Isa na namang bagong MTB ng Foxter, itong Foxter Lincoln FT 4.0. Kasunod lang yata ito nung Foxter Evans 3.0 e. Hindi din nagkakalayo ang presyo, mas mahal lang ng P500 ang Lincoln 4.0.
Ano ba ang pinagkaiba nitong dalawa? Suriin natin sa review na ito.
Pinakamura na nakita kong presyo nitong Foxter Lincoln 4.0 ay sa Budget Bikes. P9500 lang sa kanila. Sa iba kasi ay lagpas na ng P10k at halos umabot pa sa P11k.
Heto yung specs ng Lincoln 4.0.
Foxter Lincoln 4.0 Specs
Frame: Foxter Alloy
Alloy din yung frame. Iba na din sa mga mas mura pa na MTB ng Foxter yung porma ng frame. Iba din yung style nito kumpara sa Evans 3.0. Mas may kurba yung top tube. Hindi ko kabisado yung mga benepisyo ng ibat ibang geometry ng bikes, pero para sa akin maangas ang porma nito.
Internal cabling pa din at maganda ang mga kulay na available. Hindi ko lang sigurado kung may iba pa itong size bukod sa size 17.
Fork: Foxter w/ lock out
Sa fork naman, Foxter fork pa din na may lock out. Coil spring type na shock, mataba yung tubings ng stanchions.
Brake: Shimano 315 Hydraulic
Shimano non-series hydraulic brakes naman yung brakeset. Kahit na non-series lang ng Shimano yung brakeset, ay okay na ito kaysa naman kung brakeset lang ng hindi kilalang brand ang ginamit.
FD: Shimano Tourney
RD: Shimano Tourney 8speed
Shimano Tourney lang yung FD at RD. Kahit na pinakamababa yun sa mga pyesa ng Shimano ay wala namang issue sa components na ito, maayos naman ang performance.
Handlebar: Foxter Alloy 680mm
680mm pala yung haba ng handlebar nito. Buti naman at alloy na. Straight din kaya swak na XC ang pormahan.
Stem: Foxter Alloy 80mm
80mm naman yung haba ng stem nito. May kaunting angle na pwede mo isetup pataas o pababa.
Seatclamp: Q/R Alloy
Quick release na yung seat clamp at alloy na din.
Saddle: Foxter
Yung saddle naman ay Foxter branded pero mukhang maganda ang porma at pagkakagawa.
Crank: Foxter Triple Alloy
Ito yung naiba sa Evans, Alloy na yung crank nitong Lincoln. Mas magaan, at mas maganda. Hindi kakalawangin.
Freewheel: 8speed Silver
Hindi ko alam kung anung cogs ang ginamit dito, kulay silver.
Hub: Front and Rear alloy Q/R
Quick release na yung front and rear hubs. Alloy, pero hindi natin alam kung thread type pa din ba o cassette type na yung hubs nitong Foxter Lincoln 4.0
Cable: Jagwire
Jagwire daw yung cable na ginamit sa bike na ito, bongga kung ganun at least hindi generic cable at cable housing.
Rim: Foxter Alloy Double Wall
Double wall at alloy na yung rims. Maganda yun, kapag double wall kasi mas matibay at mas magaan.
Tire: Kenda 27.5×2.1
Yung tires naman, Kenda na. Mas malapad na din kasi 2.1 na yung sukat. Yung sa Evans 1.95 lang. Mas bagay sa trail itong gulong na ito.
Verdict
Akala ko wala masyadong bago dito sa Lincoln 4.0. Pero tulad ng unang hinala ko sa Evans 3.0, mali na naman ako. Kung nabasa nyo yung review ko sa Evans 3.0, recommended ko siya para sa mga may budget na P9000 at gusto ng naka hydraulic na setup.
Itong Lincoln 4.0 naman, tutal P500 lang ang idadagdag mo, edi dito ka na lang.
Iba ang style ng frame, parang mas maganda yung ganitong porma e. Tapos alloy na crank, mas maganda ang gulong (Kenda na na mas malapad), Jagwire na din ang mga kable.
