Murang alu-carbon na road bike.

Hindi ako masyadong updated dito sa Galaxy Bikes. Pero interesado din ako sa kanila. Nagmessage ako sa facebook page ng Galaxy Bikes noon, pero hanggang ngayon hindi pa din nila niaseseen yun yung message ko. Itinatanong ko lang naman yung specs ng mga bikes nila at humihingi din ako ng pictures para sana maipost ko din yung bikes nila dito sa website.

Buti nalang nagmessage si kapadyak natin na Joseph Desales, at nai-share nya ang nabili nyang Galaxy RL01 road bike. Unang tingin ko pa lang, maganda nga, at nung makita ko yung specs, aba parang panalo na din na budget road bike ito ah.

Galaxy RL01 Road Bike Specs

  • Frame: 6061 aluminum frame / size: 48cm
  • Fork: Carbon Fork
  • Shifter: Shimano Claris 16 speed
  • Chainwheel: Galaxy 52/42T
  • Brake: Shimano Claris
  • Rim: Double wall alloy
  • Hubs: Joytech hubs
  • Tires: CST Road 700x25c
  • Handlebar, Stem, Seatpost: Alloy


Yung ganitong klase ng crank, mas magaan ito. 52/42T ang dalawang plato ng chainring na ito. Medyo mabigat ang pang ahon nito, pero kung malakas ka naman, mabilis ito sa ahon. Claris na din yung front derailleur.

Shimano Claris na din yung rear derailleur kaya maganda na, di kagaya sa ibang budget road bikes na naka Tourney parts pa. Quick-release na din yung gulong sa harap at sa likod.

Naka STI na ito na Shimano Claris, mas maganda yun kaysa sa Tourney na STI. 2×8 ang gearing nito, hindi nga lang naka-internal cabling yung Claris na setup nito dahil yung mas bagong model ng Claris yung naka internal cabling na. Yung ganitong pyesa ng road bike, makikita mo sa mga nasa 25k pataas ng ibang mas kilalang brands.

Ayos din kasi pati brake calipers ay Shimano Claris na.

Parang tapered yung head tube, pero hindi ko lang sure.

Medyo deep din yung rims.


Galaxy RL01 Road Bike Price

Nabili nya daw ito sa Tulang Bikes sa halagang P16650.

Sabi ng kapadyak natin na si Joseph, maganda daw yung paint job. Magaan din yung bike at kayang kaya buhatin ng dalawang daliri lang.

Verdict

Sa specs at price, para sa akin maganda na din na choice itong budget road bike na ito. Kasi naka alloy frame na at higit sa lahat, carbon fork na din. Shimano Claris pa yung mga pyesa. Sa ibang road bikes kasi, hindi pa Shimano yung ginagamit na brake calipers na karaniwang una din na inuupgrade ng mga road bike users.

via Bikers’ Nook Lucena

Maganda nga yung porma at dating nitong Galaxy GLX RL01 Road Bike. Hindi ako 100% road bike enthusiast pero masasabi ko na panalo na din yung specs niya, pedals na lang talaga ang papalitan mo dito kung seryoso ka sa pag road bike, mas mainam kasi na naka cleats pedals ka.

Salamat ulit kapadyak na Joseph Desales sa pag-share mo nito, sana makatulong din ito sa iba na naghahanap ng maayos na budget road bike.


  • 159
  •  
  •  
  •  
    159
    Shares