Kung trip mo yung mga kulay ng Foxter Lincoln 4.0, na Neon ang dating gaya ng Foxter FT301, at kaya mo naman isagad ang budget mo sa P9500. Panalo ka na dito.
Ito pala yung ibat ibang kulay ng Foxter Lincoln 4.0
Credits sa Budget Bikes at FJ Bikes para sa mga images na ginamit sa post na ito.
Salamat sir for this review
very helpful sa mga magbabalak bumili ng mtb and sa mga beginner like me.
Pasunod naman sa Review yung Foxter Princeton sir. Thanks
Nakapending na po.
Paki sama na din po yung Vinson 6.0, sir! Salamat!
may pending ako nyan.
Sir ian san nyu po nkita yung 9500 na lincoln..anung shop at sang lugar planning to buy one po kc…
sa Budget Bikes ko nakita yung P9500 na Foxter Lincoln 4.0
Saan kuya ian
Kaka bili ko lang nito kanina. Sulit to mga bes
Saan po naka bili?? And magkano po
ang mahal ng lincoln sa’min. 12.5k overpriced haha nasa probinsya kasi e.
Hi po, tanong lang po kung ano mas maganda Simplon storm 6.0 or foxter lincoln. Thank you po.
medyo malaki price difference nila, pero di din naman nagkakalayo specs e edi go for foxter lincoln na lang
Pano shipment neto? Pde ba credit card?
hindi po kami nagbebenta kapadyak
Got this one for 9500 only here in Paniqui, Tarlac… Newbie here and I love it! 😊
Sir, saan po jan sa Paniqui yung 9,500 lang na Foxter Lincoln? tska pwede po ba na credit card installment?
Salamat sa reply..
Hmmm. Paniqui Tarlac din ako. Anong name ng store na pinagbilhan mo?
boss san ang budget bikes shop?
hindi ko lang alam kung saan exactly sila kasi parang strictly shipping and meetups lang ang ginagawa nila. around metro manila free shipping sa kanila, kaya siguro doon sila based.
cassette type na ba hub nito sir
hindi ko lang sure
Kuya pwede po ba dito ang 3×10 speed? Tia
pwede yan
Sir ano ma rerefer nyo sa trinx na sames specs sa foxter lincoln 4.0?thank you
wala e, puro above 10k na yung same specs dito sa lincoln 4.0 sa trinx
pano umorder sa budget bikes
PM nyo lang sila, nagsship nga din yata sila. Hindi po ako affiliated sa kanila ha, hinihiram ko lang madalas yung mga pics na inuupload nila sa fb. Hindi pa din ako nakakasubok bumili sa kanila.
Sir ano po marerecommend niyo sa dalawa: Foxter Lincoln or yung Ryder Shark na 27.5?
Lincoln na lang kapadyak
Sa chainring nito boss Ian may apat na bang turnilyo na nakakabit?
hindi natatanggal sa pagkaka screw ang turnilyo sa stock crank nitong foxter lincoln, naka rivet sya
Sir alam pwede po ba kahit anong fork sa lincoln?i mean kahit rigid pwede?may size mga un?nka lincoln po kasi ako balak ko palitan ng rigid ung fork nya..sensya na baguhan lang po..
pwedeng pwede paps, depende yun sa gusto mo. make sure lang non tapered yung fork.
Magkano po kaya etong foxter lincoln sa quiapo ????
Sir ian magkano kaya e2 sa quiapo?
Sir pwede na po ba itong Lincoln sa long ride bulacan po to rizal
pwedeng pwede paps
kuya meron ba NA 9500 na foxter Lincoln sa qiapo
hindi ko lang sure ngayon, di na ako updated sa quiapo prices
Sir paano po ba ma spot yung mga counterfeit ng foxter lincoln 4.0?
wala naman ata peke nyan
Sir ian nabanggit mo po na alloy na yung crank ng lincoln 4.0 yung evans 3.0 po ba hindi alloy? Napapalitan din po ba yung crank?mas trip ko kasi evans 3.0
hindi ko lang din sure. Di ko pa kasi nakikita ng personal ang Evans 3.0 pero kung magpapalit ng crank, pwedeng pwede yan.
kuya meron ba na foxter Lincoln sa qiapo
meron siguro yan
idol, tanong ko lang 5’7″ kasi height ko hindi naman ba alanganin ang frame size na 16″ sakin?
thanks,
swak lang yan
Lincoln user here….kakabili ko lng kahapon sa Lemery Batangas…9500 lng ang kuha ko…so far so good ang performance nya…maganda ang play ng suspension…overall good performance sya..😎😎😎
san sa lemery idol?
Paps sa br biker zone ka ba bumili Nyan 9500. o sa ibang shop taga calaca kc aq bibili aq Lincoln next month. Thnk u in advance.
Magkano po kaya ung price nito sa quiapo?..ty
Sir ask ko lang kung ano mas maganda ryder shark or foxter lincoln
Magkano po kaya ung price ng lincoln sa quiapo??……ty
bakit po balik tad yun preno ng lincoln kuh yung pang likod nah brake sana nasa left tas yun sa front nasa rigth e wala pa atang wire ito ako na sana magpalit bka masira kupa
hydraulic na ata yan, baka mali lang ng saksak sa calipers, mahirap yan gawin ng sarili lang kasi may mga fittings ka pa na kailangan dyan
Sir ian may size 19 na kaya sila ng ft linconl 4.0??
parang puro size 17 lang ata ang foxter
Sa tingin nyo po, alin mas matibay na frame foxter lincoln po ba o keysto conquest, Or alin ang mas sulit sa dalawa. ? Planing to buy keysto conquest or lincoln. . Tnx
Alin po mas sulit keysto conquest or foxter lincoln or alin yong mas matibay na frame sa kanila? Tnxl
keysto ka na made by trinx
Sir ian pwede ko poba i upgrade tong cogs ko to 11 – 42 na 8speed din. Ang stock cogs ko kasi sa lincoln is 13 – 28 lang.
pwede yan pero kung ang hubs ng lincoln ay thread type, need mo pa magpalit ng hubs na cassette type
at kung kaya ba ng rd mo ang 11-42t, yun ang dapat mo alamin, karaniwan ginagamitan yan ng goat link
sir tanong ko lng po kng pwede sa 5’3 hight yang foxter lincoln? salamat po
pwede yan, baka kaya pa habulin pag adjust ng stem at saddle position
san po gawa ang foxter na mga bike?
China daw
Worth it po ba kung ibebenta ko itong keysto striker ko ng halagang 4k at bibili ng 2nd hand na Lincoln na halagang 8k na upgraded ang sagmit handlebar at mga accessories. Salamat po.
ok din na ibenta mo, tapos bili ka na lang ng ibang bike sa 8k, kahit wag na yan lincoln na 2nd hand, mas maganda kung brand new mabibili mo
Sir saan naman yang 9500 na foxter lincoln mabibili? Kadalasan kasi iba na yung presyo pag dating sa mga bike shop
sa fb ko lang yan nakita, sa budget bikes
Ano pong mas okay bilhin. Foxter lincoln or giant atx 2 2018? Salamat po.
Giant ka na para maganda batalya
Sir mag ask sana ako about sa bike size. Dito kasi samin panay 17″ ang frame size tapos 27.5 ang wheels. Though nakita ko na video mo about wheel size ang mismong concern ko lang ay frame size. magkakaigi kaya sakin yung 17″ na frame? sabi sakin ng mga bike shop i adjust na lang daw seat post. Medyo kulang kasi sa budget kaya nag hahanap ng mga 10k-12k bike na may large frame panay 17″ ang merun sa price range. Baka merun ka din po marerecommend. Salamat
hindi mo nabanggit kung ano ang height mo
kung need mo talaga malaki ang frame size, e depende yan sa height mo kung 6+ ka, need mo talaga malaki na frame size, medyo mahirap talaga makahanap nun sa mga budget bikes.
Sir, hanggang anong size ng tire yung kasya jan sa foxter Lincoln 4.0?
Boss cassette type ba to kasi kakabili ko lang begginer lang din ako sa bike 10500 bili ko
parang cassette type na, pero di ko pa din personally na confirm kasi di ko pa nakikita ng personal
Alin po mas matibay trinx or foxter? Salamat
trinx ka na lang kasi designed in italy at may sarili silang factory
Kuya ian pede ba tong pang off road tsaka long ride?
pwedeng pwede
bud. parang may 29er na ata yung foxter lincoln. nakung tawagin ay foxter lincoln 4.0 plus.. anu naman ikinaiba nun sa previous one except sa 29er size.???
kailangan lang ng info ..buy ko kasi dis december
meron na nga 29er variants sa foxter bikes, tama may plus nga sa dulo yung name, madalang nga lang. pero same specs lang yun sa kung ano man ang 27.5 model nila, sa wheel size lang nagkaiba, mas mahal lang din ng konti
thanks bro
bud. parang may 29er na ata yung foxter lincoln. nakung tawagin ay foxter lincoln 4.0 plus.. anu naman ikinaiba nun sa previous one except sa 29er size.???
kailangan lang ng info ..buy ko kasi dis december
sir ian help kasya ba dito mga 30mm width na rims? wienman u32tl or weapon aegis tr7?
kasya siguro yan
Ano po diameter ng rim nito boss ian?wide rim po ba 30mm?
rim nito is pang 27.5
rim width, ordinary lang, siguro 23mm lang
Boss ian swak bato sa 5’1 ang height
pwede pero baka mahirapan
Sir ian, ano mas maganda? Trinx c520 o foxter ft 301+ at bakit. Salamat
29er vs 27.5 yan
pero kung Trinx M520 vs Foxter FT301+, same sila na 29er, doon ako sa Trinx M520 kasi naka internal cabling na. at mas mura din kung iuupgrade mo sa hydraulic brakes kasi hindi na yun naka combo shifters
Tutal d namn nagkakalayo presyo nila, ano mas magandang choice na iupgrade ng hyd brakes
Kaya ba ng stock hubs nito na mag upgrade sa 10speed na cogs sir ian?
kaya yan
Sir Ian . . 11,500 presyo ng LJ Bikes para sa Foxter Lincoln 4.0
may recommended shop kapa ba na pwede ko bilhan?
subukan mo sa quiapo maghanap
Sir Ian ok lang ba ang 17 na size sa 5’10 na height either Trinx or Lincoln?
pwedeng pwede
Kuya Ian, may rear derailleur hanger po ba yung bike na ito? Yung 2018 Foxter Lincoln 4.0? Salamat po!
meron
Kuya Ian, may rear derailluer hanger po ba yung bike na ito? 2018 Foxter Lincoln 4.0? Salamat po!
Tubless po ba yung gulong nito? Thank you!
hindi
TAPERED NA PO BA TO ?
sir ian pareview naman po ng trinx d700 elite. balak ko po kaseng bilhin. maganda na po ba yun?
sige, gawan natin
sir ian pareview po ng trinx d700 elite balak ko po kaeng bilhin. ok na po ba yun? newbie lang po:>
Kuya Ian may foxter lincoln din po kasi ako. Tanong ko lang po kung pede ko palitan yung stock foxter hubs ng speedone soldier 6 pawls hubs? O dapat kasama na rin po yung cassette pag nagpalit ako ng hubs? Thanks po!
pwede kahit hindi na, cassette type naman na yang lincoln
Kuya Ian, may lincoln din po kasi ako at balak ko po palitan yung hubs. Tanong ko lang po kung compatible po ba sa mga stock parts ng lincoln ko yung speedone 6 pawls? Thank you po!
oo compatible yan
Ano pa po pwede e upgrade sa foxter lincoln 4.0 para sa pang trail?
fork at wheelset
Kuya Ian, 2019 Trek Marlin 6 naman po, wala po kasing magandang review nito eh. Hehe.
subukan ko
Sir Ian, cassette type na po ba yung hubs nitong lincoln saka pede po bang gawin kong alivio yung crank set lang po muna. Thanks po!
di ko pa nacheck pero tingin ko cassette type na, pwede yan
Sir anong 29er na Mtb ang maganda sa price range na 10k to 15k?
abangan nyo nalang posa youtube channel, doon magpopost ako
Good day Sir Ian! Pede po kaya yung maxxis ikon skinwall size 27×2.20 sa stock rim set ng lincoln ko? Or magpapalit din po ba ako ng rim set? Thank you po.
pwede po yan
Thank you dito, idol!
Idol pwede ba upgrade ito ng 10speed na di na magpapalit ng hubs at brakeset? Newbie lang po..tia.
pwede
boss pwede ba ipang-trail itong foxter lincoln??
pwede yan basta xc o light trails lang
pwede po ba itong foxter lincoln ay isabak sa trail?? o pang xc lang ang galawan niya??
pwede b eto lagyan o palitan ng 29″ na gulong.thanks
depende siguro sa gulong kung malapad o swak lang
Sir sana po masagot nyo yung tanong ko. Konti lang po kasi budget ko kaya nag uunti unti po ako ng pagbili. Pede po bang isalpak yung LTWOO A7 gearset sa Alivio crankset? Thank you po!
pwede po, ganyan ang setup ko
Akala ko po Sir Deore po crankset nyo tapos A7 gearset nabasa ko po dito sa unliahon website. Pede rin po pala yung alivio crankset sa LTWOO A7 gearset. Thank you po!
sana nga naka deore ako, pero wala alivio lang e, pwede yan sa 3x na setup, kaya lang medyo kailangan mo alalahanin na wag mag cross chain kung mag 42t ka na cassette sa 3x na setup, kaya nag switch ako sa 1x para di ko na iisipin cross chaining. mas ok kasi na mag 1x nalang pag naka 42t ka.
Very well said sir! Maraming salamat sa info. May isa pa po akong tanong sir kaso nandun po sa weapon shuriken na vlog. Sana po mabigyan nyo din po ako ng advice tungkol dun. God bless po! Mabuhat UnliAhon! 💪💪💪
Sir IAN,5”4 po height ko,sakto lang poba para sa FOXTER LINCOLN 4.0? salamat sir
Ano mas magandang kulay ng foxter lincoln 4.0
Sir ano mas maganda na kulay at mabili
Sira no po yung mas maganda di to sa limang neon color at mabili
kung ano yung hilig mo
Ano po mas magandang kulay ng foxter lincoln 4.0
Sir ian ask ko lng po compatible ba un speedone soldier dto s foxter na 27.5 lincoln
pede yan
Sir IAN pwde parin po ba ako sa size 16 na bike kahit 5’10 ang height ko?
pwede po adjust na lang sa seatpost at stem, pero mas maganda pa din ang size 17 sa height mo
Meron po ba neto sa quiapo?? Just asking lng po
meron
Sir ask ko lang cassette type ba ung cogs ng foxterc4.0?
Sir ian gawa naman po kayo ng review about sa foxter princeton 2.1
Ano po ba ang Coil spring type na shock? Sana po gawa kayo video na about po sa mga type ng shock.
Boss ano po mas maganda and mas matulin FOXTER LINCOLN 4.0? TRINX M1000 QUEST? KEYSTO CONQUEST? Ano po mas sulit sa tatlo? Thankyou po! :))
Ian Albert thanks sa review. Pinag-iisipan ko kasi na bumili nito, Foxter Lincoln 4.0
Ano pa pagkakaiba ng foxter lincoln 4.0 sa 4.1 sir?
San po makakabili? Meron poba nito sa bike bike bike shop?
San po pwedeng makabili nito??
Naka tapered po ba head tube nito?
Ilan po teeth ng foxter lincoln 4.0 kada crank
sir may alam ka ba mabibilan ng lincoln 4.0?
Sir san makaka avail nito??
Sir, gd day, san po maraming mapagpilian mabilahan na foxter brand na mtb especially foxter lincoln? Thanks, nelson of marikina
Sir, hanggang anong size kaya ng gulong ang fit jan sa foxter Lincoln 4.0?
2.2 lang siguro para safe pa